Aurelia Winter
My first day of work here in Flicks Art Gallery finally started today. I am very happy since they gave me a warm welcome. Mababait sila sa akin at siyempre dapat ganoon din ako sa kanila.
"Ano gusto mong itawag namin sa 'yo? Ang haba naman kasi ng pangalan mo," sabi ni Miss Olivia, ang Associate Curator nitong art gallery na pinasukan ko.
"Kahit Lia na lang po." I smiled at her. She looks so nice and I like her personality.
Bago pa lang ako kaya hindi niya muna ako pinag-trabaho. Isa sa mga empleyado roon ang nag-tour sa akin sa buong building. It is composed of 4 floors and each of them has its own function.
Hindi ko maipagkakailang malaki nga at sikat itong napasukan kong kompanya dahil dinarayo pa raw ito ng mga dayuhan galing ibang bansa.
Itinuro niya na rin sa akin ang mga dapat kong gawin na trabaho. I was assigned at the PR and Communications department located at the 4th floor and as Frenna described to me what work will I do, I was surprised.
Akala ko kasi ang magiging trabaho ko lang ay ang pag-manage ng social media accounts and such. But Frenna said that I will also be in charge of networking with the art collectors and artists. Ibig sabihin no'n ay may chance akong makita ang taong nagpinta sa akin.
"Lia! Lia!" Tumatakbong sabi ni Frenna habang may hawak siyang puting folder. Bigla naman akong napatingin sa kaniya.
She glanced at the folder and then to me. Paulit-ulit niya iyon na ginawa kaya naguguluhan ako sa mga kilos niya.
"Bakit ganiyan ang mukha mo, Frenna?" I asked her. Para kasing pinagsakluban ng langit at lupa ang reaksyon niya. May nangyari ba na hindi ko alam?
"Ikaw ba ito?" She handed me the folder she's holding. Medyo nagulat ako pero hindi iyon gaanong nagtagal.
She showed me the artwork, Admiring Winter. Kung hindi siguro alam ng mga tao na isa itong painting, baka akalain nilang picture ko iyon.
Hindi ako umimik at ngumiti lamang. Ilang beses niya pa akong tinanong pero hindi ko siya sinagot. Hindi naman sa pabebe ako. Ayaw ko lang mag-assume at ipagkalat sa lahat na ako talaga iyong nasa painting.
"Lia..." saad niya na parang nawawala na ang pasensiya pero natawa lang ako. Para kasing katapusan na ng mundo kung makapag-react siya.
"Frenna..." panggagaya ko sa tono ng boses niya.
"Lia! Ano ka ba! Alam mo bang isang Miranda ang nagpinta ng portrait na ito?" Umawang ang labi niya matapos sabihin iyon na tila dapat kong pahalagahan ang sinasabi niya. Na tila isang ma-impluensiyang tao ang tinutukoy niya.
Kumunot ang noo ko. "Miranda?"
I wondered. Sino 'yon? Miranda... It is my first time hearing that name, or surname perhaps?
Napalingon ako sa bracelet na suot. It was what Veles gave to me when we were young. I admit that I was praying so hard earlier, hoping that he was the one who painted my portrait.
Bumuntong hininga siya at lumunok. Kitang-kita ko ang pagkadismaya niya dahil hindi ko kilala ang tinutukoy niya.
"Naku, Lia! Hindi mo alam kung gaano ka ka-swerte! The Mirandas are popular for their artworks which involve paintings. Since 1980s, their family was already known for having a great contribution in this industry we're at," she said and pointed at me.
BINABASA MO ANG
Admiring Winter (Seasons of Love Series #1)
General Fiction1ST INSTALLMENT | ON-GOING What would you do if one day, you suddenly saw a girl in a painting that looks exactly the same as you?