Aurelia Winter
Nanlabo na lang bigla ang paningin ko. I can't help myself but have watery eyes. Pinunasan ko rin iyon gamit ang panyo at sinabi sa sariling huwag umiyak lalo na't maraming tao sa paligid. I started sweating when our eyes met earlier. Nervousness wrapped my existence when he looked away.
Binalik niya ang mata sa media at kumaway sa mga camera na kinukuhanan siya ng mga video at litrato.
Pagkatapos ng ilang mga segundo ay lumakad siya papalapit sa podium na nasa gitna. Nagsimula na ring magtaas ng mga kamay ang tao sa media.
"Please bear in mind that Mr. Miranda will not be answering personal questions. Please respect his privacy. We are all gathered here not to talk about his life, but to know deeper about his passion for art. Thank you," pagpapaliwanag ng emcee.
Hindi ko na naintindihan ang mga kasunod na sinabi niya dahil naka-focus lang ako kay Veles. Sabi nga ni Frenna, his family hid him for reasons at ngayon lang ulit siya nakalabas.
Wala akong maalala matapos ang nangyari sa panaginip ko. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi ko na siya nakita ulit? I badly want to talk to him.
I loved how he answered the questions with boldness. Hindi makikita sa kaniya ang takot at kaba. The way he stand and talk screams confidence.
"When did you start painting?" One of the media asked.
Tumikhim muna si Veles bago sagutin iyon. "I started painting when I was 12 but before that, drawing was my kind of hobby."
I smiled. Alalang-alala ko pa kung paano niya ako iginuhit dati. Parang ang sarap tuloy balikan ulit ang mga panahong iyon. Mga bata pa kami at walang kamuwang-muwang sa ginagalawang mundo.
"Growing up from a family of artists, are you pressured to continue the legacy? Do you think your excellence is enough for that?"
Veles didn't think twice to answer the query. "I am not pressured at all and I believe in my skills." Tumango-tango siya.
After asking him several questions about his love for painting, ito na ang pinakahinihintay kong tanong.
"Can you tell us what or who inspired you to paint Admiring Winter? Does that person even exist?" Ang tanong na iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong mabalisa.
He smiled when he heard that question. Buong akala ko ay titingin siya ulit sa akin pero hindi iyon nangyari.
"Yes, she exists. Winter was..." Huminto siya sa pagsasalita. Kahit nasa malayo ako ay nakita ko kung paano siya lumunok at tumingin sa akin.
"And still my childhood sweetheart," aniya habang nakatitig sa akin at ngumiti ng matamis.
I bit my lower lip while looking also at him, preventing myself to smile. He was indeed my childhood sweetheart. Hindi ko maipagkakaila na may nararamdaman akong kakaiba para sa kaniya, sa tuwing napapanaginipan ko siya.
Siniko ako ni Frenna at nang bumaling ako sa pwesto niya, ang mukha niya ay animoy kinikilig sa pahayag ni Veles.
"Childhood sweetheart pala, ah..." Olivia whispered to me. Tumawa lang ako at hindi na nakipag-usap sa kanila dahil nakatutok ako kay Veles.
Mga ilan pang tanong ang ibinato ng media sa kaniya pero ang sabi ng emcee ay iyon na ang last question na kaya niyang i-entertain. Nagulat ako dahil parang sandali lang ang exposure niya rito.
"That is all for today and we would like to thank everyone's presence here. We are beyond grateful for allotting your time to join us for today's press conference. Pasensiya na po kung hindi nasagot lahat ng tanong niyo. Mister Miranda will be attending a very important matter after this, so I hope all of you will understand that. Maraming salamat po," sabi niya at saka lumapit kay Veles.
BINABASA MO ANG
Admiring Winter (Seasons of Love Series #1)
General Fiction1ST INSTALLMENT | ON-GOING What would you do if one day, you suddenly saw a girl in a painting that looks exactly the same as you?