Lulucy replied to your story |
Seryoso ka ba talaga sakaniya?
Oo naman.
Hindi ko pa naman siya nililigawan
Pero pumayag siyang sabay kami pupunta sa dance room every practice at ihahatid ko din siya sa sakayan ng jeep since palagi kaming gagabihin
Oh diba may improvement, di gaya last month na palagi niya akong sinusungitan.
Kakilig
Mukha nga ng kinikilig
Pag inggit, pikit
As if maiinggit ako
Pero Totoo?
Oo nga
Abo bang tingin mo sakin? Hindi seryoso?
Eh nag usap na ba kaya sa nangyari noon?
Hindi pa. Ramdam ko hindi pa siya ready
Pinagpalit ka ba naman sa malapit
Di talaga magwowork LDR
Bata pa naman kami noon eh
at wala naman na siyang boyfriend ngayon
At feeling mo hindi niya ulit gagawin yung ginawa niya sayo noon?
Nagbabago naman ang tao.
Hindi porket ginawa niya noon, gagawin niya ulit.
Bahala ka magpakatanga
Aasa ka na naman kagaya noon
Huwag kang mag-alala, mag uusap din kami.
Hihintayin ko muna siya maging handa.
