Chapter 1 (19th Day)

277 12 8
                                    

CHAPTER 1 (19th Day)

"Happy Birthday!" sabay-sabay nilang bati sa'kin. Lahat sila ay nakangiti pero bakas ang kalungkutan sa kanilang mga mata.

Ngumiti ako at tinignan sila isa-isa bago magsalita. "Bago ako umalis ng tuluyan, nais ko kayong pasamalatan. Sa maliit man o malaking tulong na naibigay niyo sa akin." Puno ng saya akong lumingon sa pwesto ni tito Mike. Ang nakakatandang kapatid ni mama at ang head trainer ko. "Tito Mike, maraming salamat sa pagtuturo sakin simula ng tayo ay nasa headquarters pa. Isa ka sa humulma sa akin, isa ka sa dahilan kung bakit kaya kong tumayo sa sarili kong paa ng hindi dumidepende sa iba."

Huminga ako ng malalim bago magsalitang muli. "Mylene Clarkson, ang tinuturing kong isang tunay na kapatid, isang tunay na ate. Ikaw ang karamay ko sa maraming bagay. Mula sa lungkot at saya. Salamat sa pagtuturo kung paano maging isang well matured woman. Maraming salamat sa pag-aalaga, pagiging secretary at sa pagiging kasangga ko."

"John Mark Delacruz, salamat sa pagiging isang mabuting trainer kahit na nung una ay akala ko niloloko nila ako. Ang lakas mo pala." nagsitawanan sila. "Pinatunayan mo sakin na wala sa kasarian ang pagiging malakas. Nakikipaglaban ka sakin ng buong lakas, walang limitasyon. Tinuruan mo akong ibigay ang lahat habang nakikipaglaban, tinuruan mo kong ienjoy lang ang lahat. Maraming salamat!"

Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ang pinaka magandang babae na nakilala ko sa buong buhay ko. "Ma... Salamat sa napaka halagang regalo na ibigay mo, iingatan ko ito, iingatan ko ang buhay na ipinagkaloob mo. Mahal na mahal kita ma. Kulang ang salitang salamat sa lahat ng isinakripisyo mo sa akin. Ma 'wag ka nang iiyak ulit ng dahil sa'kin ah? Hindi ako masasaktan. Mag-iingat ako palagi. Promise! "

Pabigat ng pabigat ang paghinga ko bago tignan ang huling tao na dumalo sa ika-labing siyam na kaarawan ko.

"Pa... salamat sa pagiging inspirasyon ko. Ikaw ang dahilan kung bakit pinipilit kong kayanin kahit hirap na hirap na ako. Ikaw nga kinaya mo, ako pa kaya?" napatawa ako sa inasta ko. "Salamat sa magiging isang mabuti at mapagmahal na ama. Sa mga pangaral mo sa akin. Sa mga words of wisdom mo. Mamimiss ko lahat 'yun, pa."

Nagpalakpakan silang lahat bago lumapit sakin. Nasa gitna si papa na hawak ang cake na mayroong labing siyam na kandila. Ito na ang huling kaarawan na kasama ko sila. Dapat masaya kami pero puno ng lungkot ang paligid. Despedida at kaarawan--dalawang okasyon sa iisang araw.

Lumapit sakin si tito Mike at yumakap. Palihim siyang bumulong sa akin. "Mag-iingat ka, Stella. Ngayon palang ay sinasabi ko na, mas magiging mahirap ang kakaharapin mo kaysa sa iyong ama."

Kahit nahihiwagaan ako sa sinabi niya ay at tumango lang ako.

Ilang minuto lang ay lumapit si JM. "Hindi ako mawawala sa tabi mo. Hinding hindi kita hahayaang mapahamak, tandaan mo 'yan."

I know you will, John Mark Dela Cruz.

Bumeso naman sa pisngi ko si Mylene. "Hindi ko na kailangan sabihing mag-ingat ka dahil naniniwala ako."

Salamat. Maraming salamat.

Dahan-dahang naglakad papalapit sa akin si mama.

Nakangiti habang lumuluha. Masaya na malungkot.

Umiiyak nanaman siya, ng dahil nanaman sakin.

Mahigpit siyang yumakap. Pinikit ko ang aking mga mata. "Aking prinsesa, aking anak, mag-iingat ka. Hinding-hindi ka mag-iisa, kasama mo ako sa lahat ng laban mo. Sumalungat man sa'yo ang lahat, nandito ako at handang maniwala sa'yo." bumitaw siya sa yakap namin. Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya.

Seeing her cry is like stabbing my heart with million knives. She is the most precious woman in the world. I love her, more than I love myself.

Lumapit saakin si papa. Purong ngiti ang pinakita niya sakin.

"Kayanin mo anak."

Short but sweet.

Napapikit ako at pinipilit na pigilan ang mainit na luha na lumabas sa mga mata ko.

"Kaya ko, pa." taas noong saad ko. Inihipan ko ang mga kandila ng cake. Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa dami ng kandila.

"Hindi ko na kailangan pang sabihin ang salitang paalam dahil alam kong magkikita-kita pa tayo."

Napabuga ako ng hangin bago kunin ang kopitang naglalaman ng wine na inabot sa akin ni tito Mike, alam kong meron itong kasamang pampatulog.

"Sweet dreams." I heard someone whispered before everything turned into black.

-*-

Nagising ako sa di pamilyar na lugar. Isang maliit na apartment. Maayos na ang mga gamit sa paligid. Maliit lang kumpara sa tahanan namin noon pero aanhin ko nga ba ang malaking apartment kung mag-isa lang akong nakatira?

Inayos ko ang aking sarili at tumayo. Binuksan ko ang isang cabinet, may mga lumang damit at isang... salamin.

Nakahanger rin sa loob ang dalawang pares ng uniform.

Eto na nga iyon...

Bukas mag-sisimula na ang panibagong kabanata ng buhay ko. Kailangan kong umakto na isang ordinaryong studyante para walang manghinala sa akin.

Madali lang naman eh.

Kung mag-iingat lang ako.

Sa galaw ko, sa sasabihin ko at sa mga taong pagkakatiwalaan ko.

Mahirap magtiwala dahil hindi lahat ng nasa paligid ko ay totoo.

Pero paano nga ba ako makikitungo sa ibang tao? Itinuro nila sakin lahat ng dapat kong gawin pero bakit ngayong nasa totoong eksena na ako ay nablablanko na ang isip ko?

Madali lang naman diba?

Papasok sa school,

Gagawa ng assignments,

Mag participate sa group performance,

At gumawa ng projects.

Madali lang naman talaga maging ordinaryong studyante eh, mahirap lang ang magpanggap.

Nakakatakot. Nakakakaba.

Myghaaaad.

Sana maging maayos ang takbo ng lahat.

Sana.

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon