Chapter 33 - Part 1

58 6 2
                                    

-----

"Welcome back to Japan, love."


Isang malaking yakap ang salubong sa akin ni Jeremy sa tapat ng arrivals gate. Nabitawan ko na ang tinutulak kong hand carry saka binalot ang mga binti sa kanya. He supported my back from falling, and we twirled around, glued together.


Dalawang linggo matapos siyang naunang bumalik dito sa Japan ay sa wakas nakasunod na rin ako. My student visa will start today.


Agad naman akong bumaba mula sa pagkakakarga niya at hinabol ang magisa nang naglalakad na hand carry ko. Doon ko nalang din napansin ang pagsulyap sa amin ng mga tao.... at ang nakakatakot na tingin ni Fuyuki!


"Ay jusko!" Napabalikwas ako pero agad din umayos at yumuko. "Hello, Fuyuki. Good morning."


Natawa si Jeremy nang magbago ang tono ng boses ko na tila parang presidente ang kausap. Marahan kong kinagat ang labi ko sa kaba.


"Good afternoon, Ms. Hernandez." Fuyuki corrected, returning my bow.


"Afternoon, right— Good afternoon." I closed my eyes, embarrassed.


I smiled at an unbothered Fuyuki with my lips pressed together. My cheeks were tensed and warm, humiliated at the first greet.


Inakbayan ako ni Jeremy. "Let's go, love." he was still laughing.


Two men working at the baggage claim offered me a hand on pushing my luggage cart. In this case, they had already given my belongings to Jeremy's driver outside, by Fuyuki's command. 


The car waiting was a Mitsubishi Outlander in white. Jeremy initiated in fetching me from the airport for less expenses on bus tickets. He also later confessed that he couldn't wait any longer if he'd let me take the bus or a taxi. It's for my own comfortability as well, he said. 


"Bagong car mo 'to?" Tanong ko sa kanya nang makaupo sa kanang bahagi ng backseat. 


Katulad nang Audi niya, napakalinis ng loob at tila kumikintab at mabango. Kahit isang gasgas ay wala akong makita, maski alikabok! Feel ko tuloy ako yung mismong dumi sa loob huhu.


Jeremy sat at my left while Fuyuki sat at the passenger's seat beside the driver who is in a similar suit as Fuyuki's. We were then asked to wear our seatbelts.


"This car's a gift from Ishida," Sagot ni Jeremy. "It's not new."


"Si Akinori?"


"Yes. His family owns a car company." he explained. 


My mouth parted. I've been informed that Akinori is wealthy, but gifting someone a car is a different kind of rich. I could never!


Jeremy and I discussed that I'll be using the allowance of the government. Gusto kasing sagutin ni Jeremy lahat ng expenses ko, mula housing hanggang sa visa renewal ko. Hindi ako pumayag. Maliban sa nakakahiya, hindi dapat ako dumedepende sa pera ng boyfriend ko o kahit sa iba. I need to survive on my own and if I have to work, then I will.

See You Next SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon