Chapter 7 -- The 2 monsters
[Lawrence's POV]
"Sakay na"
"A--ako? Diyan?" tanong niya habang nakaturo sa sarili niya.
=___=" Ba't ba ang bobo ng babaeng to.
"Oo. Ikaw" sagot ko.
"Saan?" Aish. Nakakainis naman tong babaeng to. Ang tanga lang.
"Sa gulong i-try mo. Tss. Dito" sabi ko.
Dali-dali siyang sumakay sa likuran ng kotse ko.
"Hey. Ba't ka nandiyan? Anong tingin mo sakin? Driver?" naiinsulto kong tanong.
"Tss. Porke't dito ako sumakay driver ka na agad? Diba pwedeng di ko lang keri na katabi ka?" sabi niya na halata sa boses niya ang inis.
Pinaadar ko ang kotse.
"Every 8-10 pm ang schedule natin. I'll just pick you up so you don't need to worry about the transportation"
"Wow. Libre? Ako? Araw-araw?" manghang tanong niya.
"No. May kapalit sa bawat sakay mo sa kotse ko" sabi ko. Wala ng libre sa mundo no. Tss. Swerte naman niya kung libre lang.
"Tss. Ano yun?"
"Sa inyo ako kakain ng dinner everyday."
"WHAT?!!!" sigaw na tanong niya.
"Sh*t. Ang sakit sa tenga ang boses mo. Pwede pakihanaan? Bwiseet."
"Eh sino ba naman kasi ang hindi mabibigla. Hello. Total stranger ka po .. Hindi ko nga alam kahit pangalan mo eh. Saan ka nakatira tapos bigla-bigla mo nalang sasabihin dun ka sa bahay kakain ng dinner everyday? Kumusta naman daw yun?"
Arrrrggghh .. Sakit sa ulo tong babaeng to.
---
[Andrea's POV]
"Psh. Para namang hindi pa ako nakakapasok sa bahay mo. Sumama ka pa sakin kahapon at sumali na sa banda. Tapos sasabihin mo'ng stranger pa ako ngayon? Tss. Nakasakay ka pa nga sa kotse ko" sabi niya.
"Hoy. Hindi kita pinapasok nun noh, FYI bigla ka lang pumasok dun. Tsaka yung sa banda .. tss .. eh ang ganda ng offer eh. Tatanggihan ko pa ba? Psh. Madali lang ako'ng madala basta pera .. kung hindi mo pa alam" sabi ko.
"Tss. Mga babae nga naman, puro pera ang iniisip"
"So? At least kami nag-iisip para mabuhay. Eh kayo? Wala .. nakatunganga lang .. Alak doon. Alak dito. Yosi doon. Yosi dito. Bar here. Bar there. Nag-aaksaya lang kayo ng pera"
"Psh. Edi ikaw na. Ikaw na matipid"
"Tss. Pero, seriously .. Di pa kita kilala. The who ka ba?" tanong ko habang nakatingin sa kanya na nagmamaneho.
"Well, I'm Lawrence Max. 17 years old. Well, obviously .. gwapo *ehem*, mabait *ehem*, matalino .. at higit sa lahat matapang" pakilala niya. Tss. Same sila ng ugali nung Jefferson na yun. Ang yayabang. Pwe!
"Psh. Meron ka nung mga non? Weh Di nga?" nagtatakang tanong ko.
"Hoy. Aba't!"
"Psh. Oo sige na. Sige na. Ikaw na gwapo .. Pero mabait? Haller .. Asan?" pang-aasar ko.
"Tss. Kung itanggal kaya kita sa banda?" panghahamon niya at tiningnan ako ng masama.
"Hehehe V^____^ Joke lang. Kaw talaga, di mabiro. Ang bait mo nga eh."