Chapter 4

17 7 4
                                        

Kinabukasan ay agad kong nilagay sa kwarto ni Amber ang regalo kong tela. Mamaya pa ata uuwi yun dito sa dorm kasi baka dumeritso nayon sa building nila.

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng room namin. Anong oras na kasi ako nakatulog kagabi kakaisip don sa bunsong kapatid nila Andrie. Pati yun pinoproblema ko pa.

"Magandang umaga binibining Xy!" bungad sakin ni Xyke. Sabay abot ng kape. Tinext ko ito na bilhan ako ng kape bago pumasok ng room. Wala trip ko lang. Malay ko bang susundin niya.

"Thanks, Xyke." sabi ko habang hinihigop yon. Nagising ako bigla sa katotohanang hindi ka crush ng crush mo. Char lang.

"Xy, alam mo bang ang gwapo ko." Sabi nito sakin. Muntik ko nang mabuga sa kanya yung iniinom ko.

"Ang kapal." bulong ko.

"May sinasabi ka?" tanong nya. Umiling lang ako. At lihim ko itong pinagmamasdan.

Infirness his right gwapo sya pero makapal nga lang. Makapal ang kilay sabi ko. Mapula din ang labi nitong medyo may pagkakapal. Ang buhok nitong naka messy. Nagmukha siyang walis tambo na sira. Ang ilong nitong matangos.  At ang mga mata niyang namumugay pero madalas mutlog. Nilait ko lang s'ya ng kaunti.

Halos walang teachers ang pumapasok ngayong araw. Siguro may meeting? O baka may kailangang gawin? I don't know.

Natapos ang klase ay sa wakas makakapahinga nako. Kapagod makipag daldalan kay Xyke. 'Di ako titigilan hanggang hindi natatapos ang tsismis nya.

Pauwi na ako. Nang papasok na'ko ng dorm ay sinalubong ako ni Amber ng yakap. Anyare sa babaeng to. Biglang sumusugod may giyera ba?

"Thank you, Xy!" sabi nito habang nakayakap pa rin sakin.

"Welcome?" tanong ko. Malay koba tungkol saan ang pinapasalamat n'ya.

"Xy, ano ba! you give me those fabric 'diba!" paliwanag n'ya.

"Ahh oo ako nga ang nagbigay sayo." lutang na sabi ko.

"Thank you talaga, alam mo bang naubusan ako ng fabric but earlier I see those in my room, sakto at magkakulay ang mga yon." mahabang paliwanag niya.

Pumasok na kami ng dorm at naghanda para sa hapunan. Siya lagi ang nagluluto saming dalawa. Marunong naman ako pero 'di ako confident sa lasa. Kaya sya nalang muna.

Nasabi ko na rin sa kanya na magpapagawa ako ng pajama. Pumayag naman siya. Nagkwentuhan kami tungkol sa buong araw. Nakwento ko din yung pinsan niyang si Xyke na ang daldal ta's kung tumawa ay mala kambing. Kwentuhan lang kami hanggang Alas diyes kase maaga din kami bukas.

Bumalik na ako sa kwarto ko at naligo. Matapos kong maligo ay chineck ko muna ang socmed ko. Wala namang importante sa mga messages. Puros nagpapakilala lang sakin. At 'dina nakakapagtaka 'yon maganda naman talaga ako. Self support to. Dapat lagi mong sinasabi sa sarili mona maganda o cute ka. Gawin mo yun sa harap ng salamin. Claim your beauty as a diamond.

Singkit ang dalawang mata ko. Kulay brown ang mga nito. Sakto lang din ang tangos ng ilong ko. Medyo may pagka pouty ang labi ko. Ang kilay kong medyo makapal at may mahahabang pilik mata. At syempre yung pisngi kong laging biktima ng pisil.

Napatigil ako nang biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko sa chat head yung ulo ni Xyke. Ano na naman problema nito.

"Magandang gabi, Xy!"

Sinabi mo pa maganda talaga pag gabi. Walang huhusga sayo. Sabay lang kayo magtititigan ng buwan at ng mga bituin. I love the most in night is no can see me as trash. It's seen me as a brightening star.

"Ano kailangan mo, Xyke?"

"Ano ba yan wala man lang magandang gabi, pero ok lang yan. Maganda ka naman sa gabi ko."

"Nays bumabanat ka? O gusto mo banatin kita?"

"Ang sama mo talaga no?"

"Hindi, medyo lang"

" Good night na pala."

"Tulog kana din."

"

Aw, nakaka inspired matulog. Pero dapat may good night."

" Ily❤️."

Biglang nag unsent message yon. Siguro na mali lang ito ng send. May jowa siguro s'ya. Matanong ko nga bukas para makilala ko sya.

•-•

Xyluren

Hit By Your Arrow (Morillion University Series#1) [In Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon