Chapter 3

17 8 0
                                    

Maayos naman ang naging unang linggo ng klase. Sa sobrang ayos dumudugo na utak ko. Pa'no ba naman. Imbis na sarili ko lang iniintindi ko ay nakisabay pa yung katabi ko. Source ako ng mga sagot sa lahat ng quizzes. Dalawa na pinapakain ng utak ko.

Sabado ngayon at nandito ako sa isang mall na nasa loob ng school. Excited akong mamili ng regalo para kay Amber. Birthday na nya bukas. Sana magustuhan nya yung regalo ko.

Nilibot ko na halos lahat ng store sa loob ng mall pero wala parin akong mahanap. Kaya kumain nalang muna ako. Matapos kumain ay naglibot uli ako.

Napadaan ako sa isang store na medyo bagay kay Amber bilang regalo. Nilibot ko ang loob nito. Ang ganda! Ang raming tela. Napansin ko kase na mahilig itong manahe. Lagi ko siyang nakikita sa sala na nagtatahi ng mga kung ano ano.

"Hi can you offer me anything na color violet na tela?" tinanong ko yung isang saleslady.

"Sure miss." sabay alis.

Ang gaganda ng klaseng mga tela ang andito. 'Diko nga alam kung ano mga pangalan non. Pero ang ganda. Parang gusto ko ito maging kumot.

"Here po miss." sabay lagay sa mesa ng iba't ibang klase ng tela at kulay lila. Pinili ko ang magenta, orchid, at mauve na tela. Balak ko magpagawa sa kanya ng isang pares ng pajama. Kung nanahi talaga sya. 'Diko kase natanong. Balak lang naman.

"Thank you for coming." sabi ng cashier.

"Thank you." nakangiting balik ko. Nakalagay ito sa isang box. Pinalagyan ko din ng ribbon para magmukhang regalo.

Pagkauwi ko ay dali dali ako kumaripas ng takbo sa kwarto para itago yun. Baka makita niya. Buti nalang at wala siya dito. Kumukuha ako ng tubig sa ref. Nang may nakita akong sticky note na nakadikit dito.

Hi Xy, I'm here in the garden ng school. Isasama sana kita but wala ka in you room. Btw, Don't forget my gift tomorrow. Inaasahan ko yun. Jk. Bye.

So nasa garden s'ya. Pero pagod na ako 'di na ako makakapunta don.

It's already 5 in the morning. Maaga akong nagising ngayon dahil tutulungan kong mag ayos si Amber kahit wala naman akong kaalam alam about make up.

Kinausap niya ako kagabi para dito. Kahit sinabi ko sakanya na wala akong alam. Pero pinilit ako ng gaga. Kaya wala akong lusot. Birthday nya eh.

Sa isang resto ang venue ng birthday nito. Nirentahan nito ang buong restong yun. Planado lahat yun ng mga parents niya. Habang inaayusan ko ito ay dinadaldal nya ako sa mga make up na namamali ako ng lagay.

"Here dito mo i put in my lashes." sabay abot ng mascara.

Kahit na nagmamake up ako dati. Hindi naman ako ang naglalagay non. Malay ko ba! Madalas akong pumupunta sa pagtitipon pag may misyong gaganapin. Never mind, ayaw ko nang isipin ang tungkol d'on.

Nakasuot ito ng satin dress na syempre kulay orchid. Kinulot ko din ang dulo ng maiksing buhok nito. It's so pretty. Pero 'diko sasabihin yun baka mahampas ako. Pag sinasabihan kasi ito ng maganda siya ay bigla nalang manghahampas. Sinasabihan na nga ng maganda nananakit pa.

The party go well. Nakilala ko nadin ang parents niya. Na sina Tita Aleane and Tito Bernardo. Ang bait nila sa mga kaibigan na pinapakilala ni Amber sa kanila. Naiinggit tuloy ako, 'di ko kase naranasan yon. Na magkaroon ng magulang gaya ng kanya. Nag eenjoy ako ng sobra. Kaso biglang dumating ang tukmol.

"Xy! Kumain kana?" Tanong nya habang papalapit sakin.

"Oum, tapos na." sagot ko habang umiinom ng yakult.

"Alam mo bang nakipag agawan pako don sa mga may gusto ng shanghai." sabi nya sakin. Nakatingin lang ako sakanya.

"Sabi kasi ni Amber ay paborito mo daw yun, kaya ikinuha kita." sabay may binunot sa bulsa.

Tumawa ako ng malakas. Kaya napahinto ito sa pagkuha nya.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya. Kaya napahinto ako. Nakakunot lang ang noo nito. At medyo bumabakas ang pagkainis sa mukha niya.

"Wala." maikling sagot ko.

"May plastic naman kaya hindi 'to madumi." Sabay abot sakin.

Hindi ko lubos na maisip na magpinsan sila ni Amber. Ang layo ng pag uugali nilang dalawa. Although, sa pagiging masayahin pareho sila. The rest hindi na.

"Thanks." saad ko. Tinanggap ko ito kahit nakailang kain na ako kanina.

Sa tagal kong hindi kumain non kaya fell kong mauubos ko yung isang tray. 'Di naman ako nabigo. Inubos ko yung kalahati at kinuha naman ng isang lalaki yung kalahati. 'Diko nga alam kong sino yun. Ang kapal ng mukha niyang hayop s'ya!

7 pm nang magpaalam ako kay Amber para umuwi na. Ako lang mag isa saan daan kaya maaga akong uuwi.

Mag isa akong uuwi ngayon dahil uuwi sa bahay nila si Amber. At bukas ko na lang ibibigay sa kanya ang gift ko. 'Diko kasi 'to nabigay kanina dahil akala ko sa dorm sya matutulog.

Papasok nako sa girls dorm ng bigla nalang akong nagulat. Yah siya yun. Yung umubos ng shanghai ko. Yung makapal ang pagmumukha. Ngayon naka hoodie na siya ngayon.

"Anong ginagawa mo dito, Andrie?" tanong ko. Yeah nakikilala ko siya. S'ya yung isa sa mga student ng section ng Kuro.

"So kilala mo ako?" di makapaniwalang tanong niya. Paano diko makilala eh isa sya sa mga crush ng halos ng lahat ng babae sa school.

"Yeah." saad ko.

"I'm Ginoong Xavier Andrie Morillion." pakilala nito. Kinuha niya ang kamay ko sabay dampi ng halik dito.

"Xylura." pakilala ko. Nagpaalam na ito para umalis. 'Di pa kasi ako sanay na may binibini o ginoo sa pangalan. Kaya nakakalimutan ko.

Nakilala ko ang isa sa mga anak ng may ari ng Morillion University. Sabi nila apat silang magkakapatid. At sa apat na yun ay may kambal. Kaso ang bunso nilang kapatid ay nawawala. At hanggang ngayon ay hindi ito mahanap.

Pero bakit ito nawawala? Bakit sa haba ng panahon ay hindi pa nila nakikita? Ahhh nakakasira ng utak.

Makatulog na nga lang.

•••

Xyluren

Hit By Your Arrow (Morillion University Series#1) [In Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon