S1 Ch 1: My life as Lauren

3 1 0
                                    

Luanne's POV

"Nabasa mo na 'yung new chapter ng "The Four Knights"?"
"Oo. Hanep! Naiiyak ako para kay Eveze. Nagkasecond lead syndrome na naman ako."
"Basta ako okay lang sa akin kahit sinong makatuluyan ni Cams. Basta akin si Akie."

Halos araw-araw na lang, iyan ang pinag-uusapan nila. Minsan napapaisip na lang ako kung anong meron sa kwentong iyan. Base sa mga naririnig ko, parang katulad lang din siya sa ibang kwentong naririnig ko.

Di ako nagbabasa ng novel pero kadalasan ang kwentong naririnig ko ay nakaaway nila yung babae. Tapos magkakaroon sila ng interest dito dahil naiiba 'to sa lahat ng babae. Yung babaeng din na 'yun ang magpapabago sa lalaki.

"Nabibitter ka na naman noh?" tanong ni Jessica na seatmate ko.

"Di ako bitter. Naiirita lang dahil araw-araw na lang 'yan yung kinukwento nila. Hindi ba nila naiisip na pwede silang makaspoil ng tao dito?" irita kong sabi.

"Aba! Aba! Ibig sabihin ba niyan, interesado kang basahin kaya ayaw mo ng spoiler?" gulat niyang sabi.

"Jes, kailan pa ba ako nagkainterest na magbasa ng novel?"

"Abay malay ko kung nagbago ka na at naisipan mong enjoyin ang buhay mo. Hindi yung palaging nakamudmod 'yang mukha mo sa aklat mo."

Hindi naman ako matalino pero tinatry ko ang best ko para naging proud ang magulang ko sa akin. Pero may top pa rin naman ako dahil na rin siguro sa pagtiyatiyaga ko. Mga top 8-9 ang lagi kong nakukuha.

"Pwes ngayon alam mo na."

"Lu, hindi ka ba natatamad sa ginagawa mo? Akin na cellphone mo."

"Ano na namang gagawin mo?"

"Basta akin na. Nasaan ba? Sa bag mo? Kukuhanin ko ha," sabi niya sabay halungkat sa bag ko.

"Kung ano-ano na namang naisipan mong gawin."

Sinimulan niya nang nagsipindot sa cellphone ko. Alam niya password ko dahil 'yun naman lagi ang password ko sa kahit anong account o gadget ko.

"Ayan! Say "thank you Jessica"," sabi niya sabay balik ng cellphone ko.

"Ano na naman ginawa mo?"

"Relax! For sure papasalamatan mo ko. Tsaka data ko ginamit ko sa pagdownload ng wattpad ha. Don't worry alam kong gusto mo yung The Four Knights kaya inadd ko na. You're welcome," sabi niya sabay wink.

"Good news! Wala si maaaam," sigaw ng kaklase kong si Frank, The bell.

"Yeheyyyyyy!" Parang mga bilanggong nakawala naman sa kulungan na nagsisigawan ang mga kaklase ko.

Pumunta naman sa harapan namin ang president namin. Kung magkakacrush ako siya ang magiging crush ko. May itsura na nga, matalino at matino pa kung ikukumpara mo naman sa ibang mga kaklase ko.

Ang kaso lang marami nang nagkakacrush sa kanya. Isa pa may naririnig akong chismis na sila na ni Sabinna. Nagulat nga ako dahil akala ko ang makakatuluyan niya is yung top 2 namin.

Sinulat na ni Zian, yung president namin yung activity na iniwan nung absent na teacher namin. Ginawa na namin iyon at ang mga sumunod na teacher naman ay nagturo at nagpagawa lang din ng activity.

Magtatanghalian na kaya umuwi na kami. Di ako nagtatanghalian sa school dahil malapit lang naman bahay namin sa school.

Iniiwanan lang ako ni mama ng ulam sa bahay. Dahil siya lang ang mag-isang nagbubuhay sa amin ng kapatid ko, nagdodoble kayod siya dahilan para mawalan siya ng time para sa amin.

I mean okay lang naman sa akin. Di naman ako nagrereklamo. Naiintindihan ko naman na kailangan din ng pahinga ni mama. Dapat nga magpasalamat pa ako na nagtitiyaga siyang magtrabaho para sa amin.

Typical Novel Be LikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon