"Condolence heaven"Tango lang ang tinugon ko sa huling taong nakilamay sa libing ng papa ko. Wala ako sa sariling napatingin sa lapida ni papa at masuyong hinaplos ang pangalan nito. Raymundo Alvarez sunod sunod ang patak ng luha ko kasabay ang pagpikit ng aking mga mata dahil sa sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. I miss you.. bulong Ng isipan ko habang inaalala ang matatamis na sandali namin ng papa ko noong nabubuhay pa ito.
"Heaven" nagmulat ako ng mata, at bumungad saakin ang mama ko, gaya ko mugto din ang mga mata nito dahil sa kakaiyak sa pagkawala ni papa. Alam ko sa sandaling ito kaming dalawa nalang ang natitira at hindi magiging madali iyon.
"Mama" mahinang tugon ko tyaka niyakap ko ito ng mahigpit. Sakanya lamang ako humuhugot ng lakas para kayanin ang bigat ng pagkawala ni papa.
"Shhh... I'm here.. hindi kita papabayaan kakayanin natin, hindi nawala ang papa mo nandito lang sya kasama natin"
Saad nito habang hinahaplos ang likod ko dahil sa pagiyak, upang pagaanin ang kalooban ko sa sobrang lungkot."Don't leave me mama "
"I won't heaven. I won't"
Kahit na anong bigat ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nalalaman ko na hindi ako iiwan ni mama, na kahit nawala si papa saamin kakayanin namin dahil alam kong hindi ako papabayaan ni mama.
Matapos ang ilang oras na pananatili namin sa sementeryo, napagdisesyunan din naming umuwe na upang makapagligpit ng gamit ng yumaong kong ama, at makapaglinis ng bahay dahil sa isang linggong pagluluksa.
Nagulat ako ng may madatnan kaming tao sa aming bahay. Dalawang babae ang naroon. Ang isa ay kamukhang kamukha ng aking ina.
"Lina" mahinang sambit ni mama. Puno man ng pagtataka, hindi na lamang ako nagsalita at piniling magpatianod nalang sa nangyayare.
"Mama kamusta kana" tanong ng babaeng nagngangalang Lina na kamukhang kamukha ni mama. Sino kaya ang babaeng ito? Bakit nya tinawag na mama ang mama ko?
"Maayos naman ako, mabuti nakarating kayo kamusta kayo Alie?" Tanong ni mama sa babaeng kasama nung Lina, ang mga mata nito ay gaya ng kay mama, ngunit hindi gaya ng awra ni lina na magaan. Ang Alie na ito ay mukhang matapang.
"Ayos lang, hindi moba kami papasukin?"
Saad nito kay mama. Nakaramdam ako Ng inis dahil sa asal nito pero gaya ng nasa isip ko. Sumunod lang ako sa agos ng pangyayare."Sya nga pala si heaven anak ko" pagpapakilala ni mama ng makaupo na kami sa sofa sa loob ng bahay. Kaagad na dumako ang tingin ng dalawang babae, ngunit si Lina lamang ang ngumiti.
"Hi Heaven I'm Lina, step sister mo ako nice to finally meet you" nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako makapagsalita kahit na maraming katanungan at salita ang nasa isip ko. Step sister? Ang buong akala ko wwala akong kapatid.
"Heaven sorry ngayon mo lang nalaman, sila ang mga kapatid mo si Alie at Lina anak makipagkilala ka sa kanila"
Puno ng katanungan ang mga mata ko na tumingin sa mama ko. Batid kong alam nya yun at nararamdaman nyaa. Ngunit hindi ngayon ang tamang panahon para maasagot ito. Naguguluhan man ngumiti ako ng pilit at inilahad ang aking mga kamay."Heaven rein Alvarez" tinanggap ito ni ate rina samantalang tiningnan lamang ito ni ate Alie.
"Hinihintay kana ni dad mama last chance Mona toh para bumalik saamin, kaya kung ako sayo piliin mo kung sino naman yung nauna"
"Alie!"
Pinigilan man ni ate Lina si ate Alie, inirapan lang nito ang kapatid at hindi na ssumagot. Samantalang si mama naman ay ngumiti ng malungkot at inabot ang mga kamay ko at mahinang pinisil iyon. Nararamdaman ko ang bigat na nararamdaman nya. Alam kong naiipit sya.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceI felt missing something, I couldn't recognize it... But then you came.... it all started - Heaven Missing piece R.A