HULOG

7 0 0
                                    

"Julia, may bweseta ka" kailan ba titino ang bunganga ng lalaking 'to.

"Che! Papasukin mo nga ako" inalis ko ang kamay niyang nakaharang sa pintuan para makapasok sa loob ng bahay nila.

"May pagkain kabang dala?" Kunot noo akong humarap sa kaniya matapos niya akong tanungin, anong akala niya sa akin?

"Mukha ba akong supplier ng pagkain?" Sagot ko na talagang ikinatawa niya.

"At bakit?  Mukha ba kaming bahay ampunan dito?" Pambabara niya kaya namaywang na ako, palagi nalang talagang ganito.

"Ahh ganun? Hindi ako na inform, pati pala bahay ampunan, nag aalaga narin ng asong kalye, ano?" Inis na sagot ko.

"Kuya, tigilan mo na si Lyka"  pag aawat ni Julia ng makita niyang sasagot pa si Zack sa akin.

"Bleeee" kaagad akong nag tongue out sa kaniya ng pikon siyang tumingin sa akin

"Panget" sigaw niya ng makalayo siya sa amin.

"Hayaan muna si Kuya, talagang kulang lang sa pansin 'yan. Hindi 'ata na kukumpleto araw niyan kapag hindi ka niya pinagtitripan" ani ni Julia na natatawa bago tuluyang umupo sa sofa.

" Nasanay na'ko, nga pala dala ko 'yung librong binabasa mo sa bahay" natatawang sagot ko sa kaniya bago buksan ang bag ko.

"Wahhh! Talaga?! Owemm! Nasa Chapter nine na'ko" kinikilig na inagaw niya sa akin ang librong hawak ko at kaagad na umupo sa sofa nila.

Napailing nalang ako habang nakatingin sa kaniya,bago tuluyang umupo.

Mukhang hindi 'ata matatapos ang project namin ngayon.

"Solar system" mabilis akong napalingon ng biglang may nagbasa sa ginagawa kong book cover.

"Seriously? Pffft. Project niyo talaga 'yan? Solar system? Pang elementary" pairap kong binalik ang tingin sa ginagawa kong book cover.

Pinagawa ng teacher namin 'to sa earth science subject namin, parang pop-up book siya, isasama daw to sa idi-display for upcoming exhibit.

"Paki mo? Umalis ka nga Zack, para kang bubuyog"

"So, ikaw pa yung may ganang paalisin ako, eh bahay ko'to" malditong sagot niya kaya tumahimik na'ko.

Ang isang kagaya niya dapat hindi pinapansin.

"Zack ano ba! Ibalik mo nga 'yang papel para kang bata!"
Tatanda 'ata akong dalaga dahil sa lalaking 'to.

"Haha, panget mo na nga, pandak kapa!" Napairap akong kinuha sa kaniya ang papel.

"Lyka nandito ka pala" mabilis akong napatingin ng mapansin ko si Tita,

"Opo Tita, gumagawa kasi kami ni Julia ng Pop-up book." Nakangiting sagot ko.

" Baka ikaw lang ang gumagawa? Pansin ko kanina pa iyan nag babasa sa libro! At ikaw Zack?! Anong ginagawa mo kay Lyka akala mo hindi ko naririnig ang mga pinagsasabi mo sa kaniya! Ikaw kaya------"

"Ma naman eh, shatap na Ma, bukas pa sunday, walang misa ngayon." Natatawa ako dahil pilyo parin kung sumagot ito kay tita.

"Anong shatap shatap ka diyan!? Tigil tigilan mo akong bata ka ah!"

" Lyka naku mabuti pa, mag meryenda ka muna. Halika samahan mo'ko sa kusina."

" Opo" sumunod ako kay Tita, pero bago 'yun lumingon ako kay Zack at mabilis siyang binilatan. Buti nga sa kaniya.

"pasensiyahan mona 'yang si Zack. Napaka pilyo talaga 'yan kahit kailan"

"Okay lang po sanay na ako."

"Oh sige, dito ka muna ah. Kainin mo muna itong cheesecake na gawa ko. Punta lang akong garden" pagpapaalam niya kaya napangiti ako.

"Okay po, thank you po sa meryenda"

Ang sarap nitong cheesecake ni Tita, I couldn't deny na magaling talaga si Tita Susan mag bake ng cakes.

Nasa kalagit naan na ako ng pagkain when I felt someone leaning towards me. As I look backward, the distance between our face is about two inches.

I gulped while having an eye to eye contact with him.
Mabilis akong umatras, hindi ko siya kayang titigan ng matagal.

"Anong ginagawa mo rito?" Diretsong tanong ko, then he smiled at talagang mas lumapit pa siya sa akin.

"Someone texted you" inis na sagot niya.

"Sino?" Takang tanong ko

"Hindi mo sinabi sakin nag cha-chat pala si Kyle sa'yo" napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Si Kyle kasi ay kaibigan niya.

"Paki mo, at bakit ba nangingi alam ka ng cellphone, akin na nga 'yan!" Inis na sagot ko at kinuha sa kaniya ang phone ko.

I was about  to pass him but I accidentally stepped on my slippers with one foot, which is why I almost fell. But fortunately this asshole caught me.

"Careful" malambing na giit niya. Wow for the first time and forever ha!

"Kaya ayaw kong mahulog sayo eh, baka hindi mo'ko saluhin" ano ba 'yong sinabi ko? Hindi 'yan yung ibig kong sabihin!

"Paano kita sasaluhin kung pati ako nahulog narin" anu raw?

Loading... Buffering.... Error...

Sige wattpad pa!

-Aevillla ❣️

ONE SHOT STORIES [COMPILATION]Where stories live. Discover now