STORME LAVIER"What did I told you about cutting classes? Huh? Eden?" Ayan na nga po ang boss. Galit na galit gusto manakit.
Tumingin sakin si Eden na humihingi nang tulong kaya napatingin ako sa asawa ko na sobrang sama nang tingin sakin. Kaya naman nag seryoso ako at nakakunot ang noong bumaling kay Eden. Sorry anak pero ayoko nang matulog sa sofa.
Sa tanda ko nang to kapag galit si Autumn ay sa sofa nya ako pinapatulog. May sofa kase sa loob nang kwarto namin. Imagine, 51 na ako tapos ginaganun nya padin ako. huhu.. Hindi porket mukha akong 30s ay akala nya hindi ako tumatanda.
Pero wala tayong magagawa. Sya ang boss nang bahay namin. Kaya nga behave na ako e.
Nakaupo kami ngayon sa sofa. Magkatabi kami ni Autumn habang kaharap namin si Eden at sa solong sofa naman si June.
"Sorry na Mommy, nagkataon kasing ngayon yung audition." Paliwanag ni Eden
"That's not valid as an explanation. You just cut classes. And not once, I even lost count of it. What do you expect?" Kalmadong sabi ni Autumn. This is what I love about her. She never shouts at our kids. Palagi syang kalmado pero ramdam mo ang bangis sa boses nya.
"Sorry.." Nakayukong sabi ni Eden
"June, Go upstairs." Sabi ni Autumn kay June na agad naman nitong sinunod. Aalis na din sana ako dahil akala ko ay gusto nyang kausaping magisa si Eden pero hinila lang nya ako ulit paupo bago sinamaan nang tingin. Pagdating talaga sakin ang sama nya. huhu
"Do you know why I don't want you to go to audition?" Tanong ni Autumn aa nakayukong si Eden. Umiling naman sya
"Not because i'm against it." Nag angat nang tingin si Eden. Pati ako ay napatingin kay Autumn. Akala ko ay ayaw nyang mag artista tong isa. "Because you always cut classes because of it. Napapabayaan mo na ang pagaaral mo. You always practice scripts pero hindi ka nagrereview. Now tell me, Tingin mo ba matutuwa ako sa ginagawa mo?" Kalmado nyang sabi
"Your Mom is right. Ni hindi ka nga nagpapaalam samin. You always make it a secret kaya mas nagaalala kami." Sabi ko kay Eden.
"I'm really sorry mommies." Sabi nya. She really looks sorry.
"Just don't do that again. Make sure magpaalam ka nang maayos. I want to know everything, Hindi yung mangangapa kami kung nasan ka. I don't want to loose you too." Sabi ni Autumn. I know what she meant.
Nakaramdam nanaman ako nang lungkot. Nasan na kaya si Winter? Is she happy? safe? May nagaruga ba sakanya? Ano na kayang itsura nya? I bet she's gorgeous and a fine lady now. Gosh I missed her.
Naramdaman kong hinawakan ni Autumn ang kamay ko kaya ngumiti ako sakanya. Lumapit naman si Eden samin at niyakap nya kami.
"Ate is probably happy right now. She's fine, I'm sure of it. She belong to Lavier Clan, she'll always be successful and strong." Sabi ni Eden kaya yumakap din kami sakanya.
Nasa kama kami ngayon ni Autumn, nakaupo sya at nakasandal sa headboard habang nagbabasa nang libro at ako naman ay nakaunan sa mga hita nya.
"I thought you don't want Eden to be a celebrity." Sabi ko habang pinagmamasdan lang sya.
"Why would I? Kung san sya masaya. She can do whatever she wants. Basta masaya sya at nasa tama. Lalong-lalo nang hindi illegal." She said
"Because you always hate her going to auditions. I don't really mind, kung anong gusto nya dun ako." Sagot ko sakanya
"I don't really mind too. Ayoko lang na pinapabayaan nya ang pagaaral nya at hindi nagpapaalam satin."
Binalot kami nang katahimikan bago ako nagsalita "It's been 24 years." Sabi ko at hindi napigilan ang pagpatak nang luha sa mata ko na agad ko namang pinunasan.
"What do you think Winter's dream? Ano na kayang trabaho nya ngayon? Is she happy and safe? Successful like June?" Dagdag ko. Ibinaba ni Autumn ang librong hawak nya bago ako tiningnan at hinaplos sa buhok.
"She's a Lavier. Paniguradong matigas ang ulo nya kung sayo nagmana. She'll probably achieve her dream no matter what." sabi nya bago malungkot na ngumiti sakin.
It's been 24yrs since that nightmare. Hanggang ngayon ay bigo padin kami sa paghahanap sakanya. We had a lead 5yrs ago. Pero huli na ang lahat, may umampon na sakanya at hindi na namin sya ma contact.
The orphanage kung saan sya napunta ay nasunog. Her files included. Kaya hindi namin alam kung sinong umampon sakanya. Bago na ngayon ang ampunan at nag donate kami para mas maging maayos ito. Lagi kaming tumatawag doon, nagbabakasakaling bumisita sya. 10% ang chance na bumisita sya. Pero tingin ko ay wala na syang balak pa. Siguradong masakit para sakanya ang lugar kung saan sya iniwan.
For sure ay akala nya iniwan namin sya. And that hurts. Mas masakit iyon saamin ni Autumn. Lalo na at nasasaktan si Winter. Masakit malaman na inabanduna ka nang mga magulang mo. I don't know how my baby can handle that. At a young age she's not with us.
"shh... Makikita din natin sya." Sabi ni Autumn. Ngumiti nalang ako habang patuloy sya sa pagpunas nang mga luha ko.
—
5yrs ago
"Hayop ka! How dare you?!" Galit na sabi ko kay Ludic bago sya sinapak.
Yes, He's the mastermind for taking my baby. Ilang taon naming hinanap ang lalaki sa cctv na nagpanggap na nurse. And after years of investigation ay bumalik kay Ludic ang lahat nang ebidensya.
Pilit akong inaawat nang mga pulis pero hindi talaga mawala ang galit ko. Sobrang sakit at galit. Umiiyak na ako dahil sa sobrang sama nang loob ko. Why him?!
We actually thought it was Henry. Sya lang naman ang kaaway namin. But he denied everything. At kahit ang mga evidensyang nakalap nang team ko ay hindi sya ang itinuturo.
Nag panggap akong iniimbitahan si Ludic sa bday ni June para lang umuwi sya dito. At inabangan namin sya sa airport kasama ang mga pulis. Ngayon ay nandito na kami sa prisinto para magusap.
"Why?! You're really asking me that?" Galit na sigaw nya "I want you miserable! Both of you!" Sabi nya habang dinuduro kami ni Autumn.
"You know I loved you but you never gave me chance! Ni hindi mo ako tinratong kaibigan. Lagi mo kong itinutulak palayo. Tapos malalaman ko nalang ikakasal ka na. Wow!" Dagdag nya
"You son of a bitch—" Susugod na sana ako pero niyakap ako ni Autumn
"You should've let your anger to me! Not my child! Sakin dapat! Ako nalang sana! Bakit nandamay ka pa nang walang kamuang-muang na bata?! And Gosh! I treated you like a human being! Kaibigan ang turing ko sayo!"
"You did? Really? Because I didn't felt it. And why I did it? Because that will make you more broken. I can't hurt you, you know that. But I can make your life a living hell."
"Ang laki mong gago! Hayop ka!" Pareho na kaming umiiyak ni Autumn. She's trying to calm me down but I can't. I just can't. I want to kill this son of bitch!
—
I was so mad that time. Hindi ko inakalang magagawa sakin ni Ludic yun. Never ko syang binigyan nang false hope.
But when we found out everything, huli na. hindi ko na alam kung nasan ang anak ko.
Halos halughugin ko na ang buong Pilipinas pero wala pa din. Please baby, come back to us. We really missed you.
BINABASA MO ANG
Stomach, meets Butterflies.
Romance(GxG) What's this Between Us Book Two Hiraya Eesome Endrada. An Orphan. Thinks her parents abandoned her. But the truth is, she's Autumn and Storme's missing baby that up to this day still looking for. She's a Lavier but she doesn't know it. She's n...