Chapter 5 (Dark Knight)
Idinilat ko ang mga mata ko dahil ramdam ko ang sakit ng katawan ko.. Mukhang napatagal ata ang pagkakaupo ko rito.
Kinusot-kusot ko ang mata ko at palinga lingang hinanap si Zach.. Wala siya sa drivers seat. Saan ba pumunta 'yun?
Nakahinto ang kotse dito sa mahaba at madilim na padiretsong kalsada. Walang tao at puro puno ang paligid.. Madilim-dilim na rin.
Dahan-dahan kong iginalaw ang ulo ko dahil parang may naipit na ugat. Mukhang napatagal yata ang pagkakatulog ko.. Sumasakit talaga ang leeg ko at ngalay pa. Siguraduhin niya lang na may magandang rason siya para dalhin ako dito. Tss
Mga ilang minuto lang ay pumasok siya ng kotse.
"Nasaan na tayo?" tanong ko.
Hindi niya ako pinansin at nakatuon lamang ang tingin sa hawak niyang brown envelope. Kunot-noo ko 'yong tinignan, ano kaya 'yun?
"Master?"
Ibinaling niya ang tingin sa'kin. Sobrang seryoso ng mukha niya. Di ko matagalan ang mga tingin niyang 'yon kaya tumingin nalang ako sa harap namin.
"Buti tinawag mo na akong master." may halong yabang pang saad nito.
"Wala rin namang patutunguhan kapag nakipag away pa ako sa'yo."
"Psh what happen? Iniwan lang kita dito nagkaganyan kana?" medyo sarkastiko pa ang tono nito.
"Pwede bang sagutin mo nalang ang tanong ko?"
"Anong tanong?"
Lutang ba 'to? Tss.
"Hindi ko alam kung pang ilang beses ko na 'tong tinanong sa'yo pero pwede bang sabihin mo na saakin kung nasaan na tayo?"
Madilim masyado sa labas at wala pang tao.. Malay ko ba kung anong nasa utak netong abno na'to?
"Wala pa tayo sa pupuntahan natin kaya di ko pa masasabi sa'yo."
Nagtataka ako tumingin sa kanya. "E bakit huminto pa tayo rito?"
"Psh." hindi na siya sumagot at inistart ang kotse at pinaandar.
Ayaw niya talagang sabihin.
"Siguro naman karapatan kong malaman kung nasaan tayo diba?"
"Siguro karapatan ko ring sabihing tumahimik ka kapag sinabi kong mamaya na diba?"
Napabuntong hininga ako. Sige na! Oo na! Bwisit.
Sinulyapan ko ng tingin ang envelope na hawak ng isa niyang kamay. Siguro ay dahil don.. Tss nakakacurious!
Habang tumatagal ay may nakita ako liwanag sa dulo ng dinadaanan namin. Sobrang dilim ng lugar kaya kitang kita agad ang liwanag na 'yun mula rito.
"Ano 'yun?" tanong ko.
"Bar."
"Bar?"
![](https://img.wattpad.com/cover/33715363-288-k241514.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind The Mask
Action"Whoever be the next person Who'll get the desirable throne Must remain alive For its 20th year of existence As it is that persons fate To receive the throne that they waited The throne who'll serve as award For its sacrifice from the day of its bir...