Chapter 9 (The Beginning)
Dumiretso ako sa susunod na klase ko. Good thing at hindi ko kaklase si Zach dito pati narin ang Clown Duo. Matiwasay akong nakapag-aral kahit na may bumabagabag parin sa akin.
Okay lang kaya sila?
Ano na kayang balita sa kanila?
Huminga ako ng malalim. Sana ay nasa maayos na sitwasyon na sila.
"Okay that's all for today. Goodbye class!" Tuluyan nang lumabas si Prof sa room. Matamlay akong tumayo at nag-ayos. Lunch break na. Baka nasa canteen na ang halimaw. Nasa akin pa naman ang card niya.
"Is it real?"
"Yes hindi nga halata sa itsura niya diba?"
"Akala mo matino may tinatago palang baho."
"Feeling niya naman papatulan siya ng isang Lim."
Napahinto ako nang marinig ko ang bulungang halatang pinaparinig sa akin. Hindi na ako kumibo at tuluyan nalang naglakad papunta sa canteen.
Inikot ko ang paningin ko. Wala pa ang halimaw. Pumila na ako at bumili ng makakain niya at makakain ko. Pagkatapos ay umupo ako sa gilid at inantay na dumating siya.
Halos sampung minuto ang inantay ko bago siya dumating. Nakatingin din sa kanya ang karamihan sa mga kababaihan na kumakain ngunit hindi niya alintana iyon.
Huminto siya sa gilid ng entrance ng canteen. Nakakunot ang noo niya at tila may hinahanap sa loob. Bakas mukha niya ang pagka-inis habang lilinga-linga sa paligid. Nang napagtanto niyang wala ang hinahanap niya ay pumila na siya para bumili ng pagkain.
Napabuga ako ng hangin.
Hindi niya siguro ako nakita.
Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa kinakatayuan niya.
Huminto ako sa likod niya. Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko bago magsalita. "Z-zach." Tawag ko sa kanya. Hindi siya humarap, siguro hindi niya narinig. I cleared my throat at mas nilakasan ko pa ang boses ko. "Zach bumili na ako ng pagkain mo."
Humarap siya sa akin. Nakakunot ang noo at seryoso ang kanyang mukha. "So?"
So? So lang ang sasabihin mo? Tss.
"Ang sinasabi ko lang, 'wag kanang bumili ng pagkain mo dahil masasayang lang yung binili ko." Pilit na paliwanag ko.
"Hindi ko kailangan niyan. Itapon mo kung gusto mo." Ngumiti pa siya ng nakakainsulto at tumalikod na sa akin.
"Ano bang problema mo? Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko!" Hindi parin siya sumasagot at nanatiling nakatalikod sa akin. "Zachary!"
Nalamukos ko ang mukha ko. Kapag ganitong masama ang pakiramdam ko ay ayokong nakikipagtalo, lalo na sa isip batang kagaya niya.
"I said call me as master, mahirap bang gawin 'yon? Psh." Nakatalikod parin siya sa akin. Kinalma ko ang sarili ko. May saltik talaga 'tong isang 'to kahit kailan!
BINABASA MO ANG
Behind The Mask
Acción"Whoever be the next person Who'll get the desirable throne Must remain alive For its 20th year of existence As it is that persons fate To receive the throne that they waited The throne who'll serve as award For its sacrifice from the day of its bir...