Chapter 3

1.7K 65 3
                                    


Hiraya Eesome Endara

"Sino nga kase sya?" Pilit ni Katara kay Esom na magsalita habang nasa waiting room sila at naghihitay para sa interview nya.

"None of your business." Tipid na sabi ni Esom nang hindi man lang binabalingan nang tingin ang kaibigan.

Kanina pa sya naiirita dito simula nang makarating dito na tumakas sya sa party kagabi ay kinukulit na sya nito.

Nakasalubong kase nila nung babaeng stranger ang sasakyan nya at nakita sya ni Xari. Hindi na nya natanong ang pangalan nang babae dahil agad din itong umalis nang hindi man lang sya nakakapagpasalamat.

Ang madaldal na si Xari naman ay naikwento agad ang nangyari kay Katara. Kaya ayan, nangungulit ang bruha. Mas interesado pa ito kung sino ang babaeng kasama nya kesa kung bakit sya tumakas sa after party.

"Ang damot! Pasalamat ka at napagtakpan kita kay Boss na masama ang pakiramdam mo kagabi kaya ka nawala." Maktol ni Katara pero napaikot lang ang mata ni Esom

"I don't care. Because masama naman talaga ang pakiramdam ko kagabi. I want to vomit being in the same room with that perverted old man. jeez.. Another second with him would kill me."

Natigil ang usapan nila nang may biglang kumatok. Si Xari ang nagbukas nang pinto habang si Esom ay busy lang sa cellphone nya.

"Flowers for Ms. Eesome Endrada." Biglang sabi nang bagong dating na babae kaya nagangat sya nang tingin.

Shock was written in Esom's face the moment she saw the girl who's holding a bouquet of flowers. A pink tulips.

"Ako na ang pipirma." Prisinta ni Katara pero nauna nang tumayo si Esom at nilapitan ang walang emosyong babae.

"Here Mam." Sabi nito at ngumiti sakanya dahilan para bumilis nanaman ang tibok nang puso nya pati ang kung ano sa tyan nya.

There's nothing special with the smile, mukha ngang pilit lang but it looks good on her naisip ni Esom.

Tinanggap naman ni Esom ang bulaklak at inabot kay Katara na nakatayo sa tabi nya. Kinuha nya na din ang papel na dapat ay pipirmahan.

"Thank you for helping me last night." Sabi ni Esom habang pumipirma kaya biglang nanlaki ang mga mata ni Katara bago lumingon kay Xari para kumpirmahin kung iyon nga ba ang babaeng kasama ni Esom kagabi at tumango naman ito.

"No worries." Tipid na sagot nang babae.

Iaabot na sana ni Esom ang papel matapos nya itong mapirmahan pero muli nya itong binawi "What's your name?" tanong nya dito pero tinaasan lang sya nito nang isang kilay.

"Just checking if sumama ako sa tamang tao kagabi. Malay ko ba kung serial killer ka." Balewalang sabi ni Esom na syang nagpakunot nang noo nang babae

"Well, I can assure you that i'm not. Dahil kung oo ay hindi ka na sana humihinga ngayon." Sagot nito kaya napangisi si Esom, feisty.

"Fair enough. But that's not enough alibi. Baka hindi mo lang natuloy ang balak mo kagabi kaya ka laging sumusulpot sa harap ko." Esom said with a shrug. Lagi kasing nag kukrus ang landas nila.

Stomach, meets Butterflies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon