HAPPY MOTHERS DAY MA!

19 2 0
                                    

"HAPPY MOTHERS DAY MA!"

"Tol,  pengeng wax ah" napatango ako kay kuya bilang sagot sa kaniya, 

"Nga pala tol, anong regalo mo kay Ermat? Mothers day ngayon" dagdag pa niya kaya napasasadal ako sa sofa.

"May diabetes si Ermat kaya pass sa chocolate" sagot ko habang nakatingala sa kisame.

"Wag narin yung bulaklak, halos kada taon 'yan din ang binibigay natin sa kaniya" dagdag ko pa bago umayos ng upo,

"wag narin yung sulat,  paulit ulit lang naman yung sinusulat natin sa kaniya." sagot ko ulit,

Napakamot naman siya sa batok niya bago tumabi sa akin sa pag upo,

"Eh? Ano nga?" natatawang tanong niya,

Akmang magsasalita ako ng biglang mag ring ang cellphone ko,  kaya kaagad kong kinuha sa bulsa ko para sagutin.

"Oh?  Babe napatawag ka?" nagaalalang tanong ko,

"Pwede bang pumunta ka dito sa bahay ngayon" sagot niya kaya  napakunot noo ako,

"Ngayon na?" takang tanong ko,

"Oo,  please" sagot niya kaya napabuntong hininga ako.

"Ok kalang ba?" tanong ko ulit ramdam ko kasing kinakabahan siya,,

"Pumunta ka nalang kasi dito" napangiti ako dahil sa tono nang pananalita niya,  alam kong naiinis siya, halata namang hindi siya ok ngayon.  Pfft..

"Sige na. Love you" natatawang sagot ko bago siya babaan ng tawag.

Napatingin ako sa cellphone ko para malaman kung anong oras na alas nuebe palang ng umaga,

"Naks, siya parin" natatawang saad ni kuya habang nakatingin sa cellphone ko,  nakatingin siya sa wallpaper ng phone ko,

Wanna know who's my wallpaper? Well?  Girl friend ko lang naman for almost 5 years.

"Aalis muna ako, kailangan kong puntahan si Nicole" sambit ko bago tumayo,

"Ge" tipid na sagot niya bago tumango.

Nang makalabas ako ng kwarto ni hindi ko manlang nakita si Ermat tsaka si Erpat,  magpapa alam pa naman sana ako, 

Agad akong sumakay sa motor ko para puntahan ang girlfriend ko,

"Babe ba't nandito ka sa labas" tanong ko,  ng makarating ako, nakaupo kasi siya sa labas ng gate nila, 

Naglakad ako papunta sa kaniya,  nagulat nalang ako ng tumayo ito,  at mabilis akong niyakap, 

"May problema ba?" takang tanong ko bago sinuklay suklay ang buhok niya gamit ang kamay ko,

"Alexa Nicole Puentivilla" ma awtoridad na sambit ko sa buong pangalan niya,  kaya napatingin siya sa akin, 

Kinuha niya ang kanang kamay ko at nilagay sa tiyan niya,

Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya
matapos niyang gawin 'yon

"Bakit?  Masakit tiyan mo?"  nag aalalang tanong ko,

Umiling naman siya bago kinuha ang kaliwang kamay ko at linagay ulit sa tiyan niya.

"Babe naman,  kung natatae ka pwede mo namang sabihin sa'kin eh" natatawang sagot ko kaya mabilis niya akong hinampas

"Buntis ako!" sigaw niya,

"'yun naman pala eh,  Te--teka ano?!" huli na nang ma realize ko kung ano ang sinabi niya, 

ONE SHOT STORIES [COMPILATION]Where stories live. Discover now