Chapter 29

56 6 1
                                    

----

"Pakabusog kayo ha, mga PG!" sigaw ko sa mga kasama ko ngayon, este ang barkada at ang buong dance team.


Namiss ko sila.


Kakatapos lang ng huling practice ng dance team para sa competition nila sa Manila, at dahil saktong may malapit na kainan sa studio kung saan sila nag-practice, dumeretso na kami rito. Bukas na gaganapin ang laban kaya naman aalis na kami ng madaling araw mamaya. 


Kakagaling ko lang ng byahe kahapon at wala pa 'kong maayos na pahinga. Napaka-considerate kasi ng mga kaibigan ko. Hindi ko naman din sila matiis. Kaya ayan, napapasama ako sa mga gimik nila.


Nasa isang eat-all-you-can buffet kami ngayon sa San Fernando. Ako ang nagyaya kasi naisip ko na rin na pakainin sila para magsilbing celebration ng pagkapanalo ko nung isang araw. Kasama rin namin ngayon sila Christian at Evan na napasabak rin sa sayawan kanina.


"Uy, Lychee!" Ani ni Marcus, captain ng dance team. "Buti napadaan ka. Join us!"


Lahat kami ay napatingin sa gawi ng buffet at naroroon nga si Lychee na mag-isa. Nang makita niya kami, agad siyang lumapit at binati ang lahat. Mahina akong napasinghal.


Napayuko ako at napakamot sa leeg. At mukhang hindi lang ako ang dismayado, kung hindi ang buong barkada. Sabay-sabay kaming napangiwi e. 


"Hi, Gel! Congrats on your win!" Bati niya habang nakapatong ang kamay sa balikat ni Evan. Minasa-masahe niya pa ito, paakyat ng kanyang leeg. She made sure I saw it.


"Thanks," I smiled, awkwardly. 


"So, why are you here?" Gayle suddenly blurted.


Nagulat kami nila Evan sa tanong ni Gayle na hindi man lang ginandahan ang pagkakatanong. Christian placed his arm over Gayle's shoulder, signalling her to calm down. But Gayle didn't change her words.


"I saw Mika's post just now at saktong kakatapos lang ng appointment ko diyan sa salon," Pagtutukoy niya sa salon sa tabi lang ng buffet resto kung nasaan kami. "Kaya pinuntahan ko na kayo to say hi." she deadpanned.


The dance team didn't suspect anything as they were busy talking to each other. Lychee then sat down at the empty seat of Mika, who is currently at the other side of the buffet, getting dessert for her main course. The seat is unfortunately next to Evan. 


"Ah, ganun ba? Parang wala namang nagbago." Gayle continued, resulting to Christian squeezing her arm. Pilit niya itong binabatayan na ayusin ang kanyang pakikitungo.


"E? Wala nga bang nagbago?" Hinarap niya si Evan habang hindi tinatanggal ang kamay sa balikat niya. Evan's face shows how he's so uncomfortable with the sudden skinship.


"Meron!" Ako na ang sumagot. "Bagay mo."


Lychee was obviously annoyed at my response because Evan wasn't the one who spoke. She's disappointed that Evan didn't get to say the compliment she was seeking for from him. Evan's gaze met mine and thanked me through it. Meanwhile Lychee wasn't happy, but forced a smile to cover up the annoyance.

See You Next SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon