Grammatical Errors ahead. Enjoy Reading!
Chapter 2 - Andromeda Academy
HABANG NAGLALAKAD AKO PAPUNTANG GATE NG ENTRANCE, marami akong nakakasalubong na estudyante na mamahalin kung tignan, may mga anak ng congressman, senator, mayor, businessman, at artista. Kahit yung mga artista ngayon, mapa-child star o ano pa man.
Ang iba ay pumapasok na samantalang ang karamihan ay lumalabas pa. Nakita ko ang mga guards na hindi magkanda-ugaga sa pagcheck ng mga gamit, pagtingin ng ID, at pagbigay ng pass. Ang ID Scanner nila ay maihahalintulad ko sa scanner sa LRT o MRT. Pumila ako sa pang-apat na ID Scanner, nang turn ko na ay saka ko lang naalala na wala pa pala akong ID dito.
Kaya umalis ako doon at isenenyas sa nasa likod ko na estudyante ang scanner. Lumapit ako sa table na nasa gilid nito, at inantay ang guard na nakapwesto doon. Hindi naman ako matagal na naghintay dahil nakita ako agad ng guard at pinuntahan.
"Anong atin, ma'am? May kailangan po ba kayo?" Magalang na tanong nito sakin.
"Ah meron po. Pwede nyo po ba akong bigyan ng temporary pass? Pinapapunta po kasi ako dito ngayon," Sagot ko.
"Ay nako ma'am, no visitors allowed po sa araw na ito." Na-shock naman ako sa sinabi ni manong guard. "Sigurado po ba kayong ngayon pinapunta?"
"Aba oo naman kuya. Eto papakita ko sa'yo yung invitation," Binuksan ko ang sling bag na dala ko at ipinakita sa kanya ang papel. "Oh ayan kuya."
Tinignyan naman ito na parang sinusuri at tinignan ako, "Totoo po ba ito ma'am?"
"Aba, kuya hindi ko ugali manloko 'ah?" Sagot ko dito.
"Media ka ba?" Tanong nito muli.
Napaisip muna ako bago sumagot, "Dati ho. Bakit?"
"Nako, bawal ho ang media dito ma'am. Confidential po ang school na ito."
"Kaya nga ho 'dati' hindi ba?" Pinanliitan ko sya ng mata.
Tinignan nya akong muli at saka ibinigay ang isang logbook, "Paki-sulat ng pangalan, oras at araw ng pagpunta, at pakipirmahan, ma'am." Sabi nya.
Matapos kong pumirma ay binigyan nya na ako ng temporary ID, katamtaman ang laki, kulay black ito na may gold sa gilid.
Pumila na ako sa pinilahan ko na scanner kanina at sakto namang kakaunti nalang ang tao doon kaya mabilis akong nakapasok.
Pagpasok palang ng gate ay isang stadium ang bubungad sa'yo, sa palagay ko ay para ito sa mga soccer players ng paaralan. Ang main sports ng Andromeda Academy ay Soccer, kaya ganito nalang ang suporta nito sa kanila.
Mayroon gate sa kabilang bahagi ng stadium kaya dumiretso ako doon, pagkalabas ko doon ay namangha ako sa paligid. Malinis, madaming puno, mga buldings, at nagkalat na estudyante.
Wala akong nakikitang mga kalat sa paligid, alagang alaga ang mga malalagong puno. Ang mga buildings dito ay parang mga company buildings ngunit kita mo na puro classroom lamang ito. Pasado alas-syete pa lamang kaya siguro nagkalat ang mga estudyante.
Ang laki nito, mukhang mahihirapan akong hanapin ang pupuntahan ko. Sa paligid ay halos nandoon lahat ang mga normal na makikita sa isang paaralan, pero ang hindi normal ay ang laki nito. May gymnasium na halos hindi na maisukat sa laki, ang library na daig pa ang pinaka-malaking silid aklatan sa mundo. Theater na kasya ang mga estudyante.
Habang naglalakad ako at pinagmamasdan ang paligid ay ramdam ko ang paningin ng ibang estudyante sa akin, dahil sa hindi parehas ang suot ko sa suot nila. Hindi ko nalang sila pinansin at naghanap nalang ng sign kung nasaan ang main office ng school into.
May mga baseball field, swimming area, tennis centre, clinic, main campus, main office, at museo signage na nakalagay sa itaas na bahagi ng isang building.
Shala, parang yung mga nasa airport lang!
Nagliwanag naman ang aking pagkatao ng nakita ko ang sign na 'main office', dali dali akong lumiko dahil doon daw ang main office. Nang makita ko ito ay kumatok muna ako sa pinto, dahil may nakalagay na "Knock before Entering."
Pagkapasok ko ay namangha na naman ako sa paligid, napaka-laki! Parang mas malaki pa to sa opisina ng Boss ko noon, piste.
Mayroong sofa, magazine organizer, certificates, table, at flags. May mga pintuan sa harap at sa mga gilid. Umupo muna ako sa sofa at wala pang tatlong minuto ay may lumabas na babae sa pintuan sa harapan ko. Daglian akong napatayo sa gulat.
"Good morning, I'm Athena," Bati ko.
Ngumiti sya at tumango, "The head and bosses are waiting for you. Come in."
Tumango ako at pumasok sa pinto sa harap, pagpasok ko ay bumungad sakin ang mahaba at malaking table, may mga swivel chairs sa gilid nito na okupado na lahat, maliban sa kabisera. Napalingon silang lahat sa'kin at ganon nalang ang gulat ko nang sabay-sabay silang tumayo at nag-bow sa'kin.
***
Short update, again. JHSGAJHDAD I'm sorry! :(
Project Alpha: Finding the Unknown.
06/08/21
BINABASA MO ANG
Project Alpha: Finding the Unknown (On - Going)
FantasiProject Series #1: Unknown: The chosen one. The Survivor. The Savior.