Luanne's POV
"Class, dahil isang linggo na rin naman ang nakalipas, magkakaroon na tayo ng bagong seating arrangement. Katulad nung sinabi ko nung nakaraan, dapat inenjoy niyo na ang nanatiling oras kasama ang mga kaibigan niyo. Oh siya! Pumila na kayo sa labas."
Pumunta na kami sa labas. Yung iba disappointed at yung iba naman ay excited sa kung sino ang makakatabi nila. Dito na mangyayari yung scene na magiging seatmate si Archer at Camila.
Una kaming mga babaeng pumasok sa classroom at pumili ng upuan. Pinili naming magkakaibigan na magkakalapit ng pwesto. Hindi kami magkakatabi dahil babae-lalaki ang pwestuhan.
Mukhang mali si teacher. Maeenjoy ko pa rin dahil magkakalapit pa rin naman kami. Teka! May mali.
"Cams, dito ka pumwesto. Dito na lang ako pupwesto," sabi ko. Sa huling row sa may katabing bintana siya nakaupo . Sa gitna naman ng row na 'yun ako uupo.
"Wait! I thought ayaw mo ng nasa last row?" takang sabi ni Maia.
Laging kasing nasa harapan si Lauren. Alam niyo na! Gusto laging magbida-bida.
"Always na lang kasing nasa front row tayo. Nakakasawa naman. Isa pa teacher natin si Sir Pol. Hindi ako makakapag-ingay nang sekreto."
Napatango naman sila. "Edi dito na rin kami. Sa fourth row ka na lang Vian."
"Wow! So daya ha."
"Okay na 'yan! Don't arte-arte in me ha."
Umalis na kami at iniwan ang id namin sa upuan kaya pumasok na ang mga lalaki para pumili. Lumabas naman kaming mga babae para walang senyasan.
Pagkatapos nilang pumili, pumasok na kaagad kami. Bakit kaya di naiisip ni Lauren na umupo sa hulihan para makatabi niya si Archer? Lagi namang nasa hulihan si Archer mula grade 7 eh. Wait—
Napatingin ako sa upuan ko. Napatingin naman ako sa katabi nito... Namali ata ako ng desisyon. Imbes na ibalik ko sa dati ang story, mukhang yung buhay ko lang ang gugulo dahil dito. Sabagay, dapat naman talaga magiging magulo ang buhay ni Lauren.
Nang makaupo na ako, walang sawang pinagdadaldal ako nung katabi ko. Sino pa ba? Edi si Akie. Hindi niya nga pinapansin yung masamang tingin sa kanya ni Archer.
Napadaan na ang subject ni Sir Pol at gusto ko na siyang patahimikin. Mukhang 'di siya takot mapagalitan sabagay sana'y na siyang mapalabas lagi.
"Can you stop now? Ayaw kong mapalabas okay?"
Ngumisi naman siya. "Do you think titigil ako? Kanina mo pa ako 'di pinapansin. What about ipagpatuloy natin ang pag-uusap na 'to sa labas? Baka dun, magfocus ka na sa akin."
Inis ko siyang tinignan. "Ayaw kong nakatayong magdamag. Mabilis akong mangalay."
"Di ko na problema 'yan. At least 'di boring dahil may kakwentuhan ako diba?"
"Bahala ka diyang mag-ingay. Makikinig na ako—"
"Miss Lacson!" Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Natawag pa ako. "Total naman focus na focus ka kay Mr. Faustino, basahin mo ang next page."
Tumayo naman ako at kinuha na ang aklat ko. Putik! Ayokong mapahiya sa mga kaklase ko. Ang taray-taray pa naman ng role ko dito tapos magiging tameme bigla.
"A-anong page po—"
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko! Diba sabi ko sa inyo makinig sa akin? May matutunan ba kayo sa katabi niyo? Teacher ba 'yan? Ang babastos! Mr. Faustino, ikaw ang magbasa."
Tumayo naman siya at parang wala lang sa kanyang kinuha ang libro at binasa. "Ang bagong kautusan ng pangkalusugan at paglipat sa Dilaw na Antas ay parehong magiging epektibo sa Mayo 19, 2021. Marami sa mga ..."

BINABASA MO ANG
Typical Novel Be Like
RomanceLuanne is transmitted to a typical novel as a villain. The villain's life is almost perfect so she really wants to be in this body. But she had four floods to face, four men who would mess up her life. Will her life be perfect or will these floods c...