Chapter 2 -- Kidnapped by a JERK

101 2 0
                                    

*****

Chapter 2 -- Kidnapped by a JERK

[Andrea's POV]

Nilock ko na yung bahay. Delikado kasi dito sa lugar namin eh. Uso'ng uso ang pagnanakaw. Pero asa naman ako na may magnanakaw sa bahay ko bukod sa wala namang mananakaw dito iniiwasan din ako ng mga tao dito samin. Tss. Pero paki ko. Mabuti na nga yun.

Pupunta na naman ako sa kabilang baryo. Para lang mapuntahan yung bahay kung san nagtututor ako. Matalino kaya to.

2 oras din yun galing dito samin. Wala kasing makukuhang trabaho dito samin. Wala kasi'ng tumatanggap sakin. Lahat inaawayan ako. Lahat iniiwasan ako. Kinamumuhian nila ang isang tulad ko. Tinaguriang SALOT ako sa lugar na to. Kaya nga nagogrocery na ako sa mall lahat ng kailangan ko kasi wala namang tindahan dito na mabibilhan ko. Opo, ganyan ka OA ang mga tao dito. Pero sanay na naman ako.

Naglakad na ako papunta sa terminal kung saan naghihintay ako ng bus papunta sa lugar na yun. Habang naglalakad, may naririnig na naman ako'ng mga bulong-bulungan.

"Nako. Nandiyan na naman yung malandi"

"Oo nga. Kailangan talaga'ng pagbawalan natin yung mga asawa natinna lumapit sa kanya. Baka akitin pa niya"

"Oo nga. Tsk. Tsk. Malandi talaga"

Tamo to'ng mga to. Ke aga-aga chismis agad ang inaatupag.

"Excuse me mga nanay. Bukod sa chismis, ano pa'ng alam niyong gawin? Wag nga kayong magmalinis. Na kala niyo sa sarili niyo, ang linis linis. Bukod sa panlalait, nakikita niyo ba ang mga ugaling niyo'ng pangit? Na mas mapait pa sa ampalaya. Naaawa naman ako sa mga anak niyo. Wala sila'ng makukuhang maganda'ng asal diyan sa inyo" and with a smile I walked away.

"*whistle* Miss, punta ka sa bahay namin. Papaligayahin kita"

"HAHAH. Pre, hindi naman yan nagpapagamit ng walang bayad eh. Andrea, akin ka nalang. Sasaya ka na , yayaman ka pa"

"Nakoo .. Mga pre, wag na yung mga ganyan. Overused na yan mga pre"

Sigaw ng mga tambay nung napadaan ako sa tindahan. Overused? Ano ako? Battery?

"Excuse me ho. Kung ako overused, ano ho kayo? Dead battery? Mga tambay na nga kayo, wala pa kayong magawang matino. Subukan niyo kayang maghanap ng trabaho, ng sa ganun umunlad naman kayo."

Oh ha! Speechless ang mga manong.

"Pokpok!"

"Malandi"

"Manggagamit"

"Mukhang pera"

Sigaw ng mga babaeng walang magawa sa buhay kundi ang pagandahin yung mga mukha nila. Inggit lang yan sa natural beauty ko. Sila, kahit ilang make-up na ang naubos, wala pa ring epek.

"Ahh .. May tanong lang ako" sabi ko sa kanila.

"Ano naman yun?" mataray na sabi nung babaeng halos iluwa na ang kaluluwa dahil sa suot niyang damit. Or not .. damit pa ba yan?

"Made in China ba yang ginagamit niyong make-up?" nakangisi ko'ng tanong.

"*gasp* How dare you. Sino ka para sabihing made in china ang make-up ko? Bakit mo nasabing Made in China to when in fact, wala ka namang ganito" Aba't!

"Kasi kahit ingud-ngud niyo na yang mga mukha niyo diyan sa make-up niyo, wala pa ring pagbabago. At wala nga ako'ng make-up, kasi di ko na kailangan ang mga ganyan. Masyado na ako'ng maganda. Try niyo kayang kainin yang make-up niyo at baka gumanda ang mga ugali niyo!" sabi ko at nginitian sila. Nakikita ko sa mga mukha nila ang pag-kainis. Tsk. Tsk. Poor faces, pangit na nga. Pinapangit pa.

Black Hearted CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon