-CHAPTER 1-

8 0 0
                                    




Samantha Kei Anderson's POV








"Hindi ko kaya!" I compain, diving in my queen-sized bed.

Binalot ko ang sarili sa makapal kong kumot. Dun ko pinagdiskitahan ang kisame ng kwarto ko.

'Hoy kisame!! Sabihin mo nga sakin kung bakit ko ba ginawa sa minamahal kong Zach yun? Masyado ba kong harsh sa mga sinabi ko kahapon. Naturn-off kaya siya sakin? Ano ba ang nangyayari sayo Samantha Kei?!?! Paano mo nagawa 'iyon sa mapapangasawa mo??!?!?!? Why???!?!!!?!?! Kakausapin niya kaya ako pagtapos nun? About 9 years na kami naguusap ng matino tapos yun pa gagawin mo ha?!! Ano ba naman Sam!! Ang tanga mo. As in! Like super legit gurl. Ikaw rin, kisame. Ang tanga mo rin.'

Nagdrama pa ako at kinakausap mga BT21 stuff toys ko kasi bet ko. May mapaiyak pa akong nalalaman. Nagpatuloy ito hanggang dinalaw na rin ako ng antok at nakatulog.

----------

It's night. A really cold night.

Wala akong pakialam sa totoo lang. What I care about right now is admiring the beautiful view in my vision. I can see Zach smiling brightly at me. Nakikita kong masaya siyang makita ako. sinuklilan ko ang nigiti niya. I've never seen him used that smile for a very long time. Shet, ang pogi niya.

Naglakad siya papunta sa akin, nakangiti parin na akala mong siya ang pinakasayang tao sa mundo. Nilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko iyon. Naglalakad kami sa isang napakagandang garden at sa ilalim ng napakagandang buwan. Umupo kami sa isang wooden bench at pinagmasdan ang buwan na nag-iisang nagbibigay liwanag sa kapaligiran. Hinahawakan niya parin ang kamay ko nang biglang humigpit iyon. Nilingon ko siya at may nakita akong 7 years old na Zach.

Umiiyak siya. The scenery changed. Nasa isang funeral kami ngayon at umuulan. Tila alam ng panahon na malungkot si Zach kaya sinasabayan niya ito. yumuko ako at ang kaninamg white dress ko ay naging semi formal black dress.

Napansin ko rin na naging maliit ang kamay ko. Hinahawakan niya parin ang kamay ko habang pinupunasan ng kabilang kamay niya ang mga luhang nagpapaunahan sa pisngi niya. I am so sorry to see him this way. I wish it never happened to his parents. Ang bata niya para mawalan ng magulang.

"It's okay. I'm here." may pagkatinis ang boses ang lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko 7 years old din ako ngayon.

He raised his head to stare at me. Huminto na siya sa kakaiyk pero naririnig ko parin ang mga mahihinang hikbi niya. Naiyak ko na lahat kagabi at parang wala nang luha ang lalabas sa mga mata ko. Nakakamangha nga na may luha pang lumalabas sa mata niya. Alam ko kung gaano kasakit sa kaniya ang nangyari dahil ang mga magulang niya ang namatay sa aksidente. Nasasaktan rin ako dahil nakikita kong nasasaktan siya.

"Really?" he asked me. Lungkt at pagod ang mababakas sa tono niya pero may konting pag-asa. Tumango naman ako bilang sagot.

He hurtfully smiled at me and hugged me for a long time. Ibinaon niya ang ulo niya sa leeg ko at humunga ng malalim. Nararamdaman ko ang bigat niya. Alam kong ilang minuto lang ay matutulog na siya. I'm thankful na makakatulog siya ngfayon dahil rinig ko sa kappatid niya na dalawang araw na siyang hindi natutulog kakaiyak.

"Goodnight Zach....." I smiled and pecked his head.

------------

I felt the warmth of the sunlight from my window, waking me up. Humikab ako bago buksan ang mga mata ko.

7:30 in the morning of Saturday.

Nakatulala lang ako sa kisame nang maramdaman kong may nagpapasadahan sa sintido ko. Alam ko kung ano yon. Evertime na napapanaginipan ko ang mga nangyari noon, hindi ko mapigilang umiyak. Nasasaktan ako. Sariwa pa rin ang mga alaalang yon sa sistema ko.

Hinayaan ko munang magsilabasan ang mga luhang pasaway bago naligo para simulan ang araw ko. Kailangan kong magign positive ngayon. Bawal ang nega dito sabi ni author.

8:30 na nang makalabas ako ng banyo matapis gawing ang mga ritwal ko.Bumaba ako sa kusina para makakin ng agahan nang masalubong ko ang napakaingay kong kapatid.

"Hi ate! Na-miss kita huhuhu." Sab cried out running to me. She opened her arms widely and wrapped it around my waist.

'ughhhh kadiri naman tong si sister. Alam naman niyang mas gusto kong si Zach ang yumayakap sakin.'

Ngumiti ako ng peke bago suklian ang mga yakap niya.

"Ano ba ang nangyayari sayo at ganito ka tuwing umaga? Hindi ka naman ganito ka clingy everytime, tuwing umaga lang. Ano 'yun? Scheduled?"

"Tuwing umaga lang naman kaya lubusin mo na. Nahiya ka pa." Sab said while rolling her eyes.

Kapatid ko si Sab. Biological youger sister. Mas matanda ako nang isa taon, kaya siguro parang bestfriend ko na rin siya. Napaingay nang babaeng yan tbh lalo na sa labas at ang clingy naman niya sa bahay. Ewan ko nga saan nagmana yan eh. Hindi naman ganyan ka clingy si Mommy. Baka kay Daddy siya nagmana medyo sweet din kasi ni Dad kay Mom eh. Yun nga lang dito lang siya nagiging clingy. Ayaw niyang ipakita sa iba na soft rin siya. Wala siyang pake kung sasabihan siyang maingay pero ayaw niyang matawag na clingy. May topak rin to eh.

Nagsimula na kong pumunta sa counter para maghanap ng makakakain. Bumukas ako ng ilang cabinet sa ibabaw ng counter at nakahanap ng cereal. Dali-dali akong pumunta sa ref para maghanap ng fresh milk at butinalang meron pa. Kailangan ko na talagang mag-grocery. Nagsimula na akong kumain nang kinausap ako ng kapatid ko.

"Ano nga pala nangyari sayo kagabi ate?" Panimula niya habang abala sa phone iya. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Nothing much," walang ka interes kong sagot.

"It's just me scolding Zach for not loving me back." Taray may rhyme haha.

Huminto siya sa kaka-scroll sa phone niya at tiningnan ako na para bang nakakita ng multo. Hello?! Ang ganda ko kaya para maging multo. Kung mumu ako, malamang ako ang mumu ng kagandahan. Char baka may magalit kayo sa comment section at sabahing feeling ako.

"WHHAAATTT?!"

Tumango lang ako.

Natigilan muna siya nang ilang segundo bago pumunta sa tabi ko.

"Nasisiraan ka naba? Bakit mo naman gagawin yun? Ang ganda mo naman para pagalitan si kuya Zach dahil wala kang crushback galing sa kaniya. At isa pa nakakahiya ka. Give up ka na siguro ate nasasayang lang oras mo diyan." Payo nang magaling kong kapatid.

"I don't care Sab. Masaya ako sa ginagawa ko atsaka malay mo, baka i-crushback din niya ako soon." Napatingin pako sa taas at kuwaring nag pray.

"Well fine, if that's what you want. Siguraduhin mo lang na di ka uuwing umiiyak ha. Hindi kita pagbubuksan ng pinto sige ka."

I rolled my eyes and finished my nosh tapos naghanda na para umalis.

Today, dahil Sabado ngayon at walang pasok, bibili ako ng mga requirements ko sa History Class at mag-grocery na din siguro ako. Mukhang wala na kasing laman yung ref. Tamad naman si Sab bumili kaya ako ang incharge dun.

Bumalik ako sa kwarto at nagbihis. Hoodie lang at pants partnered with sneakers nalang siguro dahil medyo malamig sa labas. Madalas na kasing umuulan kaya magdadala nalang din ako ng payong just in case.

Nang makababa sa sala, nagpaalam muna kay Sab at ipinagbilin siya sa isang kasambahay bago umalis ng bahay. Tinanong ko pa muna si Sab kung may ipabibili siya at mukhang wala naman siyang kailangan.

-------------

a/n:

Guyssssss sorry kung medyo confusing. Get ready kasi puro flashback tayo ngayon dahil gusto kong magets niyo agad yung past ng mga bida ko. HAHAHA kung naguguluhan pako kayo ngayon, don't worry maguguluhan pa ulit kayo. Charot. Pero anyways baka may flashback rin tayo sa mga susunod na chaps hehehe. Lab you all po.

WAITING...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon