[A/N : Thanky thankies xyShingwapa for fanning and adding up my JALEC stories in your library. Hope you'll like this too ;) ]
********
Chapter 8 -- Her Past .. His Memories ..
[3rd Person's POV]
"Magkaaway ba kayo nung Jefferson na yun?" tanong ni Andrea sa lalaking nasa harapan niya na kumakain.
"Huh? Shinong Jeffewshon?" nagmamaang-maangan na tanong ni Lawrence.
"Psh. Nguyain mo nga muna yang kinakain mo. Kadiri ka" reklamo ni Andrea.
"Psh. Ikaw ba nagluto nito? Ang pangit ng lasa. Nakakawalang gana'ng kumain. Ayoko na nga" pag-iinarte ni Lawrence para lang maiwasan ang tanong ni Andrea. Ayaw niya kasing malaman ng babae na magkapatid sila ni Jefferson.
"Nemen. Walang gana daw, eh halos inubos mo na nga yung pagkain eh. Mabuti nga at may konti'ng hiya pa palang natitira diyan sa sarili mo at tinarhan mo ako" inis na sambit ni Andrea. Kanina pa siya inis sa lalake kasi kanina lang ito reklamo ng reklamo tungkol sa niluto niya. When in fact, masarap naman talaga.
"Tara na nga, at may konti pa tayong natitirang oras bago mag-perform. Mas mabuti ng makapagpractice kesa ipahiya mo banda ko" sabi ni Lawrence at tumayo na.
"Psh. Ako? Ipapahiya ang banda mo? Hoy. Dahil sakin kaya mas lalong sisikat ang banda mo no. Tandaan mo yan" inis na sambit ni Andrea at mas naunang lumabas ng bahay kesa kay Lawrence.
"Hoy! Ligpitin mo yang mesa." sigaw ng dalaga sa labas ng bahay niya.
"OO NA. KAINIS!" tanging sambit ni Lawrence at niligpit ang pinagkainan nila.
*****
[Lawrence's POV]
Psh. Kainis yung babaeng yun. Ako ba naman ang pinaligpit ng pinagkaininan namin kanina. Swerte niya ah. Tss. First time ko'ng magligpit ah.
Kasulukyan kaming nasa kotse ko. Si Andrea yun panay laro ng ewang games sa cellphone ko.
"Hoy, baka malowbat yan ah" sabi ko sakanya.
"Wag ka ngang maingay. Nagcoconcentrate ako dito" naman. Feel na feel eh. Sa kanya yung cellphone, sa kanya? Psh.
"TAE! Bwiseet. Kainis naman nito. Arrggh" inis na inis siya na parang gusto na niyang baliin ang phone ko.
"Hoy. Hoy. Baka masira phone ko. Mas mahal pa yan kesa sa buhay mo"
"Ano yan? Made of gold? Tss. Oh *tapon sa phone* isaksak mo yan sa baga mo. Kaugali mo phone mo. Nakakainis kayo pareho. Tss." inis na inis niyang sabi at sinimangutan ako.
"HAHAHAHAHAHA" napatawa nalang ako bigla. Kakaiba talaga tong babaeng toh.
Dahil lang sa na game over siya, bad mood na siya? HAHAHA. Tengene. Winner to.
"Hoy. Ano'ng tinatawa-tawa mo diyan? Ano'ng nakakatawa ha?"
"W-wala .. HAHAHAHA"
"Hoy. Para ka'ng sira. Wala daw tapos tawa ng tawa. Tss. Upakan kaya kita diyan". Naiiyak na ako sa kakatawa. Ang sarap niyang asarin. "Mag concentrate ka na nga diyan. Baka mabangga mo to'ng sakyanan mo. Well, wala naman ako'ng paki kung mabangga mo to .. Ang akin lang hindi ako masama kung maaksidente ka man at mamatay. Dah---"
"TAMA NA!"
"Sh*t" I heard her cussed.
"Hoy. Ano ba'ng problema mo ah? Alam mo .. Arrrghh .. Ang sakit mo sa bangs. Bwiseet. Freak!" galit niyang sabi at nanahimik..