**
"Zion?" mahinang tawag ko sa pangalan ng Ex-boyfriend ko. Damn, we had a great story to tell. But then, just like the other relationships.. Ours didn't last.
Narinig ko ang mahinang tawa ng lalaking nasa harapan ko. I can see his pissed smirk. "Kaya pala.. So magkikipagkita ka ba sakanya kaya ka nandito?"
Napairap na lang ako ng mga mata at sinubukang umalis sa pagkakaharang ng mga braso niya. Pero hinatak niya lang ulit ang mga kamay ko at kinaladkad ako palayo sa club. Narinig ko pang sumigaw si Lyka pero hindi ko na siya nalingon dahil sa bilis ng lakad ni Kyle.
Nagulat ako ng bigla nalang siyang mapahiga sa lapag dahilan para mabitawan niya ko. Nanlaki ang mga mata ko ng nakitang si Zion ang sumuntok sakanya. Agad akong humarang sa harapan Kyle para pigilan siya sa pag ganti.
"Sht! Kyle, okay ka lang ba?" Agad kong tinignan ang parteng nasuntok ni Zion pero tinapik niya lang ng malakas ang kamay ko. Bakit ba galit na galit siya sakin ngayon? Tss.
Dahan-dahan siyang tumayo at lumakad paalis. Oh no.. "Kyle.. Kyle wait lang.. Please.." habol ko sakanya. Sht.. Alam ko na to.. Baka hindi nanaman siya magpakita sakin. No no.. please.
"Kyle.. Kyle pansinin mo naman ako.." Pilit kong hinahatak yung braso niya pero agad niyang tinatanggal ang hawak ko. F-ck!
"Kyle, ano ba!" Sigaw ko na ikinatigil niya. Nakatalikod parin siya sakin. Bakit ba hindi niya ko hinaharap? "Tumingin ka nga sakin!"
Ipinihit ko siya paharap sakin at nakita ang namumula niyang mukha sa galit.. Hell! What did I do?! "Ano bang problema mo?! Bakit ba nagagalit ka ng ganyan?!" Hindi ko talaga siya maintindihan. Ang gulo-gulo niyang tao.
"Problema ko?" Tumawa pa siya ng parang nababaliw habang tinuturo ang sarili. "Ikaw ang problema ko, Tiffany! Nagagalit ako sayo! Nagagalit ako sayo kasi sinabi mong mahal mo ko pero ano? Siya yung kikitain mo diba?! Diba?!"
Kitang-kita ko yung galit sa mga mata niya. Yung pagtitimpi niya na masaktan ako.. Bakit siya pa yung may ganang magalit ng ganyan? Dapat nga ako eh.. Dapat ako yung galit ngayon. Dapat ako yung nanunumbat ngayon. Pero mukhang bumaliktad yung nangyari. Mukhang ako pa ang masama.. Mukhang siya pa yung sobrang nasasaktan.
"Ano Tiffany?! Tama ako diba?! Babalikan mo na ba siya? Kaya ganyan? Kaya magkikita kayo ngayon?! Ha? Hindi mo na ba naaalala kung gano ka niya sinaktan?! Ako yung takbuhan mo non! Ako yung nandun nung iyak ka ng iyak! Tapos ngayon? Sinasabi mong mahal na mahal mo ko pero ano? Makikipagkita ka dun! Kaya ba ganun na lang yung pakikipagusap mo sakin kanina? Ha? F-ck Tiffany! f-ck!"
Napapikit ako ng mariin habang isa-isa nang tumutulo ang mga luha galing sa mata ko. Puro ingay galing sa iba't ibang bar lang ang naririnig. Pati ang mabibilis kong paghikbi. Gustong-gusto kong sagutin lahat ng sinabi niya pero nanghihina ako. Hindi ko magawang ibuka ang mga bibig ko para magsalita. Nasasaktan nanaman ako.. Ngayon pang si Kyle ang nagagalit sa harapan ko.
"Tiff.. Tell me. Babalikan mo na ba siya?" Mahinang pagtatanong niya. Dahan-dahan lang akong umiling bilang sagot. Biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot.
BINABASA MO ANG
It could have been.. Us. (SHORT-STORY)
RomanceCOMPLETED. Mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya na kahit dalawa kaming mahal niya.. Eh ayos lang sakin. Kahit pa ako lang talaga ang nakikihati.. At yung isa ang totoong nagmamay-ari.