"Evan...kailan ba ninyo bibigyan ng apo ang mga parents ninyo at pati na rin ako? bilis bilisan ninyo ni Mandy...aba eh nasasayang ang panahon...patanda na kami ng patanda...gusto ko eh kapag dumating ang apo ko sa tuhod eh kaya ko pang kargahin...habang malakas lakas pa ako."
Ngumiti naman si Evan at napatingin ito kay Mandy napatingin din si Mandy sa kanya
"Ilang apo po ba ang gusto ninyo?"pagbibirong sambit ni Evan
"Aba kung ako ang tatanungin eh...gusto ko ng maraming apo sa tuhod. Nag iisa lang naman ang Dad mo...na anak ko... at ikaw naman na nag iisang apo ko...aba putulin mo na yung pagiging matipid ng pamilya natin sa aspetong yan Evan."tugon nito
"Oo nga anak bigyan ninyo naman kami ng madaming apo ng mom mo.. .sabik na sabik na talaga kami na magka- apo ng mommy mo at ng lolo Frederick mo...pati na rin si balae at yung lola ni Mandy eh gustong gusto na rin talagang magka - apo."masayang sambit ni Anton sa anak.
"Balak na po talaga namin ni Mandy na bigyan kayo ng apo...kaso dad alam naman po ninyo yung trabaho ko...lalo na po ngayon sobrang busy...kaya para po mapagbigyan namin yung kahilingan ninyo next week po balak po naming mag out of town ni Mandy magpapahinga po muna ako sa trabaho para magka-oras naman po kami ng asawa ko sa isa't isa "tugon nito
"Maiigi nga iyan anak...alam kong bata pa naman kayo ng asawa mo pero wala namang masama kung mag-aanak na kayo agad ...kasi doon din naman ang tungo niyan...tsaka alam mo naman yung matagal ng hinihiling ng lolo mo."tugon naman ni Carina
Maya maya pa ay tumayo si Mandy para buhusan ng juice yung mga baso nila.
"Naku iha...huwag na...kami na lang."sambit ni Carina
"Okay lang po mama...ako na po."ngiting tugon ni Mandy sa mommy ni Evan
"Thank you Mandy....napakabait at napakaasikaso mo talagang bata ka...siguradong magiging mabuting ina ka sa mga magiging anak ninyo nitong si Evan...sobrang panatag talaga yung loob ko na ikaw yung naging asawa ng anak ko at siyempre magiging ina ng mga apo ko...
Thank you iha sa pagmamahal mo kay Evan."muling sambit ni Carina."Sigurado kung nasaan man si Albert ngayon ay proud na proud siya sayo iha...Sayang nga lang at hindi na natin siya kasama ngayon ang lolo Albert mo...Alam kong masayang masaya siya na makita na masaya ka...alam mo namang mahal na mahal ka ng lolo Albert mo."sambit ni Frederick
"Miss na miss ko din po si lolo...sana kasama pa po natin siya hanggang ngayon."malungkot at pilit na ngumiting sambit ni Mandy.
"Alam mo apo malulungkot yung bestfriend kong si Albert na makitang nalulungkot ka...Basta apo kung kailangan ninyo ng tulong ni Evan or ano pa man magsabi ka lang." sambit nito para mapagaan ang kalooban ni Mandy.
"Salamat po sa pagiging lolo po ninyo sa akin...sa amin ni Evan... kahit wala na po si lolo Albert..lagi po kayong nandiyan para alalayan at suportahan kami ni Evan."tugon ni Mandy
"Mandy alam mo naman na parang tunay na kitang apo at kadugo...mahal na mahal ko kayo ni Evan...kaya lagi mong tatandaan nandito lang kami para sa inyo."tugon ni Frederick
Nagulat naman si Mandy ng hawakan ni Evan yung kamay niya na nakapatong sa mesa. Makikita naman na nagngitian sila Carina,Anton at Frederick. Makikita ang saya sa mga mukha nila. Nilagyan naman ng pagkain ni Evan yung plato ni Mandy.
Masaya silang nagkukwentuhan. Hanggang mapagpasyahan naman ng lolo Frederick ni Evan at ng mga parents nito na umuwi na.
"Sigurado po ba kayo na di kayo dito matutulog? Sayang akala pa naman po namin ni Mandy dito kayo matutulog ngayon."sambit ni Evan
BINABASA MO ANG
Bakit Nga Ba Mahal Kita?
RomanceHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong nararamdaman?Paano mo haharapin ang katotohanang ang taong labis mong mahal ay hindi ikaw ang kailangan? Aatimin mo bang paulit -ulit na masaktan? Maibibigay mo ba ang kapatawaran?