CHAPTER 8:ANG IKA-WALONG UTOS
Tatlong utos nalang tapos na ang lahat sana ay mawala na ang feelings ko sa kanya ayoko maghabol."Anna,sasama kaba sa amin?" Tanong ni Aling Gina.
"Hindi po,uuwi po kasi ako sa bahay namin para dalawin ang aking Mama at isang lalaking kapatid" Sabi ko sa kanya.
"Ay oo nga pala ang tagal mo din hindi nakakauwi sa inyo malapit na din ang pasko nyan" Sabi ni Aling Gina.
"Kami nga po ni Janna uuwi din kanila Mama para masolo namin si Mama ngayong pasko" Sabi ni Banana.
"Si Hennah kaya anong plano niya ngayong pasko?" Tanong ni Aling Gina.
"Aling Gina,dating gawi pa din po" Sumulpot bigla si Hennah sa gilid ko kaya nagulat ako.
"Masyado ka ng naghahabol,Hennah tama na yan"Sabi ni Aling Gina.
"Wala naman masama kung maghabol pa din ako kahit gaano katagal mapasakin siya" Sabi niya.
Nagsitaasan balahibo ko sa kanya.
"Paano pala kung hindi ikaw yung gusto niya,Anong gagawin mo?" Tanong ni Janna.
"Ibang gusto? Hindi mangyayari yan dahil suportado ako ng parents niya" Sabi niya.
Ako kaya susuportahan din nila?
"Tandaan mo Hennah,Mommy niya lang ang suportado hindi ang Daddy niya" Sabi ni Banana.
Natahimik si Hennah sa tabi ko.
"May mga gagawin po ba tayo ngayon or wala na po? Kase po may mga liligpitin lang ako sa taas yung mga gamit ko" Sabi ko kay Aling Gina.
"Kami na ang bahala rito sigee na ayusin mo na ang gamit mo dahil bukas ay aalis kana" Ani ni Aling Gina.
"Sigee po" At umakyat na ako papuntang kwarto ko.
Nakita ko na kakalabas lang ni Thyro at yung kasama niya kagabi.
"Good afternoon" Sabi ko sa kanila at pumasok na ng kwarto ko.
Maging mabait pa din kahit nagseselos na kailangan chill lang sakin pa din papatong yan.
Naku hindi maganda ang iniisip ko gosh!
Nilagay ko na sa bag ang kailangan kong dalhin bukas kasi si Manong Rodolfo ang maghahatid sa akin.
Excited na akong makita sila Mama nakakamiss yung lutong kare-kare niya.
Isang linggo din ako dun kaya susulitin ko na yung mga are na yan dahil balik trabaho na ako ulit.
Hindi naman nakakapagod ang trabaho sadyang nakakatakot ang parusa.
Nagtext sa akin si Zeus na magkikita daw kami kasama si Orhan kasi nga aalis ako bukas.
Pumayag naman ako wala naman akong masyadong gagawin dito sa mansion nakakaboring din Kasi.
Si Orhan nag sundo sa akin baka daw kasi patayin ni Sir Thyro si Zeus kapag nakita niya na kasama ko yun.
"Ang init ng dugo ni Thy kay Zeus" Sabi ni Orhan.
"Ewan ko sa taong yun bakit ganun" Sabi ko.
"Syempre nagseselos yun"
"Friendly date lang yun" Sabi ko sa kanya.
"Hindi friendly date yun Anna,may gusto talaga sayo si Zeus kaya gumagawa ng paraan para mapunta ka sa kanya" Seryosong sabi ni Orhan.
BINABASA MO ANG
ANG IKA-SAMPUNG UTOS: Thyro Harris Einstein
RomanceThyro Harris Einstein is the richest man in the country because of their company in different countries but the only one he wants is Annalordes Frost Aguilera. Annalordes Frost Aguilera is just a poor person and her mother's job is in the club and t...