Aurelia Winter
One of the reasons why I went to that place is to calm myself and have a presence of mind from all of the stress. But I guess I got the opposite one.
Hindi ako nakatulog noong gabing iyon at minsa'y natatakot sa tuwing naaalala ang painting.
Standing straight with confidence, together with my co-nurses and collegues, nasa harap namin ang Head Nurse na may importante raw na sasabihin.
She smiled at us, but I sensed that it was fake. Tumingin siya sa amin isa-isa pero nang dumapo ang mata niya sa akin, huminto siya. My brows creased, not knowing what is happening.
"I have bad news," she started. I froze in instant, not liking the atmosphere as of the moment.
"As long as I don't want to do this, pero ito ang utos galing sa taas. Kailangan nang magbawas ng tauhan at kayong dalawa ni Nurse Rodriguez ang kailangang magpaalam," sabi niya sa akin.
I gulped, trying to understand what she said. Hindi ako nakapagsalita at hindi pa nagsi-sink in sa akin ang mga nalalaman. Ako? Matatanggal sa trabaho?
Pero bakit kaming dalawa ni Nurse Rodriguez?!
"P-pero po–" naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang reklamo ni Nurse Rodriguez. I glanced at her and she was already crying silently.
"What did I do wrong? Bakit kami pa ni Aurelia?! Maayos naman ang pagta-trabaho namin at wala naman kaming na-violate na kung ano. We are doing our best to do our jobs here pero bakit po ganito?! Isn't it unfair?" Siya na ang nagsabi lahat ng gusto kong sabihin. Nanghihina ako at parang gusto ko ring maiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili.
"Well, sorry Nurse Rodriguez pero hindi ako ang nagdesisyon nito," sagot niya.
"But what is the main reason why is this happening po? Please enlighten us. Hindi naman po pwedeng aalisan niyo kami ng trabaho nang walang dahilan." My voice was shivering.
"Masyado nang marami ang staff ng hospital at hindi na kayang pasahuran lahat. The higher ups was the one who made the decision kaya sana huwag niyong ibunton sa akin ang inyong mga galit. I was also saddened by this news. Hindi rin ako natuwa at kung ako lang sana ang masusunod, hindi ko kayo tatanggalin," she explained.
Iyon na iyon?! Ganon na lang matatapos ang trabaho ko? Napahilamos ako ng mukha at pilit inaayos ang isipan. Dumalo sa amin ni Nurse Rodriguez ang mga katrabaho namin. Inalo nila kami at nagso-sorry kahit wala naman silang ginagawang masama.
Sabi sa amin ay hanggang Friday na lang ang trabaho namin. Okay fine! Maghahanap na lang ako ng ibang mapapasukan.
My brother is a scholar so I don't have to pay his tuition. Also, my parents have their small business at home to provide for their needs. Minsan nagbibigay ako sa kanila ng pera pero tinatanggihan nila.
"Itago mo na lang iyan, Aurelia. May panggatastos naman kami rito." Naalala ko ang mga eksatong salitang binitawan ni Mommy sa akin.
I suddenly remembered the painting. Hindi pa rin ako napapanatag hangga't hindi ko nalalaman ang misteryo sa likod ng portrait na iyon.
Kung sino man ang napinta no'n ay parang kilalang-kilala ako. Mula sa labi, mata, kilay, at ilong ay kuhang-kuha ang bawat detalye ng aking mukha.
Lalaki ba siya? O babae? I've been wanting to know who in the world painted me. Nakakatakot man isipin dahil baka kung ano ang intensyon ng taong iyon sa akin, mas mabuti pa ring malaman ko ang katotohanan ngayon.
BINABASA MO ANG
Admiring Winter (Seasons of Love Series #1)
General Fiction1ST INSTALLMENT | ON-GOING What would you do if one day, you suddenly saw a girl in a painting that looks exactly the same as you?