"Okay ka lang?" hindi ko namalayan na nasa harap ko si na Jordan. Tapos na pala silang nag usap ni Tiara. Nakita kong sumilip siya sa cellphone ko. Tinago ko ito agad.
"Hindi mo parin binura?" tumango ako sa tanong niya. "For the memories," sagot ko nalang kahit nakaligtaan ko lang ibura noon.
Inayos ko ang bag ko para makaalis na kami. Napansin kong kami na lang pala ang naiwan sa loob ng dance room.
"Buti hindi nagselos boyfriend mo."
Kumunot ang noo ko at papatingin sa kaniya. "Boyfriend? Buti ka pa alam mo may boyfriend ako. Kasi ang alam ko wala."
"11th grade? Wala?"
"I never had a boyfriend, Jordan. Ano ka ba?"
"Manliligaw?"
"Meron pero hindi ako pumayag. Alam mo namang ikaw yung gusto ko noon diba? Gusto natin ang isa't isa. Label nalang ang kulang. Kahit hindi pa tayo, it's not right to entertain other people."
"Wala kang naging boyfriend?" nakikita kong nagugulahan siya.
"Sabi ko nga wala."
"Pero kitang kita ko na ang saya mo nung may kasama kang iba."
Irita akong tumingin sa kaniya. "Ano? Paano mo nasabi? Ikaw ba may hawak ng nararamdaman ko?"
"Kitang kita ko, Aurora"
"Anong kitang kita mo? Pinuntahan mo ba ako dito ng hindi ko alam? Hindi kita maintindihan."
Akala ba niya na may iba ako kaya naghanap din siya ng iba?
Tumulo ang luha ko ng maisip iyon. Bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko nung nalaman kong may girlfriend na siya. Nagsinungaling siya. Niloko niya ko. I felt insecure that time. Fortunately, I was strong to realize my worth.
He looked at me worriedly. He held my face to wiped my tears,
Hindi siya makapagsalita. "You didn't trust me, Jordan."
"I-I'm sorry."
"Kaya ba iniwan mo ako? Kaya ba pinagpalit mo ako?
He looked shocked and confused.
"Ano? Anong pinagpalit ang sinasabi mo?"
"Wag ka nang magmaangmaangan."
"Hindi kita maintindihan, Aurora. Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Your own bestfriend told me, Jordan." Confusion was obvious on his face. "Lucy told me."