Luanne's POV
Hindi na nagparamdam pa si Akie mula nung nakaraan. Si Eveze naman ay busy sa darating na takbuhan sa SSG. Dahil hindi nga siya nagpaparamdam, 'di na rin nagpaparamdam si Axl.
Parang di na rin nag-eexist si Arcger sa tabi namin kahit lagi namin siyang kasama. Tahimik lang siya kadalasan eh. Kapag nagsasalita lang siya kapag importante na talaga.
Kaya umabot nang hanggang weekend na para silang multong hindi nagpaparamdam. I mean okay lang naman sa akin. Not until ngayong nagweekend na. Busy na yung mga kaibigan ko. Kung matino lang sana yung apat, nagyaya na akong gumala eh.
Di naman ako gala sa totoong buhay pero parang sa kunting araw na nandito ako, gusto ko nang magpakasaya. Kaya lang, balik zero na naman tayo. Nag-aaral na naman ako dito dahil wala akong magawa.
Bigla namang bumukas ang pinto at inilabas nito si mommy kaya tumayo ako kaagad. Parang gulat na gulat siya sa nakikita niya sa akin. Ganun ba katamad si Lauren parang kagulatan niya?
"Oh my gosh! Baby, you don't need to study na. Ini-stress mo lang sarili mo. Diba sabi ko sa'yo, we don't want to pressure you. Kung alin lang ang kaya mo, that's sapat na to us. Basta 'wag ka lang super tamad na as in talaga."
Nagpekeng tawa nang kaunti naman ako. "Mom, don't worry. Wala lang akong magawa, so naisip ko lang na what about studying for new experience diba?"
"No baby! I already experience that. Pinipressure mo ang sarili mo. What about magwalk muna kayo ni Cutie Charles mo?"
Charles? Sino 'yun? Wala naman akong naaalalang may character na ganun. Don't tell me humaharot din 'tong si Lauren. Pero ang sabi sa kwento napakaloyal niya kay Archer diba?
"Let's go," excited niyang sabi sabay hila sa akin.
Pumunta na kami sa labas ng bahay. Nakita ko namang may asong hawak-hawak yung isang kasambahay. Ahh! Si Cutie Charles siguro yung aso. Akala ko naman bagong character na.
Kinuha na ni mommy yung tali at ibinigay sa akin. Kinuha ko rin naman ito. "Don't worry mahangin at hindi mainit my baby."
"Ahh! Okay mom. Alis na po ako," paalam ko. Gusto ko na ring makaalis dahil baka kung ano-ano pa ang balak niyang gawin sa akin. Isa pa, gusto ko ring libutin ang village. Malawak 'to tapos wala masyadong dumadaang sasakyan.
Lumabas na ako sa gate nang may nakita akong taong nakatalikod. Nakaleather jacket siya na black, pantalon at helmet. Sino 'to? Dito pa talaga siya tumambay sa lugar namin. Imposible namang bisita siya dahil dapat kanina pa siya nakapasok sa bahay namin.
Humarap naman siya. Teka! Akala ko ba umiiwas na siya matapos nung sinabi ko nung nakaraan. Ngumiti siya. "Miss me?"
"Hindi ka pa ba nadala sa sinabi ko?"
Tumawa naman siya nang kunti. "Actually, di ko naman planong magpapansin uli sa'yo kaso nakakamiss din pala eh noh?"
Kinuha niya naman ang isang helmet sa bulok na motor. Ang yaman-yaman niya tapos ganyan lang motor niya? Huwag niyo sabihing kinukuripot siya ng mga magulang niya?
Inabot niya naman ang helmet sa akin. "Seryoso? Diyan mo ko pasasakayin?"
Tumawa uli siya nang kunti. "Huwag kang mag-alala, hindi. Nanakawin lang natin yung helmet. Sabi ko nga sa'yo di ko plano na magpapansin sa'yo ngayon, namiss ko lang bigla."
"Kung ganun, anong gagawin mo sa aso ko?" Actually, gusto ko rin kasing gumala.
"Edi pupunta tayo sa lugar kung saan magiging masaya 'yang aso mo." Kumunot naman ang noo ko. "Huwag kang mag-alala, halos nalibot ko na 'tong lugar natin. Marami akong alam. Tsaka, boring naman kung paulit-ulit mo siyang nilalakad dito." Umupo naman siya para pumantay kay Charles. "Hindi ba doggie?"

BINABASA MO ANG
Typical Novel Be Like
RomanceLuanne is transmitted to a typical novel as a villain. The villain's life is almost perfect so she really wants to be in this body. But she had four floods to face, four men who would mess up her life. Will her life be perfect or will these floods c...