CHAPTER 4

5 0 0
                                        


"Umaasa ka Naman na babalikan kapa ni mama. Haha kami nga pinabayaan ikaw pa Kaya"

ILANG linggo nadin simula ng umalis si mama at naiwan ako rito sa bahay nila tito arthuro, at bawat araw na dumarating nakikita ko ang bawat ugaling mayroon sila. At ang mga katagang laging sinasabi saakin ni ate Alie, na hindi nadaw babalik si mama.

Ayokong isipin ang mga bagay na iyon,dahil kilala ko si mama hindi nya gagawin ang bagay nayun saakin. Ngunit hindi ko maiwasang magalala dahil sa hindi pag komunikasyon saakin ni mama. Kamusta na kaya sya?

Sa bawat araw na ginawa ng diyos parating pinaparamdam saakin nila tito arthuro at ate Alie na wala akong lugarsa pamilya nila. Gusto ko mang umalis pero saan naman ako pupunta?

Maswerte lang ang araw ko kung nandito si ate lina at kuya Al kahit papaano hindi nila pinaparamdam saakin na wala akong puwang sa pamilya nila.

Umaasa nalang ako bawat araw na uuwe si mama at sasabihin nyang pwede na kaming umalis sa bahay na ito at hindi na kailanman babalik.

"Heaven? Gumising kana ngayon na ang unang araw mo sa school mo mahuhuli ka"

"Opo nay, lalabas napo ako"

Pagkatapos kong ayusin ang necktie ko, muling pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Napaka ganda ng uniform sa University na papasukan ko. At halatang mamahalin talaga. Napangiti ako dahil sa excitement na nararamdaman ko. Ano kayang itsura ng bagong school ko? Masaya kaya Doon?

"Excited na ako!"

"Haynako kang bata ka! Sabi ko bumaba kana! Mamaya maabutan ka nanaman ni sir Arthuro nako bata ka... Malalagot ka nanaman!"

Tumango nalang ako sa sinabi ni nay Tessie na syang mayordoma dito sa bahay. Sya ang umaalalay at nagaalaga saakin sa tuwing masama ang pagtrato saakin ni tito arthuro. Para ko na syang nanay sa bahay na ito.

"Nay? Kumain kana ba? Sabayan Mona ako Wala panaman po sila eh"

Saad ko habang nakatingin kay nay Tessie sa kusina. Paminsan lang ako sumabay ng pagkain kila tito arthuro dahil ayaw nito na nakikita ang mukha ko ganon din si ate alie kaya madalas kasama ko sa kusina kumain si nay Tessie at ibang kasambahay.

"Nako ija wag na mahuhuli kana sa school mo, mabuting mauna kana sa pagpasok at alam mo naman ang ate Alie mo panay ang utos sayo mamaya ma late kapa, wag Mona ako alalahanin mamaya nalang paguwe mo sasabay ako"

Malungkot akong tumango at muling sumubo ng pagkain ko.

"Gusto Kona pong umuwe... Ayoko na po dito"

Puno ng lungkot na sabi ko. Totoong ayaw Kona sa bahay na ito kahit panga ilang linggo palang. Parang hindi ako tatagal.

"Nako ija. Heaven tiisin mo lang paano kung bumalik ang mama mo? Saan kanya hahanapin? Tyaka delekado sa panahon ngayon anak kaya wag kang maglalayas"

Isa payun sa inaalala ko paano nalang kung bumalik si mama. Kung aalis ako paano na kami magkikita. Hays. Para sakanya magtitiis ako hanggang sa makabalik sya.

"Salamat nay Tessie. Tapos napo pala ako papasok napo ako nay"

"Osya sige magiingat ka ha. Nandoon si mando nag hihintay sayo ihahatid kanya at heto.."

Nagulat ako ng bigla nyang inabot ang kamay ko at naglagay ng pera Doon. Nagtataka naman akong tumingin sakanya.

"A-ano po to nay? Bakit kapo may perang binibigay?"

"Pang emergency mo iyan, hindi natin alam nako mahirap na"

Ngumiti ako at niyakap si nanay Tessie. Dahil sakanya nakakaya kong magtiis sa pamamahay na ito dahil naalala ko sakanya si mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon