"Kailangan lang talaga.. anak babalik naman si mama dito sa pilipinas.. kailangan mo kasi ditong magaral muna"Hindi ako makapag salita habang naguusap usap sila tunggol sa pagalis ni mama. Plano ni tito arthuro na pumunta ng ibang bansa si mama para sya ang mag asikaso ng kumpanya nila Doon. At ako? Maiiwan daw dito kasama sila ate tito arthuro pati si kuya.
"Heaven? What can you say about hija?"
Tanong ni tito arthuro. Nagangat ako ng tingin, pigil ang mga luha kong bumagsak dahil ayokong makita nilang mahina ako. Pakiramdam ko kapag nangyareng makita nila iyon, yun ang gagamitin nila saakin. Malakas ang kutob ko.
"O-oum.. a-ayos lang po... As long as safe si mama and okay sya"
Nahihirapan kong tugon, ngumiti lang ito ng bahagya at tumango tango. Nasa hapag kainan kami. Ngunit kahit na sumusubo ako ng pagkain, hindi ko naman malasahan iyon, pakiramdam ko walang buhay itong kinakain ko.
"Well Wala naman palang problema sa lahat. I'm sure hon magiging ayos lang kay heaven... Masasanay din sya dito aalagaan namin sya."
Sabi ni tito arthuro.Tumingin si mama saakin pero nagiwas ako ng tingin, hindi ako galit sakanya.. tampo pwede pa. Hindi manlang nya nasabi ito saakin, akala ko kasama akong aalis sakanya.
"Take care of her.. assure me that"
"I will"
NANG matapos ang hapunan na iyon, nagpunta nadin ako sa kwarto ko. Pabagsak ang katawan kong humiga agad sa kama ko. Kapag umalis si mama paano na kaya ang buhay ko? Talaga kayang aalagaan nila ako? Bakit pakiramdam ko iba ang mangyayare?. Oh well as long as mama is safe and happy I'll do everything.
"Heaven?"
Napaupo ako ng marinig ang boses ni mama galing sa labas ng kwarto ko.
"Yes ma?"
"Can I come in?"
"Yes you may mama"
Kaagad na bumukas ang pinto at bumungad ang pilit na ngiti ni mama. Kaagad nya akong niyakap at hinalikan sa noo bago naupo sa tabi ko.
"Are you mad?"
Umiling ako at napabuntong hininga tyaka pilit na ngumiti sakanya. Hindi naman talaga ako galit.
"I'm sorry anak.. hindi ko agad nasabi ang ganoong plano namin saiyo. Biglaan din kasi, buong akala ko din pwede kang sumama saakin doon."
"Naiintindihan ko ma, hindi naman ako nagagalit alam ko namang may dahilan kayo for doing this, and I know it's for us to be better so no need to be sad I'll be okay as long as you're okay too that's enough for me"
Umiiyak itong niyakap ako, at ganoon din ako sakanya. Kailangan kong mag tiwala at sumunod kay mama, dahil alam kong para ito saaming dalawa. Kailangan intidihin ko ang kalagayan nya. Dahil sya nalang ang mayroon ako ngayon.
"Omaygad, you're such a big girl now. I'm glad you're not mad at me anak.. I'm so sorry for living you here...I'll be back okay? Mama will be back"
"Hihintayin kita mama kaya bumalik kapo agad ha? Magiingat kapo Doon"
"Of course I'll be back as soon as possible, be responsible here okay? Wag kang pasaway sa mga ate mo at kuya mo and to your Tito Arthuro magpakabait ka anak"
"Noted ma, I'll be good girl here i promise"
Nagtaas pa ako ng kanang kamay na parang nanunumpa para masiguradong hindi ako nagsisinungaling. Napatawa naman si mama at niyakap akong muli.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceI felt missing something, I couldn't recognize it... But then you came.... it all started - Heaven Missing piece R.A