"Are you sure about this Heaven?"Napatigil ako sa pag eempake ng marinig ang tanong na iyon galing sa ate ko, ngunit nag patuloy lang din ako pagkalipas ng ilang sigundo. Hindi ako nagsalita dahil alam kong kukumbinsihin nya parin akong manatili sa lugar na ito.
"Ayan ka nanaman eh, bakit ba ayaw mo nalang makinig for god sake heaven intindihin mo nalang sila"
Mahigpit na napahawak ako sa zipper ng maleta ko bago tuluyan itong sinira. I'm so tired to understand them.. bakit ako? Hindi nyo maintindihan?
"Aalis na ako, I'm sure about this don't worry"
Walang buhay kong sabi, alam kong nagagalit na sya ngayon at alam kong pinipigilan nya lang itong ilabas, nahihirapan din ako makita syang ganoon, pero kapag hindi pa ako umalis dito... Baka ako naman ang bumigay na sa pagkakataong ito.
Thank God. Hindi na ako nakarinig ng pagpipigil na salita galing sa ate ko, bagkus hinayaan nya lang akong magpatuloy hanggang sa makarating na ako sa baba ng bahay.. at akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng may magsalita sa likod ko, dahilan para mapatigil ako.
"Mabuti naisip mo nayan, mabuti nayang ganyan ng matuto ka naman at hindi dumipende sa mga tao dito, pabigat ka"
Nag pupuyos sa galit ang nararamdaman ko ng marinig ang mga salitang iyon galing sa taong iyon sa likod ko.
"Pa! Stop it! Tigilan mona si heaven!"
Rinig kong sigaw ni ate Lina, mapait akong napangiti dahil simula sapol hindi nagbabago ang ate ko para protektahan ako.
"What? Sinasabi ko lang sakanya, walang utang na loob Wala pa yatang balak na magpaalam sa nag paaral at nagpalamon sakanya. Palibhasa anak sa ibang lalake"
Doon ako tuluyang napaharap. Puno ng galit ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Nakapuyos ang aking kamao tanda ng labis labis na galit ko.
"Wag mong idadamay ang tatay ko, dahil kahit kailan mas tao sya kaysa sa gaya mo!"
Inis na sagot ko. Gumagalaw ang panga ng matandang lalaki na ito saakin. Kung wala ngalang itong tungkod ngayon malamang.... Nakatanggap nanaman ako ng sapak sakanya..
"Walanghiya kang bata ka! Pagkatapos kitang pakainin, pagaralin at tanggapin Yan pa! Yan pa ang igaganti mo! Napaka wala kang modo! Stupido!"
Pagak akong tumawa. Malakas akong tumawa, pero hindi tawa ng kasiyahan kundi tawa ng galit at poot ng nakaraan. Tanggap? Saan Banda?
"Hindi kapa namamatay, nasusunog kana sa kasalanan. Wag moko sumbatan dahil bayad nako sa lahat ng pag trato nyo saakin. Mamatay kana Sana"
Sabi ko at tuluyan ng tinalikuran ito at nagpatuloy na sa pag labas ng impyernong bahay na iyon. Kahit panga tinatawag nito ang pangalan ko, tanda ng galit nito saakin, hindi na ako nagabala pang lumingon. At Wala na akong balak pang lumingon sa buhay na nalasap ko sa kamay ng pamilyang iyon.
***
"Finally! Wala kana dun sa bahay nayun. I'm so happy for you girl!"
"Akala ko nga habang buhay na si heaven sa bahay nayun"
Naiiling akong ngumiti sa mga kaibigan ko. Matapos kong makauwe sa bagong bahay na naipundar ko para sa panahon na ito. Niyaya nila akong lumabas para makapag celebrate.
"Thank Gail and Abbie for helping me"
Puno ng sinsiredad kong pasasalamat sa kaibigan kong ito. Sa tulong din nila nakayanan ko ang lahat ng pagsubok ko sa buhay simula noon pa.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomansaI felt missing something, I couldn't recognize it... But then you came.... it all started - Heaven Missing piece R.A