CHAPTER 2

6 0 0
                                    

"WHAT?! are you crazy?! Heaven Naman dapat hindi ka pumayag!"

Napabuntong hininga nalang ako sa reaction ni sienna na pinsan ko. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop, mabuti nalang pinayagan ako kanina thanks to ate Lina.

"Wala akong choice sien, what do you want me to do? Gusto ni mama yun kasiyahan nya Yun I won't disappoint her"

Umiiling si sien habang nakatingin saakin ng hindi makapaniwala. Para bang katangahan ang mga ginagawa kong pag sunod sunod sa lahat ng nangyayare sa buhay ko. Well totoo namang Wala akong choice.

"Una, iniwan nyo si tito at lumipat kayo agad ng bahay kakalibing palang nya. And then ngayon gusto nyo namang lumipat sa malayo? Sa ibang bansa? Maygaadd heaven parang hindi kayo nagluluksa"

Sabi nito sabay inom ng inumin nito, at umiiling parin, I felt sad and hurt at the same time dahil Tama si sien kakamatay lang ni dad pero parang hindi kami nagluluksa. I'm sorry pa

"I.... I honestly don't know what to... Do"

Hindi Kona mapigilan ang luha ko. I feel guilty for what's happening in our lives God knows that I don't want to leave papa, pero ayoko rin namang ma disappoint si mama because of disobeying her decision for us. Ang hirap maipit sa ganitong sitwasyon.

"Hayst! Don't cry heaven! Look I'll support you here! Nagaalala lang naman talaga ako baka kasi.... Anong gawin nila...nila sayo doon... Ayokong mapahamak ka heaven.. ayoko"

"S-sien"

Wala na akong ibang nasabi dahil niyakap nya na ako at inalo. Noong bata ako akala ko napaka perpekto ng buhay ko. Pero sa likod pala ng bawat kasiyahan ko kasama sila mama at papa, reyalidad pala ng mapait na buhay na tanging sila lang ang sumasalo para saakin. Ngayon na paharap ng paharap ang reyalidad saakin... Umaasa nalang akong sa dulo ng mga ito kasiyahan ang premyo.

"Are sure? Ayaw mo magpasama? May 30 minutes panaman ako sasamahan na kita"

"No go ahead sienna I can handle na thank you for this day "

Matamis itong ngumiti at yumakap muli saakin. Kasalukuyang nasa labas na kami ng coffee shop dahil may urgent meeting ito sa business nya.

"I do always have a time if you need anything okay? Just call me or text me I'll be there heaven "

"Noted I get it"

Tumango at ngumiti muli ito bago nakipag beso at pumasok na sa sasakyan nito. Pero bago pa ito makaalis binuksan nito ang bintana ng sasakyan at tumingin saakin.

"Send my regards to tita heaven "

Tumango lang ako at kumaway na tyaka ito umaandar at tuluyan ng umalis. Naiwan akong hindi ko alam san ngaba ako pupunta, ayoko namang umuwe sa bahay na iyon. Dahil sigurado ibang pakiramdam nanaman ang mararamdaman ko.

Ilang minuto lang din at napagdisesyunan kong mag mall nalang, tutal may malapit na mall sa coffee shop na pinuntahan namin ni sienna.

"Kuya Isa nga pong strawberry ice cream"

"Okay po mam"

Kinuha ko kaagad ang wallet ko sa bag para kumuhaa ng pera pangbayad ng may magsalita sa tabi ko.

"You look familiar"

Kaagad akong sumulyap kung ako ba ang kinakausap nito, lumingon pako sa kaliwat kanan para siguraduhing may ibang tao ba na kausap ito.

"H-huh?"

Kabado akong napatingin sakanya. Shit! Mamaya magnanakaw to!

"Mam ito napo ang ice cream nyo"

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon