Warning: Typo and Grammatical Errors Ahead. Kung Grammarian ka, mag next story ka nalang. ❤️Loveyou😘
A/N: Please Vote and Follow me.Elizabeth POV
Dahan dahan kung minulat ang aking mga mata ng makarinig ako ng ingay sa paligid ko. Agad akong tumunghay at nakita ko si Janina Elise sa harap ko.
"Hi. Nakakatuwa naman at magkaklase tayo. Hihi, elite student ka pala, di mo sinabi sana inantay kita"nakangiting sabi nito.
"Nga pala pasensya kana kay ma'am. Ganyan talaga yan sa mga elite student. Kahit pangalawa sa pinaka mataas ang elite student, hindi nya ginagalang Royalty lang ginagalang nya. Palibhasa pamangkin sya ng president ng bansa natin." Madaldal na sabi nito
"Pamangkin sya ng president?" Takang tanong ko.
"Oo, saka bata pa yang si Maam, 25 year old. Saka bali-balita na kaya yan dito nagtatrabaho dahil may gusto sya sa may ari ng paaralan" Kwento pa nito
"May ari ng school? Diba isa sa Thirteen Disciples ang may ari nito?" Tanong ko pa rito
"Oo, besh. Si Sir Taurus. Kaso mukhang wala namang paki-alam sa kanya si Sir Taurus saka masyadong mababa sya para kay Sir T. " paliwanag nito
"sabi mo pangalawa sa pinakamataas ang elite anong ibig sabihin mo?" Pag uusisa ko dito
"May student Hierarchy dito, pinaka mababa ay ang Ordinary student, sila yung mga nasa Top 50 pataas ang business ng pamilya nila all over the world, sumunod ay Excellent Student, sila naman ang mga estudyante na nasa politika and lawyers ang pamilya at the same time nasa range ng top 15 to 50 ang business ng pamilya nila. Then next is the Elite Student, ang top 1-15 ang family business nila. Next ay yung Royalty, ito yung mga myembro ng royal family. Hindi sila kasali sa ranking ng business kasi iba ang sukatan ng yaman nila. Per country. Then ang pinaka nasa taas ay Higher Royalty, Madalang magkaroon ng ganitong estudyante dito pero sila ang pinakamataas na uri ng estudyante rito. Sa ngayon wala pang higher Royalty. Pero di ko alam ang ibig sabihin at pinag kaiba nila sa Higher Royalty e. Wala silang binigay na impormasyon e. " Mahabang paliwanag nito
"E kung magiging estudyante ang myembero ng Thirteen Disciples, san sila nabibilang?" kuryusidad na tanong ko
"Hindi ko alam e, kasi iba ang kayamanang meron sila. Madaming nagsasabi na mas mayaman sa Higher Royalty. Pero hindi ko rin alam, kasi delikado tao sila e. Kaya wala ring makagawa ng kalukuhan di
to sa school dahil alam nilang si Sir Taurus ang may ari nito pero napakadalang magpakita ni Sir Taurus e. Sabi nga ng malalanding nilalang Blessing in disguise pag nakita sya sa paaralan" Paliwanag muli nito.Naging tahimik lang muli ako. Well, nakita ko na naman ang sinasabi nilang Sir Taurus. Hmp. That rude guy. Kaya malakas ang loob dahil kabilang sa thirteen disciples.
"Gusto mo munang kumain? Mamaya pa ang next class natin e" anyaya nito sa akin
Tumango lamang ako at sumama sa kanya sa cafeteria. Pagdating namin sa Cafeteria, nagbulungan ang mga estudyante.
"Ang ganda ng kasama ni Elise"
"Para syang Reyna e"
"Royalty ba sya?"
"Hmmp. Bagong higad"
"Pusta kaya yan dito nag aral para akitin si Sir Taurus"
at kung ano-ano pang opinyon ng mga estudyante rito. May masama at magandang opinyon ng mga estudyante rito. Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang kami sa gitnang banda ng lamesa sa cafeteria.Nag order nalang kami ng pagkain. Tahimik lang kaming kumakain ni Janina Elise ng may lumapit sa aming Tatlong babae. Napatingin ako sa mga ito.
"Well, ikaw pala ang usap-usapan ngayon sa paaralang ito. " Maarteng sabi ng babae sa gitna.
Blangko lang akong nakatingin sa kanya.
"Anong kailangan mo?" Malamig na tanong ko rito.
"Anong karapatan mo makipag usap ng ganyan kay Princess Nicole?" Matapang na sabi nung babae sa kaliwa nung sinsabi nilang Princess Nicole.
"A royalty huh" Iyon lang ang sinabi ko at patuloy lamang akong kumain
Nagulat na lamang ako ng itaob nya ang lamesa.
Padabog akong tumayo.
"what the hell is your problem young miss? haven't you see? Im eating!" Inis na sabi ko rito
"Im sorry akala ko kasi basura" sabi pa nito at nagtawanan sila.
Hinampas kung muli ang lamesang nakatumba na.
"Your a royalty? Act like one. You will be a disgrace if you keep acting like that!" Inis na sabi ko at agad ko na itong tinalikuran. Sumunod naman sa akin si Janina.
"Nako Elizabeth, bakit mo pinatulan si Prinsesa Nicole? Malaking problema yun. Pag iinitan ka nya" Kinakabahang sabi pa ni Janina.
"Don't worry i can handle my self. " Iyon lang ang sinabi ko at tinalikuran ko na ito. Sumakay na ako sa kotse ko at agad na pinatakbo papunta sa dorm.
Tama kayo malayo pa ang dorm sa school, dahil nga napakalawak ng lugar na ito. Pagkadating ko sa building ng aming dormitory agad akong nagpark at nag diretso akyat na ako sa aking kwarto .
Pagkabukas ko ng kwarto ay agad akong sinalubong ng aking butler.
"Your Majesty" bati sa akin ni Katherine, ang aking personal butler
"Kanina ka pa ba nakarating?" Tanong ko rito
"Yes, your majesty" Magalang na sagot nito.
"Just call me, Young Miss pag andito tayo. Ayokong Isipin nila kung sino ako. Aware kana naman diba?" Sabi ko pa rito
"Yes, Your--Young Miss" Malugod na sang ayon nito.
"Sya nga pala, nalaman mo ba ang sinabi ng Lolo?" Tanong ko rito
"Opo." Maikling sagot nito sa akin.
Hindi ko na sya pinansin at agad na akong pumasok aa banyo para maligo at makapagrelax at hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa bath tub.
BINABASA MO ANG
The Thirteen Disciples: Taurus
Fiksi UmumLabing tatlong taong makapangyarihan o mas kilala bilang Thirteen Disciples those people are known because they have everything including power, money, and wealthy.They can make you suffer in just blink of an eye. If i were you, if you cross path w...