KUYA JAMES PA ACCEPT NG FRIEND REQUEST KO

6 0 0
                                    

KUYA JAMES PA ACCEPT NG FRIEND REQUEST KO

"I confess to almighty God and to you, my brothers and sisters, that I have greatly sinned, in my thoughts and in my words, in what I have done and in what I have failed to do,
through my fault, through my fault, through my most grievous fault; therefore I ask blessed Mary ever-Virgin,
all the Angels and Saints, and you, my brothers and sisters,
to pray for me to the Lord our God. " Nasa penitential act A na si Father at kakapasok palang namin sa simbahan ng kaibigan kong si Shane. Kaagad akong nag genuflect nang makahanap na kami ng upuan.

Kilala ko ang paring nagmimisisa ngayon dahil nag aaral ako sa isang catholic school and as a student who live in dormitory inside the campus, parati akong nag sisimba at ito ngang si Father Marvin ang nagmimisa.

Gusto kong makita ang mukha ni Father Marvin pero ito nga't may nakaharang sa harapan ko. Naka white polo shirt and denim jeans ang suot niya. Ba't parang na a-attract ako?

"Parang ang pogi ng guy na nasa harapan mo ah?" Mukhang napansin din ni Shane kaya kinikilig na tumingin ako sa kaniya.

Bukod sa pakikinig sa sermon ni Father, suma-sideline rin ako sa paghuhunting ng poging nagsisimba.

"Lord Jesus Christ, who said to your Apostles: Peace I leave you, my peace I give you, look not on our sins, but on the faith of your Church, and graciously grant her peace and unity in accordance with your will." Hindi ko namalayan malapit na palang matapos si Father. I was occupied with the guy who's in front of me.

"The peace of the Lord be with you always."

"And with your spirit."

"Peace be with you"

"Peace be with you"

"Peace be with you"

I was waiting for him to look back so I could give him the sign of peace, pero wala! Deadma ang lalaking 'to.

Mabuti pa ang babaeng katabi niya bumati pa sa akin. Baka Mama niya 'ata ito.

He's damn serious, kahit ba peace be with you sa Mama niya wala?

"Ang snobber naman lang lalaking 'yan!"

**
3 weeks na akong nagsisimba at hindi ako makapaniwalang parati siyang malapit sa pwesto ko.

Is this destiny?

"Infairness present na naman 'yong gwapong lalaki" kinikilig na sambit ni Shane kaya ngiting hanggang tainga ako ng humarap sa kaniya.

"Badoño" wala sa sariling mitlang ko sa apilyedo niya. White shirt nga ang suot niya at lastname niya siguro ang nakasulat sa likuran nito.

"Go in peace for the mass is ended" Giit ni Father

"Diretso kana ba sa bahay niyo?" Tanong ni shane kaya tumango ako.

"Oo, may family reunion sa bahay eh" sagot ko sa kaniya

"James anak, diretso na tayo sa bahay ng Tito Philip mo ah,"

James pala ang pangalan niya? At tama ako mama niya nga ang palagi niyang katabi.

"Sige, Shane una na ako sa'yo ah" pamamaalam ko ng makalabas ako ng simbahan sakto namang may mga tricycle na sa labas.

"Sige ingat ka" ngumiti ako sa kaniya bago sumakay.

"Sa Aevillla po manong" giit ko kay manong driver at kinuha ang phone sa bag ko.

"James Badoño" sambit ko habang nag t-type. Hinahanap  ko kasi  siya sa FB.

Napangiti nalang ako ng makita ang mukha niya dahil sa profile picture nito, kaagad ko siyang i-nadd friend, wala rin akong ibang makita tungkol sa kaniya dahil naka locked ang profile niya.

"KUYA JAMES PA ACCEPT NG FRIEND REQUEST KO 🙃" Kahit ako mismo napapangiti nalang dahil sa p-nost ko.

Wala pang one minute, sampo na kaagad ang nag react at puro tumatawang emoji. Busiiittt!

"Pumapag ibig kana girl?"

"Hala, sumbong kita kay Sister"

"Masasaktan kalang"

Halos lahat nang nag comment ay mga kaklase at school mate ko.

Natawa nalang ako bago binalik sa bag ang dala kong  cellphone.

"Para po manong" giit ko at binagay ang bayad sa kaniya.

Naglalakad na ako papuntang bahay at bukas na ang gate namin, marami naring sasakyan sa loob.

"Vea, anak nandito kana pala" ngumiti ako ng marinig ang boses ni papa.

"Halika rito ipapakilala kita sa mga pamilya natin"

"Hello po" kaagad akong bumati ng makalapit ako sa kanila.

"Ito 2nd degree cousin ko anak, siya si Janet at ito  ang anak niyang si James, your third degree cousin. Wala ang papa niya rito kaya silang dalawa lang ang pumunta, pumasok tayo muna tayo sa loob para maipapakilala na kita."

Sa dinamirami ng sinabi ni Papa, second degree at third degree cousin lang ang pumasok sa isipan ko.

"Kamusta ka Ija? Kaya pala ang familiar ng mukha mo dahil anak ka pala nitong si Philip. Parati kasi kitang nakikita sa simbahan" kung ganun napapansin niya rin pala ako? No wonder why he mentioned Dad name earlier, because it's truly her cousin.

"Hi Coz" bati nitong si James.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko kaya ngumiti ako sa kanila.

Si James? Eh ito 'yong lalaking gwapong snobber sa simbahan. Kung ganun Third degree cousin ko siya?

"Sige pumasok muna tayo sa loob, kakarating niyo rin lang eh. Anak sumunod ka nalang" wala sa sarili akong tumango sa sinabi ni Papa at sinundan sila ng paningin ko habang papaalis.

Kapagkuwan ay mabilis kong kinuha ang phone ko sa bag matapos nitong tumunog.

At galing sa Facebook yung notification

:James Badoño accepted your friend request
:James Badoño reacted to your post
:James Badoño  commented on your post

"Okay Kuzin 😆"  literal akong napatakip ng bibig matapos makita ang laman ng notification ko at basahin ang comment niya sa recent post kong
"KUYA JAMES PA ACCEPT NG FRIEND REQUEST KO 🙃"

Jusko! Sana naman hindi niya pansinin ang comments ng mga kaklase ko. 😭
Patay ka talaga Vea! 😭

****
Errors ahead sorry for that.
Follow, votes and comments are highly appreciated ❣️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIES [COMPILATION]Where stories live. Discover now