S1 Ch 3: Agawan

2 1 0
                                    

Luanne's POV

Kyahhhhhhhh~," kilig na kilig na hirit ni Maia.

Nasa mall kasi kami ngayon ni Maia at pinipilian niya ng damit si Akie. Mukhang hindi niya na nga lang basta pinipilian eh, nagfafashion show na sila.

"Akie, why not try this naman," suggest ni Maia sabay bigay ng damit kay Akie.

Pumunta kami dito para di mabored pero mukhang silang dalawa lang ang nag-eenjoy dito. Para kaming extra lang at nasa kanila ang spotlight.

Bigla namang may kumalabit sa akin. Muntik pa akong magulat nang makita ang walang emosyong mukha ni Axl. Bigla niya namang pinakita ang isang tupperware na di ko maitsurahan kung ano ang nakalagay dito.

"Diba nangako ka na magsasamyang challenge tayo?" Actually, di naman ako nag-agree. Siya lang nagdesisyong mag-isa diyan.

"Samyang ang laman niyan?" Tumango siya. "Huwag mong sabihing kanina mo pa 'yan dala sa school."

Umiling siya. "Nagpasama ako kanina kay Eveze na bumili ng samyang sa grocery store. Pinaluto na rin namin kaya mainit-init pa."

Kanina pa talaga ako nagtataka kung bakit pinipilit niya ang sarili niyang kumain nang maanghang. Akala ko ba gusto niya ng matamis. 'Wag niyang sabihing dahil natalo siya, gusto niya na rin ng maanghang.

"Can I ask something?" Tumango naman siya. "Bakit bigla mong naisipang kumain ng maanghang? Akala ko ba mas gusto mo ang matamis."

"Maanghang na ang gusto ko ngayon." Ang bilis pala magbago ng tao sa novel. Ito na ba yung tinatawag nilang character development?

"Dahil ba 'to sa laro natin kanina nung natalo ka?" Umiling siya. Huh? Eh bakit? Mukha namang nagsasabi siya nang totoo. Hindi katulad ni Archer na hindi marunong umamin ng pagkatalo.

"Ngayon ko lang nalaman na paborito pala ni Eveze ang maanghang."

Huh?

Teka!

Wag niyong sabihing...

"May gusto ka ba kay Eveze?" bulong ko sa kanya.

Buong akala ko may gusto na rin siya kay Camila sa novel. Hindi ko alam na may plot twist palang ganito. Palibhasa laging may moment ang bida tapos si Archer. Dahil kanila lagi tumatakbo ang istorya, hindi na nakikitaan ng spotlight ang iba.

Umiling siya uli. "Si Eveze ang role model ko."

Huh? Role model? 'Wag mong sabihin katulad lang din siya ni Maia na ginagaya ako dahil sa magulang niya. O baka naman may iba pang dahilan.

"Bakit naman siya ang role model mo?"

"Sinabi ng mommy ko na gayahin ko daw siya."

Sabagay, sabi nga sa novel marami nang naiambag si Eveze sa pamilya niya kahit bata pa lang ito. Maraming nakakakita na magiging successful siya balang araw.

Pero ganun na lang ba talaga mga magulang sa novel na 'to? Dahil wala na sigurong maisip ang author na ideya, inulit niya na lang ang scene kina Axl at Maia. Halos puro scene nga lang ni Archer at Camila ay may effort.

Kaya siguro kay Eveze siya nagpasamang bumili ng samyamg. Kaya rin siguro lagi siyang sumasama sa akin dahil nandito si Eveze. Kaya siguro hinahamon niya akong kumain ng samyang para ipakita kay Eveze na mas deserving siya kaysa sa akin. Well, mas okay nga sa akin na makita 'yun ni Eveze. At least babalik na sa tahimik ang buhay ko diba?

"I think 'wag na tayong maglaro ng challenge na 'yan. Di naman kita pinipilit. Isa pa, mas prefer mo ang sweet diba? Paano kung sweet sa akin tapos maanghang sa akin?"

Typical Novel Be LikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon