ATARA MENDEZ

8 0 0
                                    

"Ma si Ate oh!  Hindi pa naliligo" masama kong tinignan ang ugok kong kapatid matapos niya akong isumbong kay Mama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ma si Ate oh!  Hindi pa naliligo" masama kong tinignan ang ugok kong kapatid matapos niya akong isumbong kay Mama.

"Palagi ka nalang magdamag na nakatutok sa cellphone mo na 'yan ha!  Akala mo hindi ko napapansin? Sinong pinagkaka abalahan mo riyan?" kaagad kong binaba ang cellphone ko ng silipin ni Mama.

"Wala ah" sagot ko bago tumayo maliligo nalang ako.

Gumawa kasi ako ng dummy account.
Sa kadahilanang gusto kong i-chat si crush.
Kung real account ko kasi mahirap na baka magka roon pa ng world war three!!!

Sa katunayan nga dalawang araw palang ang nakalipas simula nang gawin ko ito.

Dapat pala matagal ko ng ginawa 'to eh!  Tsk!  Tsk!

"Good morning!" napangiti ako kahit ganito lang ang chat niya sa akin,,

"Good morning too!" reply ko sa kaniya,

"Ma si Ate oh!  Hindi parin naliligo" inis kong tinignan ang ugok kong kapatid bago tuluyang pumasok ng banyo.

Wala na talagang ginawa kundi isumbong ako kay Mama eh!

*****

"Bye Ma!" sambit ko bago humalik sa pisngi niya,

"Ingat kayo" ngumiti lang ako bago kinaladkad palabas ng bahay si Robin.

Saktong kakalabas lang namin ng gate ng may dumaang jeep kaya sumakay kami

"Sa Ebmnhs po, dalawa studyante " sambit ko bago binigay sa driver ang barya.

Kung tutuusin,  five minutes lang ang lalakarin namin papuntang school pero dahil gusto kong mag aksaya ng pamasahe at makakita ng gwapong pasahero kaya dito nalang sa jeep.

"Ate, Si Kuya Kaizer oh"  napatingin ako sa kamay ni Robin matapos niyang ituro  si Kaizer, naka khaki pants ito at naka white T-shirt habang nakasampay pa sa balikat  ang polo niya,  tumatakbo ito palapit sa akin, este sa jeep na sinasakyan namin. Abala pa kasi sa pagtawag ng pasahero ang kundoktor,

Napakagat labi ako ng tumabi siya sa akin sa pag upo,  ang gwapo niya talaga!  Lalong lalo na sa tuwing tumatama ang bangs niya sa noo nito.

Tapos yung kanang tainga niya may hikaw na itim,  yung parang magnet.  Tapos kapag ngumiti siya parang matutunaw ka,  wahhhh.  Joke

"Alam ko namang gwapong gwapo ka sa akin Nigel, pero please lang itikum mo 'yang bibig mo,  baka may pumasok na langaw" insulto niya kaya mabilis ko siyang inirapan,  g*go talaga 'to! 

"Kuya!" pagtawag ni Robin sa kaniya,  pshh,,,

"Oh?  Andiyan ka pala,  hindi kita napansin ang kapal kasi ng pagnanasa ng ate mo sa akin kaya natabunan ka na riyan" sagot niya kaya masama ko siyang tinignan.

Pa'no kasi napapagitnaan nila akong dalawa!

"Hoy! KAPAL MO!  Excuse me ha!  Ikaw kaya 'tong lakas maka GGSS!"  sigaw ko bago siya tuluyang talikuran,  bw*set na'to!

ONE SHOT STORIES [COMPILATION]Where stories live. Discover now