S1 Ch 6:

1 0 0
                                    

Luanne's POV

Nagsimula nang maghikayat ang mga tatakbo ng SSG. Yung mga kaklase ko naman ay nag-aabang kung kailan sila pupunta sa classroom namin. Hinihiling nila na sana sa science sila pumunta dahil may quiz kami.

Hanggat walang nang-aabala sa akin, sinulit ko na ang oras ko para magreview kahit nakareview na ako sa bahay kagabi at nung madaling araw.

"Gosh! Lauren, bakit ka nagrereview?" nagtatakang sabi ni Maia.

"Pwede mo kong tanungin ngayon pero mamaya sa science, asahan mong walang sagot na dadating sa'yo."

"I'm not aasa talaga. Duh? You don't need to review na kaya. May friend ka kaya na madiskarte. Girl, nakausap ko na si Eveze. Dito daw sila pupunta sa science time natin. 'Wag ka nang magpakahirap diyan."

"Mas mabuti nang sigurado. Isa pa para maalala ko pa rin bukas," sabi ko nang hindi tumitigil sa pagreview.

"Girl, ako ang nasstress sa'yo eh. 'Wag mong sabihing type ni Archer ang matalino kaya nagkakaganyan ka."

Napairap naman ako. "I don't need to impress someone para lang maging better ako."

"Bahala ka nga diyan. Pupunta na lang ako kila Camila at Vian," sabi niya sabay alis. Sa wakas tumahimik ulit.

"Sipag natin ah. Pakopya mamaya ha." Sinasabi ko na nga ba dadating at dadating 'tong bwisit na 'to eh.

"Kung gusto mo makakopya, huwag mo kong guluhin."

"Pero gusto ko din nang ginugulo ka eh?" sabi niya sabay pout.

"Gusto mo bang bumagsak?"

"Lagi naman akong bagsak eh. Parang ikaw hindi ah. Anong meron at nagbabagong buhay ka? Ayaw mo 'yun? Lose streak?"

"Remember never nagpapatalo si Lauren."

"Oww! So ikaw pa rin pala 'yan. Bakit? May bago ka bang karibal kay Archer? Itataas na ba natin ang red flag?"

Red flag means may bagong bubullyhin na naman ang mga istudyante sa school na 'to. Pwedeng 'di lahat makisali pero 'wag mo dapat tulungan yung binubully kung hindi madadamay ka. At yes! Dahil bida si Camila, naranasan niya syempre 'yan sa original plot.

Katulad ng sa ibang story, nararanasan ang red flag kapag nabangga ang isa sa four knights at ako, ang queen bee.

"Yup kay Archer lang umiikot mundo ko so layo-layo rin 'pag may time okay?"

Actually kaya ako nagrereview ngayon dahil gusto kong maging proud ang parents ni Lauren. Isa pa, namimiss ko ring mag-aral dahil naging habit ko na 'to. Wala naman talaga akong planong mag-aral dito. Hinahanap lang talaga ng katawan ko.

"Remember once na may interesting akong nakita, never kong nilulubayan."

Arggh! Kailan pa ba niya patatahimikin ang buhay ko. "Fine! Huwag mo kong guluhin pero pwede kang magstay sa tabi ko. Pwede na ba 'yun?"

Ngumiti siya. "Dahil ang cute mong magalit, pagbibigyan kita," sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

Katulad ng pinangako niya, nakareview ako nang medyo maayos. Nanahimik nga siyang nakapatong ang ulo sa desk pero nakatitig naman siya sa akin. Hindi tuloy ako makafocus.

Inis kong tinanggal ang tingin ko sa libro sabay tingin sa kanya. "Sa tingin mo ba makakapagfocus ako sa ginagawa mo?"

"Sa tingin mo ba makakapagfocus din ako kung ganyan kaganda ang makikita ko?" Ba't ang corny mo? Ilang mais ba ang nakain mo? Bakit napakapilosopo mo? Bakit nakakabwesit ka?

"Really? I think you're already focus—focus sa paninira ng buhay."

Tumawa naman siya nang saglit. "Gusto mo paninira din ng relasyon?" Sisirain mo kaagad eh hindi pa nga kami nung bwesit mong kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Typical Novel Be LikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon