Chapter 5 -- A date with Mr. Antipatiko

80 0 0
                                    

*******

Chapter 5 -- A date with Mr. Antipatiko

[Andrea's POV]

6:00 am. Kailangan ko pa'ng pumunta sa kabilang barangay para sa part-time job ko. Tch.

Naalala ko yung date namin ni Mr. Antipatiko. Hindi ko man lang natanong kung ano'ng klaseng date yun at anong oras. Ang shunga ko talaga.

Binuksan ko yung closet ko at nagtingin-tingin kung ano'ng pwede'ng masuot sa date 'daw' namin ngayon.

Psh. Puro jeans and t-shirts lang andito.

Kinuha ko yung jeans ko at kinuha ko din yung black shirt k. Tss. Paki ko kung ano'ng suot ko, tsaka di ko din naman talaga gusto makipagdate sa halimaw na yun noh.

Kung di niya lang talaga ako ni-threat kagabi.

Pagbantaan ba daw ako'ng isususpend daw ako sa school for 2 months. Hello naman dun, noh? Psh. Palibhasa anak ng may-ari ng school kaya ginagamit na sa masama ang posisyon. Mayayaman talaga. Gagawin lahat para lang makuha ang mga gusto.

(Nagsalita ang hindi)

At least ako, ginagawa ko lahat dahil kailangan ko hindi dahil gusto ko.

Ginawa ko na yung ritwal ko. Pagkatapos ay ready to go na ako. Hindi na ako nagaalmusal. Nasanay naman din ako eh. 2 meals a day lang ako.

Pagbukas ko ng pintuan may halimaw na nakatayo sa harap ko.

Psh. =____=" Ke aga-aga sira na agad ang araw ko.

"Stalker. Bakit mo nalaman kung san bahay ko?" tanong ko habang kinakandado yung bahay.

"Natural sinabi mo sakin kung taga saan ka" sagot naman niya.

"Pero di ko naman sinabi kung san talaga ako exactly nakatira"

"Tss. Ang bobo mo talaga no? Ano'ng gamit ng mga kapit-bahay mo?"

=_____=" Natural di kami bati ng mga kapit-bahay ko. Nakuu .. Malaking issue na naman toh. Tsk.

Naglakad na kami sa eskinita patungo sa labasan nito kasi nandoon daw nakaparada ang kotse niya. Di naman kasi nagkakasya ang kotse dito sa nilalakaran namin eh, ang sikip sikip kaya.

"Ano ba naman tong lugar niyo? Ang sikip-sikip. Ang baho. Ang daming tao"

"Natural naman kasi mga poorita lang ang nakakatira dito. Sino ba kasi'ng may sabi na puntahan mo pa ako dito eh. Pwede namang kahit saan, dahil alam ko namang makikita mo pa rin ako. Ikaw pa may lahi ka atang kabute"

"Psh. Ba't ba dito mo naisipan na tumira?"

"Eh sa poorita din me eh. Psh. Ang arte mo. Palibahasa you're so mayaman kasi" sabi ko with pa arte effect ang boses.

"Tch"

"Nakuu .. May bagong biktima na naman ang malandi"

"Oo nga. Tsk. Kailan pa kaya siya titigil diyan? Ang landi talaga"

"Na-karma na't lahat hindi pa rin tumitigil. Desperada talaga"

"Malandi"

Sabi ko na nga ba, issue na naman to eh.

"Ano yung mga pinagsasabi nila?" tanong niya sakin.

"Wag mo ng isipin sila" sabi ko at tinulinan ang paglalakad.

Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa loob ng kotse.

"A--ahh .."

"Aahh" 

Black Hearted CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon