Prologue

52 9 0
                                    

Naglalakad ako sa gitna ng kagubatan. Nag iisa sa madilim na gabi. Bawat kaluskos na likha ng mga tuyong dahon. Bawat tunog ng mga kulisap. Ang siyang tanging ingay na aking naririnig. Tila ako lang ang napapasaya ng dilim. Ang simoy ng malamig na hangin. Na aking tanging kakampi.

Magmula sa araw na'to hindi nako babalik.

"Xylura, sigurado ka na ba sa plano mo?" tanong ni Manang Shona.

"Opo, kailangan ko po itong gawin. Nasasakal ako sa pinaparamdam nila. Tinuturing ko silang pamilya ngunit turing sa'kin hayop. Ako naman parang tanga sunud sunuran." mahabang paliwanag ko.

Tutal pinalayas naman na nila ako.

"Iha, naiintindihan kita. Dahil ako mismo ay saksi sa lahat ng ginawa nila sayo." Wika nito.

Maaaring naguguluhan ako sa desisyon ko pero ayaw ko nang manatili sa lugar na to. Simula pagkabata natutunan ko nang maging mapag isa.

Sa puntong ito ng buhay ko. Ito ang isang malaking desisyon na gagawin ko. Ang mapalayo sa pamilyang kinagisnan ko.

Ang kailangan ko pamilya hindi ganoon. Ni hindi nga nila ako tinawag na anak. Kaya 'di ko din sila tinatawag na mama o papa.

May kaibigan slash kapatid ako pero lagi akong sinisiraan sa mga magulang namin. Na may mali akong nagawa sa misyon na siya naman talaga ang may gawa. Binabaliktad niya 'ko para s'ya maging leader. Laging dismayado ang magulang ko dahil sa kasinungalingan n'ya. 'Di din nila ako pinaniniwalaan sa mga paliwanag ko kase mas pabor sila sa kapatid ko.

Malaya naman akong gumastos ng pera. Kaya naging library na yung kwarto ko d'on. S'yempre nagdala din naman ako mga isang maleta ganon. Sayang naman 'di ko pa nababasa kaya dinala ko na lang. Lalayas ako pero dapat kasama yung libro.

"Manang, pwedeng dito muna ako. Isang araw lang naman po maghahanap lang po ako ng school kung saan ako mag aaral." sabi ko kay manang. Bata pa ako kailangan ko pang mag aral para sa kinabukasan ko. Dahil hindi pang habang buhay ang ipon ko.

Sapat lamang yun sa dalawang taon.

"Ayos lang iha pero mag ingat ka. Baka makita ka nila sa labas. Bukas na bukas ay tutulungan kita maghanap. Sa ngayon magpahinga kana muna." Sa edad na kwarenta anyos ay wala itong asawa. May ampon s'yang inaalagaan tinuturing niya itong parang tunay na anak.

"Salamat po manang, hindi kita makakalimutan. Sila lang po." sabi ko sabay pikit ng mata.

Kinabukasan ay sinamahan ako ni manang sa mga isang tagong paaralan na hindi matutunton ng dati kong pamilya. Kasama ko din itong nag fill up sa mga requirements sa school na yun. Sad to say, pagpasok mo na lang ng school malalaman kung ano pangalan ng school. Pa mystery daw.

Masyadong mabilis ang takbo ng oras. Bukas ay luluwas na ako sa school na papasukan ko. Halos kalahating araw nalang ang natitira sa'kin.

"Manang, maglilibot po muna ako ahh. Last day kona lang dito." Pagpapaalam ko.

"Sige iha wag masyadong magpalayo" tumango ako bilang tugon. Nasa malayong parte ng kagubatan ang tirahan ni Manang Shona. Kaya hindi ito maaabot ng mansyon. Masyado silang busy para hanapin ang isang tulad kong hangin lang para sa kanila.

Nilibot ko ang mga lugar kung saan ako naglalaro noong bata ako. Sa may burol kung saan ako nagpapadausdos. Sa ilog na malinis na aking nilalanguyan dati. Sa puno ng rambutan na aking inaakyat para makakuha ng bunga nito. Sa bahay kubong pinagawa ko sa ibabaw ng punong mangga.

Hindi nila alam na naging engineer at architect ako dati.

Gusto kong bumalik sa panahong yon. Panahong naglalaro lang ako walang problema. Ang saya ko kasi may mga kaibigan ako noon. Pero nung nalaman nila iyon ay pinalayo ako sa kanila. Ako yung lumalapit pero nilalayuan nila ako. Utos daw kasi ng papa ko.

Simula nong araw nayun mag isa nalang akong naglalaro sa bahay kubo. Nakakalungkot lang dahil alaala nalang yun ngayon. At hindi na maibabalik pa.

Umuwi na ako matapos maglibot. Tumulong din akong magluto ng hapunan namin ni manang. Manang ang tawag ko kasi it means Ate. Ate na nanay pa.

Nagkwentuhan kami magdamag sa mga kabataan n'ya. Pati yung mga katangahan ko noong bata ako. Tawa ako ng tawa.

Alas kwatro ng umaga ay hinatid na agad ako ni manang sa sakayan ng bus. Kasi tumawag sa kanya ang tauhan ng school kase simula na daw ng klase. At nakalimutan yung sabihin ng nag asist samin. 7:30 ang pasok sa school at medyo malayo pa mula rito.

"Mag iingat ka don, Xylura. Wag mong pababayaan ang sarili mo hah." pinipigilan niyang hindi umiyak.

"Opo, manang. Ikaw din po alagaan mo po sarili n'yo hindi na tayo bumabata." Biro ko sa kanya. Sabay kaway habang papasok sa bus.

This is it. Mag isa ka na lang ngayon Xylura kayanin mo.

Inilapag ko ang mga gamit ko lalagyanan ng mga bagahe. 'Yong school nalang daw ang maglalagay ng mga gamit sa bawat dorm. Para diretso na sa room. Pero dahil six ako nakarating sa school ay maglilibot muna ako.

Hindi ako gala pero gustong gusto ko pag may bago sa buhay ko. Tulad ng school.

Sana magkaroon ako ng mga kaibigan. Yung hindi ako pagsasalitaan sa likod ko. Magmamahal sakin kahit ganito lang ako.

"I hope this gonna be great start." bulong ko at nag umpisa nang maglibot.

•-•

Xyluren

Hit By Your Arrow (Morillion University Series#1) [In Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon