Prologue

6 2 0
                                    

Typographical Errors and Wrong Grammars ahead, I'm sorry. Thank you. 


PROLOGUE

NAGISING AKO DAHIL SA sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, kasabay 'non ang pagtunog ng aking alarm clock. Bumangon ako at nagunat-unat bago simulan ang napaka-unproductive kong araw. Nasanay na akong magising ng maaga dahil pumapasok ako sa trabaho noon. Pero ngayon dahil sa walang hiyang sekretarya ng pangalawang boss ko na pinaglihi sa braincells ng Demonyo ay natanggal ako. Hindi ko alam kung matutuwa o maasar ako dahil pagkatapos akong kausapin ukol sa pagtanggal sa'kin ay may binigay na envelope ang bruhilda.

Isa 'yung itim na envelope na may katamtaman na laki, napapalibutan ng gold glitters ang gilid nito at mayroong gintong selyo sa gilid at sa center kung saan binubuksan ang sobre. Mabango ang envelope, amoy Vanilla! Sa loob nito ay letter na nakasulat sa pirasong papel na kulay kayumanggi.


Greetings,

We, the Faculties and Leaders of Andromeda Academy, invited you Miss Athena from the elegant, wonderful, and respectable House of Borromeo's to kindly give us a visit. We would like to have small chitchat with you in regards to some matters.

Below is your name, please sign it.

Thank you.

Andromeda Academy.


Sa ibaba noon ay nandon nga ang pangalan ko sa likuran ng papel ay mga 'things to bring' na nakalagay. Hindi ko alam kung ano bakit natagpuan ko nalang ang sarili ko na hinahanap ang mga bagay na ipinadadala sa akin papunta sa Andromeda Academy.

Isa sa elite schools ang Andromeda Academy dahil sa mga bigating mag-aaral, mga guro, faculties, sponsors, at leaders ng akademya. Isa itong dorm-type na paaralan at halos lahat ng kailangan ng estudyante ay nasa loob na ng campus. Hindi lahat ng mga mamamayan ng Hevastille ay nakapasok o maski silip doon. Tanging mga may pangalan sa lipunan at piling tao ang makakapunta doon, ang pagsilip ng walang permiso ay maaring makulong. Mayroong bukod na batas, patakaran, at regulasyon ang mga nasa loob ng academy at ang mismong academy sa mga tao sa labas.

Noong may trabaho pa ako o nagta-trabaho pa ako ay inatasan ako na kumuha ng mga impormasyon sa loob at labas ng Academy. Pero dahil nga wala na akong trabaho ay hindi ko na alam kung pupunta pa ba ako doon.

Nakakainis. My curiosity will be the end of me.

Okay. It's settled. Tomorrow morning, pupunta ako. 


***

Project Alpha: Finding the Unknown. 

05/31/21

Project Alpha: Finding the Unknown (On - Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon