Chapter 6 (Mike)
Gabi na ng maihatid ako ni Kaizer Wadstridge. Wala kaming kibuan sa buong byahe. Medyo malayo sa eskinita papunta sa apartment ko ako bumaba dahil ayokong malaman niya ang daan papunta sa'min. Pagkauwi ko ay may nakita akong isang pamilyar na kutsilyo na nakatarak sa pinto ng apartment ko. Tumingin muna ako sa paligid at nang nasigurado kong walang tao ay agad ko 'yong kinuha at pumasok sa loob.
Umupo ako sa sofa. "Ano nanaman ba ito?" bulong ko sa sarili. Tinignan ko ang kutsilyo at nandoon parin ang logo ng Librail na eagle.
Huminga ako ng malalim bago buksan ang sulat.
'Bea, I send you this letter because I know you have the rights to know what has been happening inside the Librail after you leave. Your uncle Mike.. He died in a car accident. I'm so sorry, Bea.
-Mom
-Librail Organization'Tuloy-tuloy na nagbagsakan ang mga luha ko. Napatulala ako sa hangin at hindi makapaniwala sa nabasa ko.
"H-hindi p-pwedeng ma-manyari 'to!!" Nalukot ko ang papel at napakagat sa labi habang pinipigilan ang pagtutubig ng mata ko.
Hindi.. Hindi pwede..
Pinipigilan ko ang malakas na paghikbi. Panay ang punas ko sa pisngi ko at panay ang kumbinsi ko sa sarili ko na.. Hindi ito totoo.
"Tito Mike, maraming salamat sa pagtuturo sakin simula ng tayo ay nasa headquarters pa. Isa ka sa humulma sa akin, isa ka sa dahilan kung bakit kaya kong tumayo sa sarili kong paa ng hindi dumidepende sa iba."
Napapikit ako at tuluyan nang umiyak. Biglang pumasok sa isip ko ang huling sinabi ko sa kan'ya. Hindi tinatanggap ng isip at hindi tinatanggap ng puso ko ang nabasa ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Gusto kong maglumpasay! Gusto kong magwala! Gusto kong sumigaw! Gusto ko silang puntahan! Gusto kong sabihin nila sa'kin na purong kasinungalingan lang ito! Pero.. Pero wala akong magagawa.
Wala akong kayang gawin.
Hanggang dito nalang ako.
Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para tanggapin ang nalaman ko. Buong buhay ko, nandyan siya. Buong buhay ko inalalayan niya ako.
"Mag-iingat ka, Stella. Ngayon palang ay sinasabi ko na, mas magiging mahirap ang kakaharapin mo kaysa sa iyong ama."Napahagulgol ako.
Anong ibig-sabihin ng sinabi mo tito Mike? Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo naman kami---ako iniwan kaagad? Ang unfair mo tito! Paano na si mama? Ano nalang ang mararamdaman nya na ang kaisa-isang kapatid niya ay iniwan siya?
Bakit naman ganito..
Hindi ko kaya tito..
Hindi ko kayang tanggapin..
Sobrang sakit..
Sobrang bigat sa pakiramdam..
Parang nawalan ako ng buhay..
"Ang sabi ko mag-kikita pa tayo pero bakit iniwan mo na agad ako..." humihikbing saad ko. Nahihirapan na rin akong huminga. 'Di magka-mayaw sa pagtulo ang mga luha ko.
Pero alam kong hindi nila ipapadala sa akin itong sulat kung hindi 'to totoo. Hindi matanggap ng buong sistema ko. Parang babagsak ang katawan ko. Iisipin ko pa lang na wala na siya.. Ay parang namatay na rin ako.

BINABASA MO ANG
Behind The Mask
Acción"Whoever be the next person Who'll get the desirable throne Must remain alive For its 20th year of existence As it is that persons fate To receive the throne that they waited The throne who'll serve as award For its sacrifice from the day of its bir...