Grammatical and Typographical Errors ahead, I'm sorry.
CHAPTER 1 - Parking Lot
5 AM. IT'S STILL DARK PERO eto ako at gumagayak na. Nailagay ko na sa isang violet duffel bag ang mga gamit na pinapadala sakin. Hindi naman ako nahirapan maghanap dahil halos lahat ng nasa 'things to bring' ay nahanap ko sa loob ng bahay ko. Nagsuot ako ng black jumpsuit with white blazer. Pinares ko dito ang aking flat shoes na kulay white.
Hindi ako nag make-up dahil bukod sa hindi aka marunong ay mukha na namang may make-up ang mukha ko. Hindi ko din alam kung bakit.
Nagluto ako ng breakfast ko, hindi ako sanay na kumain ng heavy meals for breakfast pero kailangan ko ngayon dahil may lakad ako. Para iwas-lutang tayo.
I cooked bacon, eggs, and rice. I also made homemade smoothies. Pagkatapos kong kumain ay naalala ko na hindi ko pa pala napipirmahan ang letter, I almost forgot about it.
Pagkatapos kong pumirma ay may naramdaman akong sakit sa tuhod ko. Dali-dali kong tinignan iyon at ganon nalang ang gulat ko ng may makitang sugat doon. Halos mapaupo ako sa sakit at hapdi 'non. Itinaas ko muna ang damit na tumatakip doon at nilinis ang sugat.
Masakit syang ilakad pero natitiis naman. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganong sakit sa tanan na buhay ko, nagkaroon ako ng sugat sa tuhod noon pero hindi ganito kasakit.
Gamit ang aking white porsche ay pumunta na akong academy matapos kong magprepara. Hindi ako maalam sa pasikot sikot na daan kaya gumamit ako ng waze, kahit naman na matagal na ako dito ay hindi ko padin kayang bumyahe ng walang waze.
Agad akong nag-park sa parking area, mabuti nalang at mayroong sign doon dahil baka kung wala ay magkanda ligaw ligaw na naman ako. Bumaba ako at iginala ang aking mata sa parking lot. Mukha talagang mamahalin ang mga estudyante doon, oo mamahalin ang mga estudyante. Nagkalat ang mga magagarang sasakyan katulad nalang ng bugatti, lamborghini, mustang, at marami pang iba.
Natatakot tuloy akong dumaan, amp.
Mabuti nalang at sa dulo akong bahagi nag-park kasi konti lang ang mga sasakyan doon at malaki ang space. Kinuha ko na ang aking mga gamit sa backseat ng sasakyan ko at ni-lock ito.
Napatalon ako sa gulat ng may bumusina mula sa likuran ko, irita akong lumingon at ganon nalang ang gulat ko ng sumigaw ito, "Excuse me, that's my spot!" Nakadungaw ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan.
Hindi ko kagad nagawang tumugon dahil napatitig ako sa kanya. Ang kanyang kutis ay mamula-mula, na parang isang hampas mo dito habang tumatawa ay magagalit sya dahil lalong pupula! His features are awesome. Kay tangos ng kanyang ilong, his eyes are brown, kissable lips. His jawline are perfect. Mala-adonis!
"Miss?! Are you deaf? I said that's my fuck*ng space." Damn, ang gwapo ng boses nya.
"Excuse me? Ako ang nauna dito. At saka wala naman nakalagay na iyo to 'ah?" Wala bang first come, own space dito?
"Hindi kaba makaintindi? Akin ang pwesto na 'yan. Tatanggalin mo 'yan dyan o ako mismo ang magpapatanggal nyan?" Omg, ang gwapo ng boses nya lalo kasi nagtagalog sya!
"Ako ang nauna dito, kaya akin ang space na 'to. Ngayon kung pati 'yon hindi mo maintindihan, aba hindi ko na kasalanan kung hindi ka marunong makinig!" Sinabi ko 'yon ng hindi humihinto, muntik na akong mawalan ng hininga. Hindi ko na sya tinapunan pa ng tingin at dumiretso na sa loob.
Dinig ko pa ang pagmumura nya at sinisigawan ako na sinasabing bumalik ako. Nilingon ko sya at itinaas ang gitnang daliri ko at dumila.
Tumakbo na ako paalis doon habang kumakaway na nakatalikod sa kanya at nakangisi.
***
Late update, again.
Project Alpha: Finding the Unknown.
06/07/21
BINABASA MO ANG
Project Alpha: Finding the Unknown (On - Going)
FantasyProject Series #1: Unknown: The chosen one. The Survivor. The Savior.