06

50 6 0
                                    

Aurelia Winter

"Ano bang ginagawa mo rito? Wala ka bang pasok ngayon?" I asked my brother. Naka-upo siya sa harap ko habang katabi si Keiran na prente lang na nakatingin sa akin. I rolled my eyes at him and just glanced back at my brother.

My brother swallowed hard and bowed his head. Umiling siya kaya nalaman ko kaagad na wala na nga siyang pasok ngayon. It's past four so I understand.

"Akin na phone mo," mahinahon kong sabi. Binigay naman niya agad sa akin kaya hindi na ako nagsalita pa.

Hinanap ko sa phone niya iyong video kung saan sumisigaw ako at tumatalon. I deleted it because I don't want him making fun of me. Pero hindi pa rin ako kuntento roon. Hinanap ko ang folder niya na may nakalagay na recently deleted at binura ulit iyong video.

Naninigurado lang naman ako.

I smiled when I'm finished using his phone. I'm not mad anymore so I returned it to him immediately.

"Kumain na ba kayo ng miryenda?" tanong ko para sa kanilang dalawa. They both looked at each other. In just a few seconds, they both shook their head.

Kinuha ko ang binili kong pagkain mula sa fastfood kanina at ipinakita sa kanila. Marcus clapped like a kid while Keiran just remained there sitting with no emotion. Baka hindi pa siya gutom.

I shrugged and went to the kitchen to prepare the food. Nagtimpla na rin ako ng juice para may panulak. Tinawag ko silang dalawa para pagsaluhan ang nabiling pagkain.

"Alam mo ate, ang galing pala ni kuya Keiran maglaro ng PS5! Tinuruan niya nga ako kanina, e." Sumubo si Marcus ng burger habang nagku-kwento.

"Talaga ba?" sabi ko at bumaling kay Keiran.

He raised a brow like he's saying that what my brother is saying is true. PS5? Nagtaka ako dahil paano nagkaroon ng ganoon dito sa apartment ko? Hindi nga ako naglalaro ng mga ganoon?

"Teka, saan niyo nakuha 'yang PS5?" I interrogated them.

Biglang tinuro ng kapatid ko si Keiran. Nagtaas din naman siya ng kamay tila inaako na sa kaniya nga iyon.

"It was mine, actually..." sagot naman ni Keiran.

I can't help but to think that this man is kinda weird. Sabi ni Tita Sylvie, galing siya ng probinsiya. Pero bakit parang iba ang pinapakita niya?

Ang lakas niya kasing maka-english sa akin. Tapos ngayon may PS5 siya. Ang mahal kaya no'n! Saan niya naman nakuha ang pera pambili no'n? E wala nga siyang trabaho.

Kung sana ang pinambili niya ng PS5 ay pinag-upa niya ng lang ng maliit na studio, e 'di sana hindi siya nakikisiksik dito sa apartment ko!

While eating they were talking like they've known each other for years. Parang nakakagulat naman.

"Aba! Kailan pa kayo naging close?" I asked in curiosity.

"Ngayon lang, ate. Ang bait nga ni Kuya Keiran sa akin."

Wow! E bakit sa akin masungit siya?

Natapos kaming kumain. I was about to do the dishes but Keiran said he'll take over.

"Ako na..." he whispered behind my back. It sent shivers down to my spine because he was so close to me!

Nasa tapat na ako ng lababo pero bigla na lang siyang lumitaw sa likod ko. Napakurap ako saglit. Tinulak ko siya ng kaunti kaya nagkaroon ng distansiya sa amin.

"S-sige," I said meaningfully.

Bumalik ako sa sala at pinatay ang TV. Marcus was lying down on the sofa and when he saw me, he got up.

Admiring Winter (Seasons of Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon