CHAPTER 02

6 1 0
                                    

 "Don't just study hard. But study well." —jhenza

Graciás ♡


HINDI ko parin makalimutan ang pagtalikod ng lalaking yun last monday. Nakakainis lang kase!

Parang girlfriend ka naman kung makapag-react gurl! Hmmp. Napakafeeling din pala. Napaka-sungit! Akala mo naman napaka-gwapo niya!

Oo nga naman pala, sobrang gwapo. Napairap na lang ako ulit. Maaga kaming dumating dito sa school dahil marami na namang tao ang paniguradong pupunta rito lalo na at campus fest na.

Nagkalat ang mga estudyante sa buong campus lalo na sa mga food stall. Maraming magbabarkada at mag-jowa na magkasama. At kabilang dun ang crush kong nightshift ang pasok pero narito ngayon at kalampungan ang girlfiend niyang grabe ang blush-on. Nakakasira ng umaga lalo na at ipinagduduldulan pa ni baklang Paulito na magkasama si crush at ang blush-on girl na jowa niya.

Napaiwas na lamang ako ng tingin ng biglang tumingin si Joemar. Siya si Mr. Nightshift. Hindi lang naman siguro ako ang nag-iisang may bansag sa crush niya, hindi ba? Mas okay na rin yun kesa sabihin ang totoong pangalan niya at mabisto pa. Kaya naman  mas mainam na code name na lang.

Nag-iwas ako agad ng tingin. Pinagpawisan pa ata ako ng malagkit kahit napaka-aga pa. Bakit ba kase kami napunta dito kung saan pa naman pumwesto ang mag jowang yun.

"Ehem. Ehem. Di umiimik ung isa jan. Kinikilig na siguro ang puwet." ani Paulito sabay dinugtungan niya pa ng tawa at maski si Pia at Junee ay natawa na rin.

"Napaka ingay mo talagang bakla ka. Mamaya marinig ka nila! Alam mo namang kasama nya yung jowa nya." mahina ngunit may diing sabi ko.

"Ah yung jowa ng crush mong kung makapag-blush-on wala ng bukas?"  tanong niya sakin na umani ng tawa sa kanilang tatlo.

Halla! Narinig pa ata!! Susmeng bakla!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Sadyang nilakasan pa ang boses niya habang sinasabi ang mga katagang iyon at siguradong narinig nila. Nakakahiya.

Tawa pa rin ng tawa sila Paulito na akala mo hindi kami pingtitinginan ng mga ibang estudyante na nag memeryenda at tumatambay din sa mga food stalls kaya naman hinamapas ko na ito kaya natigil sa kakatawa. Sinaksakan ko na rin ng fries ang bunganga ng dalawang kaibigan upang matigil na rin sa kakatawa.

Nakakahiya man at ramdam na sumusulyap-sulyap ang jowa ni Mr. Nightshit ay umakto na lang akong normal. Mas mahahalata kami na sila ang topic namin sa chismisan  kapag mas tense ang katawan ko.

Minabuti ko na ring ilihis ang usapan at nag tagumpay ako ng di napapansin ng mga kaibigan.

Nakakabaliw talaga na narito ako at ang lalaking hinahangaan ko sa iisang lugar, I mean dito sa food court ng school.

Pero bakit mas pogi si engineer Luke?

No! Erase. Erase. Erase! Ang lalaking yun mas pogi kay Mr. Night Shift? Oww noooo sis! Asa pa ang antipatikong Luke na yun.

"Huy bakla ka! Nalunod ka na naman sa mga iniisip mo. Ready ka nang lumangoy sa itsura mo sis!"

Nginitian ko lamang si baklitang Paulito saka sumunod sa kanila. Sumulyap akong muli sa pwesto nila Joemar ngunit wala na pala sila roon. Mabuti na  lamang at wala na sila roon. Baka mapansin pa ng girlfriend nya na sila ang pinag-uusapan namin ay mapaaway pa kami. It is bad for our record because  Paulito and I are running for suma cum laude next year. We can't afford to be kick out in the list.

Iyon na nga lang ang maibibigay kong sukli sa lahat ng paghihirap ni papa sa pagtratrabaho sa bukid ay mawawala pa kung sakaling mapaaway ako. Hindi kami mayaman. Napaka payak ng buhay namin dahil sa ganid na mga kamag-anak. Hindi lang naman siguro ako ang nag-iisang may kamag-anak na gahaman hindi ba?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Writer Who Can't Fall (Fall Series)Where stories live. Discover now