*****
Chapter 1 - The Black Hearted Cinderella's Life
[Andrea's POV]
Naaalala ko na naman ang nakaraan. Ang mapait ko'ng karanasan.
Tumulo na naman ang aking mga luha.
Kung pwede lang burahin ang nakaraan, ginawa ko na.
Kaso hindi, kaya heto ako .. nasasaktan pa rin sa nakaraan at naapektuhan.
5 years old pa lang ako ng binigay na kami ng mama ko sa Tita ko na para lang kaming mga bagay.
Pero sana pinatay na niya lang kami kung ganito lang naman din ang aming sasapitin. Ginawa kaming alila ng kapatid ko. Grabe ang naranasan namin sa pamamahay ng Tita ko.
Galit ako sa mundo, galit ako sa Tita ko, pero mas galit ako sa mga magulang ko.
Responsibilidad nila ang alagaan kami, pero anong ginawa nila? Tinakasan nila ang responsibilidad sa amin at binigay nalang kami. Kaya galit ako sa mundo. Galit ako sa lahat ng tao, except sa kapatid ko.
Nangako ako sa kanya na di ko siya iiwan tulad ng pag-iwan ng parents namin samin. Sa edad na 11 ako na ang nagpaaral sa kapatid ko. Nagtatrabaho kami sa shop ng tita ko. Sweldo namin ang pagkain, paninira sa bahay nila. Pero yun lang yun. Sabi pa nga niya mag pasalamat daw kami at inako pa kami ng Tita ko.
Lahat ata ng trabaho pinasok ko na, lahat ng sidelines ginawa ko na para lang mapa-aral ang kapatid ko. 1st year high school nag –stop na ako sa school.
Pero di ko inaasahan na gagawin ko din yung ginawa ng mga magulang namin samin. Di ko inaasahang bibiguin ko rin pala ang kapatid ko. Binigo ko siya sa PANGAKO’ng binitiwan ko. Iniwan ko ang aking kapatid sa tiyahin ko. Alam kong kinamumuhian ako ng kapatid ko. Galit siya sakin tulad ng galit na nararamdaman ko para sa mga magulang ko.
*Flashback*
“H-huwag p-po Tito. M-maawa po k-kayo sakin.” Nanginginig kong sabi. Umiiyak ako dito sa dulo ng kama namin na gusot-gusot na ang damit.
Wala si Tita nun may party daw at inaya siya, dinala niya yung kapatid ko para daw may mautos-utusan siya doon. Ang anak naman nila Tita ay umalis kasama ang barkada niya. At ako naiwan dito para mag-asikaso sa bahay. Kasama si Tito. Pero ...
“Wala ka ng magagawa. Hahaha. Papaligayahin naman kita eh” sabi ni Tito at tumawa. Umiyak nalang ako. Hindi naman ako makakapang hingi ng saklolo dahil hindi masyado matao ang subdivision na toh. Kanina pa ako sumisigaw pero parang walang nakakarinig.
“P-please po Tito” hindi ko alam ang gagawin ko nun.
Pero wala ako’ng nagawa. NAWALA NA. Nakuha na ng demonyong Tito ko na yun ang kababaihan ko. Hindi ko matanggap. Na kadugo ko pa ang gumawa sakin ng kalapastangan na toh.
“Salamat iha.” At ngumisi .
“WALANG HIYA KA! DEMONYO KA! PAPATAYIN KITA!” sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas ko siya. Hindi ko matanggap.
“PAPATAYIN KITA! HINDI KITA MAPAPATAWAD SA KALAPASTANGAN’NG GINAWA MO SAKIN!” sigaw ko at tatakbo na sana ako ng nakuha niya yung braso ko.
“Ano na? Ano ng gagawin mo? Kung magsusumbong ka sa pulis , papatayin ko ang kapatid mo pati na ikaw. Kaya wag kang magkamaling magsumbong sa pulis at sa Tita mo. At alam naman natin kung sinong kakampihan ng Tita mo diba?” Galit niyang sabi at binitawan yung kamay ko.
Ano bang magagawa ko? Kung magsusumbong ako sa pulis kapatid ko naman ang mapapahamak. At alam kong palalayasin kami ng Tita ko dahil sasabihin niyang inakit ko si Tito.