CHAPTER 7 (Activity)
"Pwede bang papasukin niyo na ako?!" inis na usal ko sa clown duo. Nakaharang kasi sila pareho sa pinto ng room.
"Ang yabang mo!" ani Pinky.
Napakunot ang noo ko. "Wala naman akong ginagawa. Anong kinayabang ko?"
"Nakakairita ka! Akala mo ang galing galing mo?!" si Browny.
Ang aga-aga pinupuntirya ako ng dalawang 'to. Tsk! Sumilip ako sa loob. Wala pa ang Prof namin at may ilan ilan ding tao sa loob na wala namang pake sa nangyayari rito sa labas.
"Wala naman talaga akong ginagawa.. Bakit ba ang kulit niyo!?"
Nauubusan na talaga ako ng pasensya. Tch.
"'Yung pagsagot-sagot mo kay Ma'am kahapon, feeling mo ang galing mo!?" -Pinky
"Kung 'di ko ginawa 'yon baka pare-parehas tayong bagsak ngayon."
"At tingin mo may pake kami?!" si Pinky.
Oh, edi sana hindi kana lang nag-aral. Tsk.
Nakakapagod na ang ganitong set-up. Pinipilit ko na ngang hindi sila patulan pero sila 'tong gawa nang gawa ng paraan para patulan ko sila.
"Ano bang gusto niyong gawin ko para tumigil na kayo?" usal ko.
Namangha naman ang mga mukha nila at hindi makapaniwala. "Tumataas na talaga ang confidence netong babae na 'to." ani Pinky.
"Do ye want us to answer yer question?" bumalik nanaman ang balingong english ni Browny.
Napahinga ako ng malalim. Pagod pa ako.. Emotionally at physically.
Tumango ako sa kanila.
"Umalis ka sa school na 'to." seryosong usal ni Pinky.
"We don't want to see yer face hir!" -Browny.
Napahinga nanaman ako ng malalim.
"Kung 'yan ang gusto niyo, hindi ko kayo mapagbibigyan. Hindi ako aalis dito dahil sinabi niyo lang. Nag-aaral ako ng maayos at hindi ko na problema kung pinoproblema niyo ako."
"Pasagot sagot kana talaga hah?! Hoy baka nakalimutan mo na kami ang sumayaw ng daily exercise sa stage kahapon!! Kasalanan mo 'yon! Alam mo bang first time kong mapahiya ng ganun sa maraming tao?" Gigil na gigil na asik ni Pinky.
"Ano namang kinalaman ko diyan?" Sayang at hindi ko sila napanood kahapon. Naparusahan nga pala sila ng Prof namin sa P.E dahil nagreklamo sila pfftt.
"Dahil sa'yo kaya kami narinig!" -Pinky
"Kasalanan ko bang may tenga Sir at sobrang lakas ng boses niyo?"
Shet ayan nanaman 'yung namamangha nilang tingin.
"SUMASAGO-------"
Sasampalin na sana ako ni Pinky pero napahinto siya at napatitig sa likod ko.
"What are you two doing?"
BINABASA MO ANG
Behind The Mask
حركة (أكشن)"Whoever be the next person Who'll get the desirable throne Must remain alive For its 20th year of existence As it is that persons fate To receive the throne that they waited The throne who'll serve as award For its sacrifice from the day of its bir...