Walang Tayo

29 10 1
                                    

Walang tayo dahil kahit kailan Hindi magiging tayo
Hindi magiging tayo dahil wala nga'ng ni ikaw at ako
Walang ikaw at ako dahil sya ang mahal mo.

Sya...sya na iniingat-ingatan mo
Sya na pinapasaya mo
Sya...sya na mahal mo
Sya.. Lagi nalang sya!.

Hindi ba pwedeng ako rin?
Ako rin yung iingatan mo
Ako rin yung pasasayahin mo
Ako...ako rin yung mahal mo....

Lahat naman ginagawa ko
Kapag malungkot ka?
Nandito ako para pasayahin ka
Tuwing nag-iisa ka?
Nandito ako para samahan ka.

Tuwing matamlay ka?
Ginagawa ko ang lahat upang ika'y muling sumigla
Tuwing ika'y lumuluha?
Nandito ako..nandito ang mga balikat ko... Mga balikat ko na handang saluhin lahat ng luhang ilalabas mo.

Tuwing binabalewala ka niya?
Nandito ako para damayan ka..
Oo nandito ako..nandito ako para sayo kahit walang tayo..

Handa akong maging sandalan at tagapag-tanggol mo
Kahit Hindi ako ang nasa puso mo.

Tanaw kita pero napakalayo mo...
Yung tipong para kang bituin na kumikislap at nagniningning
Pero tulad ng bituin?ika'y mahirap abutin.

Pero nandito parin ako
Umaasang magkakaroon ng tayo
Oo sya ang bukambibig mo
Habang sa imahinasyon ko ay tayo.

Oo hanggang dito nalang ako pinapangarap na merong ikaw at ako
Kahit walang posibilidad na maging tayu
Siguro nga walang ako sayo..
Pero ikaw?nandito ka na Simula palang ng tulang ito.

Di ko alam kung manhid ka o nagbubulagbulagan at iniisip Hindi kita gusto
Umaasa ako na mapansin mo...
Umaasa ako na mahalin mo
Umaasa na Sana ako naman...

Ang tanging nais ko lang naman ay pasayahin ka
Ang tanging nais ko lang naman ay mahalin ka
Ang tanging nais ko lang naman ay lumigaya ka
Ngunit yun ay sa piling ko!Hindi sa piling niya....

Walang tayo...oo walang tayo dahil sya ang mahal mo
Siya ang nasa puso mo
Walang tayo pero ang pagmamahal ko at totoo
walang tayo pero sayong sayo lang ako.

Walang tayo kasi meron ka pang siya
Bakit ba sya?ano bang meron siya na wala ako at Hindi mo ako mapansin
Ano bang wala ako at Hindi mo ako kayang mahalin.

Ano nga ba talagang meron sya?
Eh ano nga bang magagawa ko?
Kaibigan mo lang naman ako
Kaibigan.mo.lang.ako.

Sabi nila kapag nakagawa ka daw ng kasalanan dapat humingi ka ng tawad
Kaya heto ako gustong humingi ng tawad sa mga kasalanan ko
Mga kasalanan na Hindi ko sinasadya....

Patawarin mo ako sa pagluha kahit walang tayo
Patawarin mo ako sa pananatili kahit walang tayo
Patawarin mo ako sa pagkapit kahit walang tayo
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo kahit walang tayo
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko kahit walang tayo
Patawarin mo ako sa pagmamahal sayo kahit walang tayo.

Kaya mahal kung nasan ka man sana patawarin mo ako
Patawarin mo ako nang matapos na ang tulang Ito
Dahil napapagod na ako...napapagod at nadudurog na ako
Nadudurog ako sa pagbigkas ng mga salitang WALANG TAYO.

---------------------

Eto yung pinakauna kong gawa noong Grade 8 ako HAHAH

What's behind my InkWhere stories live. Discover now