Chapter 3 - The Meeting

1 2 0
                                    

Grammatical errors, ahead. 

Warning: Bad words. :P 


Chapter 3 - The Meeting

HANGGANG NGAYON AY LUTANG AKO at hindi makapag-desisyon. Sa sobrang bigat ng napag-usapan ay imbis na mag-isip ako at magdesisyon ay eto ako at pumapapak ng gummy bears.

~ F L A S H B A C K ~

Matapos nilang mag-bow ay naupo na sila sa kanya kanya nilang upuan noong pumasok ako. Ngayon ko lang napansin na may mga secretary rin palang nakaupo sa bandang likuran ng mga ito.

Sa palagay ko ay ang iba sa kanila ay nasa early 50's samantalang ang iba naman mukhang mga bata pa o bata-bata pa. Bumukas ang pintuan sa likuran ko, napalingon ako at nakita ang isang matandang lalaki. May hawak itong tungkod at uugod-ugod kung lumakad, hindi man nakaligtas sa aking tingin ang itsura nito. Palagay ko'y gwapo ito noong bata pa lang.

Tumayo na naman ang mga tumayo kanina at nag-bow. Sumenyas ang matanda na parang sinasabi na 'maupo na kayo'. Umupo sya sa kabisera ng mahabang lamesa at tumingin sa gawi ko. Humigpit ang kapit ko sa dala kong sling bag ng naramdaman ko na dumiin ang tingin nya sa'kin, hindi normal pero nararamdaman ko ang diin at lambot ng tingin ng kung sino sa'kin.

Nakipagtitigan ako sa kanya ngunit sa huli ay ako ang nagbawi ng tingin at itinuon sa ilaw sa gilid ko ang sulyap.

"Maupo ka," Halos manginig ako sa lamig ng boses nya, parang kaya ako nitong patayin gamit ang lamig at talas ng tinig nito.

Dali-dali naman akong umupo sa upuan sa harap ko, magkatapat kami ngunit nasa kabilang dulo ako. "Anong kailangan 'nyo sakin?," Hindi ko napigilang bulalas.

Tumaas ang kilay nya at, "Madami. Madami kaming kailangan sa'yo, at ganoon din ikaw samin."

Hindi agad ako nakasagot dahil ilang segundo matapos nya iyong sabihin ay bumukas muli ang pinto sa aking likuran at iniluwa ang apat na lalaki at tatlong babae. Naka-poker face sila ng pumasok at tinapunan ako ng nagtatanong na tingin. Walang emosyon kong tingnan ang isang babae doon at ibinalik ang tingin sa matanda na nakaupo sa kabisera.

"Anong kailangan 'nyo sa'kin?," Tanong ko.

"Madami."

"Kanina ka pa sa 'Madami' na yan, bakit hindi moko deretsuhin?"

"Oh, calm down. A typical attitude of a Borromeo," Nakangisi nyang sabi.

"Anong alam mo sa pamilya ko?," Nakataas na kilay na tanong ko.

"Lahat, dear. Lahat."

Kung kanina, ang hinahon at kalmado ang pagkakakilanlan ko sa kanya, ngayon nakakairita na sya. Gusto kong tanggalin yung mga ngisi nya, puta.

"Ako si Levinald Duke Collins, isa ako sa mga nakakaalam sa mga tunay na pagkatao ng mga Borromeo... Mga sikretong pinakatatago, mga lihim na mahirap matuklasan. Lahat 'yon alam ko," Magka-krus na brasong aniya.

"Edi congrats," Walang reaksyon na sabi ko.

Halatang nabigla sya sa aking naisagot. Wala namang kaso 'don, okay lang naman sa'kin na malaman nya para alam ko kung sino-sino ang mga pupuntahan ko oras na may mangyaring masama sa pamilya ko.

"Congrats, dahil alam mo ang mga iyon. Congrats, dahil wala ka ng kawala. Congrats, dahil maaga mong makikita ang idolo mong si satanas," Nakangisi kong sabi at walang ganang umupo sa upuan na bakante sa harapan ko.

Bakas ang pagkabigla ng mga tao na nandito sa silid lalo na sa mga estudyanteng pumasok kanina, "HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA," Nagulat ako ng tumawa sya ng malakas at bigla syang ngumiti ng matamis sa'kin.

"So, ano ang maipaglilngkod ko sa inyo?," Ayaw na ayaw kong masasayang ang oras ko dahil lang sa mga walang kwentang pinagsasabi nya.

"Nais namin na mag-aral kang muli. Dito mismo, sa academy na ito," What?

"Namin? Who's namin?" Naguguluhan na tanong ko.

"The superiors,"

"Paano mo nalaman ang tungkol sa kanila? Matalas na tanong ko.

"As what I've said earlier, I know the Borromeo's too well,"

Pero hindi ko alam na ganito mo sila... kakilala.

"The superiors want you to study again, here in the Andromeda. It's on the tradition and rules of your family. You know that you can't do anything about it." Napatiim-bagang ako habang nakikinig.

I know about the tradition and those rules, pero hindi ko alam na dito pala iyon.

"You know the consequences, milady."

~ E N D  O F  F L A S H B A C K ~

Nakaubos na ako ng dalawang pack ng gummy bear na dala ko pala sa bag kanina. Limang minuto nalang ang natitira sa binigay nilang isang oras na pagiisip. Bakit pa ba binigyan ako ng isang oras na pagiisip para sa magiging desisyon ko eh wala namang pagpipilian. Isa lang ang pipiliin, dahil yun lamang ang choice.

Pota.

Tumayo na ako at inayos ang suot kong blazer, sinulyapan ko pa ang magandang garden sa harapan ko. Nakita ko ito kanina ng maglibot-libot dito.

Naglakad na ako pabalik sa office, ngunit bago ko mabuksan ang pinto ay may nagbukas na nito. Napatingala ako, at nakasalubong ko agad ang matalim nyang tingin. Kunot ang noo, matalim na titig, at tiim-bagang sya pero ang gwapo nya padin. Wala sa sariling naitagilid ko ang aking ulo at tinitigan sya.

"What are you looking at?"

Matalim at malamig, yan ang boses na gamit nya.

"I said, what are you looking at? Hindi ba ikaw yung kanina sa parking lot, ha? Anong akala mo? Nakakalimutan ko na atraso mo?" Atraso ko? Meron ba ako non?

Tahimik lang akong inayos ang tindig ko at walang balak syang sagutin. Hinawi ko sya ng mahina para makapasok ako. Dumiretso ako sa silid kanina.

"Kinakausap pa kita diba? Where's you manners—" Hindi nya na natapos ang pagsasalita ng biglang nagsalita ang old man sa kabisera.

"Keane? Why are you shouting?, Manners." Napangisi ako. Tinignan ko lang sya at kinausap ang matanda.

"Bakit nyo pa ako binigyan ng oras sa pagiisip kung wala naman ang choice?" Walang ganang tanong ko.

"Wala, trip lang."

Ibang klase.

"So it's settled..."




"Welcome to Andromeda Academy, school of elites, milady." 



***

It's been a while, late update. Medyo short hehe, xD

Project Alpha: Finding the Unknown

06/20/21

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project Alpha: Finding the Unknown (On - Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon