Chapter 2

25 9 0
                                    

"Who are you?" tanong ng katabi ko. Matapos sa hindi ko pagsagot sa tanong ni Ms.Math ay nagkibit balikat na lang sila. Maliban sa isa na to na ang ingay. 'Di ba siya nakakaramdam na ayaw ko itong pag usapan.

"I'm Xylura and you are?" pabalik tanong ko sa kanya. Natigilan ito pero agad ding nakabawi.

"I'm Xyke, Ginoong Kairo Xyke Avramovsky" sagot nito. Hmm nice name.

Matapos ang panghapon na klase ay agad na akong pumunta sa dorm. Yeah may dormitory dito sa school. Nakalimutan ko lang ang pangalan nito. Paalis nako pero nakatingin lang sakin si Xyke.

"Sabay na tayo." sabay tayo nito. Habang naglalakad kami sa corridor ay nagtanong ako sa kanya.

"Xyk, ano pala pangalan ng school?" tanong ko. Napahinto lang ito tsaka tumawa ng napakalakas.

"Nakakatawa ba yung tanong ko ha?!" sigaw ko sa kanya. Kaya tumigil ito.

"Parang 'di ka estudyante eh, pano ba naman kasi naka isang araw kana sa school pero 'di mo man lang inalam ang pangalan nito." mahabang sabi nya at tumawa ulit ang g*go.

"Sabihin mo na lang kasi!" singhal ko sa kanya. Buti na lang at wala ng masyadong student.

"Welcome to Morillion University." sabi nito sabay umaaktong winiwelcome ako. Parang tanga.

"Ahh yun pala yon. " sagot ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang marating na namin ang naghahati sa dormitoryo ng lalaki at babae ay huminto kami.

"So? See you tomorrow, Xy." paalam nito. Tumango lang ako bilang tugon.

'Di naman ipinagbabawal ang magsama ang boys at girls sa dormitory pwera nalang pag sa kwarto na. Napatingin ako sa room n/n ko.

"2116 Midori x Murasaki."  Pagbasa ko dito. Bubuksan ko na sana ay bigla nalang itong bumukas.

"Welcome my new roommate!" sigaw ng babae. Maiksi ang buhok nito na bumagay naman sakanya. Ang kulay lila nitong uniporme na bumagay sa kanyang puting balat. Naiinggit tuloy ako sa perfect body nya. At syempre ako naka pang pormal na suot palang kase 'dipa dumating yung school uniform ko.

"Ay did I gulat you ba?" tanong nya. Conyo ba this girl?

"Ah hindi naman." Nakangiti lang sya sakin.

"I'm Binibining Zyamberlyn Sy. But you can call me Amber." pakilala nya sakin.

"Xylura." sagot ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Ang ganda ng kulay ng dingding nito. Sakto sa paborito kong kulay color green and yung color violet siguro ay sa kanya. May dalawang pinto sa loob ng kwarto.

"Here's your room." sabay turo ng kulay green na pinto. Binuksan ko 'yon. Pagbukas ko ay konti lang ang mga gamit. Isang closet, queen size bed na malapit sa bintana at isang study table at upuan. Maging ang bedsheet at punda ay kulay green din.  

Hindi masyadong dark ang kulay 'di rin light. Sakto lang. 

"What can you say about your room, Xy?" tanong sakin ni Amber. Nasa hapagkainan kami dahil hapunan na.

"Ok lang, actually nagustuhan ko ng sobra kase fav. color ko ang green." sagot ko habang kumakain.

"Ay sayang color violet akin, eh. I love everything about violet. " tumili ito na para bang walang bukas.

Nang matapos kumain ay naghuhugas siya ng pinagkainan namin. Ako nga dapat pero sabi nya sya nalang daw kasi bukas ako naman. Salitan daw kami.

"How old are you na ba?" tanong nya habang naghuhugas ng pinggan.

"16, ikaw?" tanong ko din baka sabihin nya ayaw ko s'yang ka room mate.

"17 na this sunday." sabi nya. Tumango naman ako. Birthday nya pala sa linggo. Hindi pa kami close pero exited ako para sa birthday nya. Kung sakali man sya ang unang taong bibigyan ko ng regalo.

Matapos niya maghugas ay pumunta na kami sa sarili naming kwarto. Inayos ko muna ang mga damit at nilagay sa closet. Naligo na din ako magtapos kong ayusin ang aking higaan. Matapos maligo ay humiga na ako.

Malaya na ba ako ng nakaalis ako sa lugar na iyon? Isang tanong na pumasok sa aking isipan. Iwinaksi ko ito sa aking isipan at natulog na.

Nagising ako sa lakas ng kalabog na nanggagaling sa pintuan. Tumayo ako at binuksan 'yon. Niluwa non si Amber na tumitili.

"My ghad your so matagal mag wake." sabi nya sabay abot sa akin ng box. Tiningnan ko ito ng patanong. Bigla nalang siyang napaitlag.

"Your uniform is here na oh, look." binuksan ko ito. It's so pretty. Ang pang itaas nito ay baby green na may necktie at ang palda ay hanggang itaas ng tuhod. Pa stripe na green and black ang kulay nito.

I look at my phone, it's already six in the morning. Naghanda na ako para sa school. Napatingin ako sa salamin. Tiningnan ko ang aking sarili. Ang uniporme ay sakto lang. Naka pusod din ang medyo kulot kong buhok. Gusto ko man mag lugay ay wag nalang. Ang init kase.

"Good morning!" masiglang bati ni Amber sakin habang nilapag ang niluto niya kanina.

"Morning." bati ko din sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Ang sarap niyang magluto. Sabay kaming lumabas ng dorm namin nang napahinto sya.

"Wait, what's your section pala?" tanong nya.

"Midori." Tipid na sagot ko. Nagulat siya at tumili na naman. Nakakailang tili nato ngayong araw ah.

"Did you know that my crush is your classmate." sabi nya.

"No?" sagot ko.

"Aw yeah, your new here kaya di mo pa know." sabi 'nya.

"Ikaw anong section mo?" tanong ko.

"Section Murasaki" sagot nito.

Naghiwalay na kami papunta sa bawat building namin. Magkakaiba kasi ang mga building ng bawat section. Nasalubong ko pa si Xyk. Ang saya n'ya daw kase may aasarin na sya.

"Good morning, Xy!" sigaw nya sabay lapit sa akin.

"Morning." hikab na sagot ko. Napatakip naman ito ng ilong.

"Ang baho hininga mo." sabi nya sabay takbo. G*go nga kay aga aga nag uumpisa na agad sya?

"Nagtoothbrush ako tukmol ka!" sigaw ko sabay habol sa kanya. Nakapasok ako ng room ng hingal na hingal. Asan yung hayop na 'yon. Lagot ka sakin pag nakita kita.

Umupo na lang ako at nag cellphone. Pag open ko ng account ko ay na bigla nalang ako. Napakadaming makakapal ang mukha. Halos lahat ng klassmate ko ay nag friend request sakin. Nangunguna pa si Xyk. Y*wa!

"Good morning class." sabi ng teacher. Naitago ko ng wala sa oras ang phone ko. Bumalik na din si Xyke sa tabi ko.

•••

Xyluren

Hit By Your Arrow (Morillion University Series#1) [In Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon