Hi everyone :)
Grammatical errors, typos, misspelled or any mistakes are all mine. Enjoy reading ;)
Graciás ♡
-------------♡-------------
NAPATITIG ako sa screen ng phone ko.Shit na malagkit!
Dali dali kong pinindot ang pangalan niya upang mapunta sa kaniyang account.
Boom!! Siya nga ito! Shit! Siya pala yung nag follow sa akin at finollow back ko naman. Dahil sa pagka-curious na sumanib sa akin ay ini-stalk ko na nga siya.
Walang duda na siya nga to. Kahit sa picture pogi! Ang appeal niya pa sa mga photos niya. At tama nga ako na basketball player siya. Whoahh.. he's the captain pala ng team of PSU Urdaneta Campus.
Kaya naman pala matangkad at gwapo! Kinakailangan para makahatak ng mga susubaybay sa mga game nila.
"Bachelor of Science in Electrical Engineering. God's son. Welcome ;)" Basa ko sa bio nya.
Hmm.. God fearing man and the most important is... ENGINEERING siya!!
Gawwddddd my owso type!
Kaso lang, medyo masungit siya. O baka naman kaya nagsusuplado kase parang papansin kami nun? Tsk. Even though! Pero pogi nya talaga eh, kahit sa mga past post niya. Lalo na dito sa post niya 2years ago na naka-varsity jacket at black jeans.
Shit! Ang tagal ko na pa lang nag-e-stalk sa account niya. Dali-dali kong pinatay ang cellphone ko at nagsulat ng update about sa istoryang ginagawa ko.
Dahil weekend bukas ay hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagkaka- attach sa laptop. Masyado na palang late. In-edit at inayos ko pa kase ang grammatical error at typos ng update ko ngayong gabi para naman wala na akong aalalahanin pa.
Nagligpit na ako ng mga ginamit at inayos ang kwarto ko para makapagpahinga na rin. Pasado ala-una na ng madaling araw.
Mabilis lumipas ang weekend. Halos wala akong ginawa kundi magsulat ng update sa 'Can't love' at gawin ang mga projects and written report na ipapass na next next week. Mas mabuti na ang maaga at ng wala ng hahabulin lalo na at malapit na ang campus meet. And two months from now, tapos na ako ng thirdyear at next sem naman ay internship na. I can't wait to graduate college and take masters digree. Aside from that, I want to travel into different places inside and outside of the country.
Dahil sa nangyari noong friday, malamang sa malamang at nasisiguro ko na iyon ang pag-uusapan nila. Baka nga kalat na iyon sa mga kaklase ko.
Ano namang isasagot ko kapag tinanong ako?!
Ha! Bakit ba ako nag-aalala eh pwede ko naman sabihin sa kanila ang totoo. Isa pa, puro tukso na naman ang aabutin ko nito.
Hindi nga ako nagkamali. Pagdating na pagdating pa lamang sa harap ng acad buiulding ay iba na ang nais sabihin ng tingin at ngisi ng mga kaibigang hindi nakasama at nakakita ng pangyayari noong nakaraang biyernes.
Nag-uunahan pa silang lumapit sa akin na animo mga reporter at kailangan ma-interview ang isang artista para makakuha ng sagot sa nasabing kontrobersiya o chismis.
Hinila nila ako papunta sa mga upuan sa harap ng building.
"So anong pangalan?" tanong ni Pia na hawak ang cellphone at handa nang i-search ang pangalan sa kahit na anong social media account.
![](https://img.wattpad.com/cover/143808061-288-k5008.jpg)
YOU ARE READING
Writer Who Can't Fall (Fall Series)
RomanceMahilig magsulat ng mga story si Kades ngunit hindi ito alam ng marami.. isa sa kanyang gawa ay ang 'Can't Love' na pumatok sa madla.. subalit datapwat ng dahil sa taong hindi nya inaasahang dumating sa di inasahang pagkakataon ay nagkandagulo-gulo...